LUMIPAS ang mga araw,linggo at buwan ay naging ganoon ang ikot ng mundo ni Priscilla sa mansion. Maagang papasok at umaalis si Matthew at gabi na kung umuwi madalas tulog na siya. Mula noong gabi na nagmake-out sila ay madalas pagod si Matthew at kuntento ba itong mahalikan at kayakap si Priscilla sa pagtulog. Sa umaga naman ay tuloy pa rin ang pag-aasikaso sa kanya ni Priscilla bago pumasok sa opisina. Hanggang isang umaga kinausap siya ni Matthew. "Sweetheart I'm so sorry I've been so busy these past few months I almost don't have time to spend with you, it's just that I have so many things to do in the office and business meetings to attend,"paghingi ng paumanhin ni Matthew kay Priscilla. "It's okay I understand andito naman sila Manang Tildi at mga katulong kahit paano ay nalil

