FIRST night of duty nila Priscilla at Natalie sa bar bilang trainees. Pagpasok palang nila ay ipinakilala muna sila sa lahat ng katrabaho particular na sa mga nasa counter at sa may mga matataas na ang posisyon sa buong hotel. Pagkatapos ay iginiya na sila sa loob ng bar kung saan may dalawang bartenders na naka-duty,medyo may edad na ang mga ito at parehong lalaki. Bar ang tawag sa lugar kung saan naroon ang mga nakadisplay na mga iba't ibang alak at iba pang beverages na sineserve ng lugar sa mga customers. Bartenders are the ones who entertain the needs of the customers and are responsible for mixing drinks. Mismong ang supervisor ang hahawak sa kanila ni Natalie para i-train.
"Good evening miss Alonzo,miss Bermudez," bati nito sa kanila na bahagyang nakangiti.
"Good evening din po ma'am," pagbibigay galang naman nila dito.
"I'm miss Vanessa Sanchez, I will be the one to handle both of you while you're on training period. So from now on anything you want to learn or you don't understand you come and talk to me," salaysay nito sa kanila.
"Yes ma'am," sabay na sagot naman nila ni Natalie dito.
"Ayaw ko ng mahiyain na kahit hindi naiintindihan ang sinabi ay basta nalang tatango,mas gusto ko ang nagtatanong kesa sa nagmamarunong," dagdag nito.
"Kapag nandiyan na kayo sa trabaho at may nag order na hindi niyo naintindihan o hindi niyo kayang gawin hindi tama na noon palang kayo magtatanong or kakalkal sa notes niyo, hindi maghihintay ng matagal ang customers lalo na kung maraming tao, kailangan sa trabaho na ito ay presence of mind at alertness, dapat mabilis kayong kumilos, hindi pwede ang mali-mali dito dahil ang mga customers kadalasan mga lasing and they want to get exactly of what they paid for," mahabang lecture nito sa kanila.
Kumuha ito ng dalawang kopya ng list of beverages na seneserve nila at itinuro ang bawat isa na nakasulat doon mula sa Aperitif, Brandy and Cognac, Whisky and Scotch, Tea and Coffee selections, Classic at Signature Cocktails, White and Red wine, Champagne or Sparkling wine, Gin, Rum, Tequila, Vodka, Liqueurs, Draft beer, Local beer, Imported beer, Local craft beer, Non-alcoholic beer, Freshly squeezed juices, Fresh fruit smoothie, Fresh fruit shake, Chilled juices, Soda, Bottled water at Soju.
Ininuro din sa kanila kung paano ang pagserve ng shooters lalo na iyong kailangan sindihan tulad ng B-52 na kadalasan orders ng mga kababaihan.
Itinuro din sa kanila ang iba't ibang baso at alin ang dapat gamitin base sa order ng customer,pati ang tamang paghawak sa tray at pag-arrange sa mesa ng mga orders kung alin dapat ang nauuna. Pati ang tamang dami ng yelo na dapat inilalagay sa baso ay dapat average level lang. Napaka rigid ng training pero mas na appreciate iyon ni Prescilla at Natalie alam nilang iba talaga pagtotohanan na kesa tinuturo palang sa eskwela. Medyo matagal ang naging lecture sa kanila ng supervisor kaya hindi nila namalayan ang oras. Kagagaling lang nilang tatlo sa stock room dahil itinuro sa kanila ang pag-inventory sa stocks at ang paglabas at pagpasok ng stocks. Pabalik na sila sa counter nang mapadaan sila sa VIP area. Napansin ni Miss Vanessa na naroon sila Matthew at Andrew kasama ang manager, kaya dinala sila doon para ipakilala.
"Oh, ladies andito pala ang mga Big Bosses natin, halikayo at ipakikilala ko kayo," saad nito sa kanila.
Sumunod naman si Prescilla at Natalie na biglang na-conscious at kinabahan.
"Good evening Sir Matthew,Sir Andrew...welcome back po," magalang na bati ni Vanessa sa mga amo.
"Good evening Vanessa, how are you?"ganting bati ni Matthew sa supervisor.
