NAGKITA ulit si Samantha at ang Daddy niya para pag-usapan ang mga plano nila. "Iha, papaikli na ng papaikli ang nalalabing panahon para maiahon natin ang mga negosyo natin. Sooner or later malalaman na ng buong business society ang tunay na estado natin sa ngayon ganun din ang nalalapit na paniningil ng bangko sa mga utang ko. Ayaw kong mangyari yun dahil lalong wala ng investors ang magtitiwala at baka pati mga shareholders ay mag pull out ng shares nila kapag nangyari yun ay tuluyan na tayong malulugmok," salaysay ni Don Hervacio kay Samantha sa tonong puno ng pag-aalala. "Dad, I'm doing what I can para makuha ko ulit si Matthew pero syempre hindi pwedeng lantaran dahil baka matunugan tayo at ang tunay nating pakay sa kanya," saad naman ni Samantha. "I understand iha, hayaan mo at ak

