NALAMAN ni Matthew na nasa Puerto Galera si Priscilla kaya lumipad siya kaagad para puntahan ang dalaga. "Tao po...tao po…," tawag ni Matthew mula sa gate ng bahay nila Aling Cedes. Mag-aalas nuebe na ng gabi kaya halos tahimik na ang buong barrio maging sila Priscilla ay mukhang nagsisitulog na. "Tao po...tao po...Aling Cedes si Matthew po ito," tawag ulit ni Matthew at nagpakilala. "Narinig naman ni Aling Cedes ang boses na tumatawag mula sa labas kaya sinilip niya ito sa bintana at nagulat siya ng makitang si Matthew ang nasa harap ng gate kaya dali-dali siyang tumayo at pinuntahan si Priscilla sa kwarto nito. "Priscilla...anak, si Matthew nasa labas!" saad ni Aling Cedes kay Priscilla ng pabulong. "Ho?" gulat naman na nasambit ni Priscilla. "Mabuti pa lumabas ka at kausapin mo

