PAGDATING ni Matthew sa mansion ay kaagad niyang hinanap si Priscilla at niyakap ito ng mahigpit. Halos walang salita na lumabas sa bibig niya talagang blangko ang utak niya. May pakiramdam siyang parang groggy siya at lumulutang pero wala talaga siyang matandaan sa mga nangyari ng nakaraang gabi. Si Priscilla naman ay nanaig ang pag aalala ng makita na iba ang hitsura ni Matthew para itong namumutla at lantang gulay kaya mas pinili niya ang manahimik at wala siyang ibang ginawa kundi asikasuhin at alagaan si Matthew. Ang mahalaga sa kanya ay nasa piling na niya ulit si Matthew at nakauwi ito ng ligtas. "How's your trip? How's everything and how are you?" sunod-sunod na tanong ni Priscilla bagamat kaswal ay nandoon naman ang pag aalala. "Everything went well sweetheart but please I'm no

