NAGPATULOY ang party at si Samantha ay piniling umupo sa mesa nila Matthew at tumabi pa ito mismo sa binata at sadyang iniitsa-pwera si Priscilla. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Priscilla ang lantaran na pagpi-flirt ni Samantha kay Matthew kaya nagpaalam siyang pupunta sa ladies room na sinundan naman siya kaagad ni Hera para alalayan. "Hey pretty girl relax, huwag kang paapekto sa babaeng iyon total nakaraan na iyon ni Matthew," saad ni Hera habang hinihimas ang balikat niya. "I'm trying not to be affected pero nakikita niyo naman diba? Ito na ang pinaka kinatatakutan ko ang makitang may ibang babae sa buhay ni Matthew," maluha-luhang saad ni Priscilla. "Ano ka ba. Walang ibang babae sa buhay ni Matthew, ikaw lang ang mahal niya at pakakasalan ang babaeng iyon ay bahagi nalang ng na

