KINABUKASAN ay maaga siyang pumunta kina Aling Cedes nagsuot ng grey cargo shorts, itim na T-shirt at sneakers iyon na ang pinaka simpleng damit ang pwede niyang masuot sa mga gamit na iniwan niya sa private suite niya. Pagdating niya kina Priscilla ay tamang-tama naglalabas si Aling Cedes ng mga plastic containers na paghahakutan ng tubig wala pa kasing water supply sa lugar. Ang mga tao ay umaasa lang sa mga water pump at deep well. "Magandang umaga po Inay,"bati ni Matthew kay Aling Cedes at kaagad nagmano. "Oh iho ang aga mo yatang pumunta rito sandali at gigisingin ko si Priscilla,"saad ni Aling Cedes at inilapag ang bitbit na plastic containers. "Huwag na po Inay Cedes hayaan niyo po siyang matulog. Akin na po at tutulungan ko kayo mag sahod ng tubig,"pagpipresinta ni Matthew. "A