Si Andrew naman ay imbes na magsalita ay napako ang tingin kay Priscilla at Natalie na noon ay nakatayo sa likod ni Vanessa. Napa-wow ito ng makita si Prescilla at agad siniko si Matthew at inginuso ang kinatatayuan ng dalaga. Lalo naman nahiya at kinabahan si Prescilla na napakaganda sa suot na uniform parang manikang dinamitan maging si Natalie ay ganoon din. Si Matthew naman ay parang na starstruck sa beauty ni Priscilla bigla ay hindi alam ang sasabihin. Sa isip niya ay parang serena si Prescilla na umahon mula sa karagatan dahil sa kakaiba nitong ganda. Bagama't nakapusod ang mahabang buhok ay ito ang nagpapaiba sa itsura niya sa karaniwan.
"By the way sir,this is Priscilla Alonzo and Natalie Bermudez bago nating hired bartenders but at the moment ay still on training," pag introduce ni Vanessa sa kanila sa mga Big Boss.
Magalang na yumuko pa si Prescilla at Natalie para bumati at magbigay galang sa mga amo.
"Good evening po sir,"saad ni Natalie.
"Good evening po sir," wika naman ni Prescilla na lalong na conscious dahil sa titig ni Matthew sa kanya.
"Dahil hindi nagsasalita si Matthew ay si Andrew ang lumapit at nakipagkamay pa sa dalawang dalaga.
"Good evening ladies,ang gaganda niyo naman para mababad sa yelo magdamag," biro ni Andrew sa kanila.
Natawa naman ang manager na si Noelle Ortega at si Vanessa.
Si Matthew ay nakabawi na sa pagkamangha ay tumikhim at nagsalita.
Welcome to our company, I hope both of you will enjoy your job," casual na saad nito ngunit nakatitig pa rin kay Prescilla.
"Thank you sir,"sabay na sagot nila sa amo.
Hindi lang amo kundi napakagwapong amo.Si Prescilla ay biglang sinalakay ng kung ano ang buong katawan at bigla nalang para siyang mabubuwal sa kinatatayuan. Hindi niya akalain na ganito kagwapo ang magiging amo nila. Napaka-yummy nitong tingnan kahit medyo mature na. Naalala niya tuloy ang crush na Hollywood actor at film director na si George Clooney, habang nagkakaedad ay lalong napaka-yummy tingnan. Super na starstruck siya kay Matthew. Bigla tuloy siyang nawala sa sarili at nangarap ng gising.Na-imagine niya ang sarili bilang si Nicole Kidman naalala niya ang pelikula ng dalawa na "The Peacemaker" kahit alam naman niyang hindi sila couple in real life hindi niya parin maiwasan hindi kiligin sa dalawa at mangarap na sana siya din ay mapunta sa ganoong eksena sa totoong buhay. Napansin naman siya ni Natalie na parang nananaginip ng gising kaya siniko siya nito hiyang-hiya naman si Priscilla. Buti nalang at nagpaalam na si Vanessa sa mga amo na babalik na sa pwesto kaya laking pasalamat ni Priscilla.
Mula nang makilala ni Priscilla ang mga binatang amo ay hindi na siya mapalagay pakiramdam niya may matang nakatingin sa kanya at siya naman ay panakaw ang sulyap sa kinaroroonan ni Matthew na noon ay napaka casual na nakikipag-usap sa ibang customers na lumapit dito para makipagkilala. Ganoon din si Andrew bagama't medyo lasing na ay maayos parin ang tayo hawak ang baso pero ang mata ay nasa show girl na sumasayaw sa stage.
Bago nag closing time ay umalis na sila Matthew at Andrew sa Discovery Club. Medyo nalasing ang dalawang binatang amo pero si Matthew ay mag-isa at si Andrew ay kasama ang show girl na bagong alaga ng mamasan. Maganda ito at sexy at naiiba ang hitsura at kilos sa mga ordinaryong kababaihan na nandoon halatang sanay na sa ganitong kalakaran sa Maynila. Galing daw ito sa isang sikat na Night Club sa Ermita kung saan mga Pilipinong customers ang madalas na parokyano. Kadalasan daw ay mga pulitiko, mataas ang rank sa police at militar ang iba naman ay businessman din pero hanggang kabit lang daw ang kayang i-offer ng mga ito at pagnagsawa ay iiwan din at kukuha ng bago kaya wala daw future kaya naisipang magbakasyon muna sa isla at pansamantalang pumasok bilang show girl sa Discovery Club at susubok makipagsapalaran sa mga foreigners baka sakali daw maging daan niya para makaalis ng bansa. Pero noong ipinatawag sa mamasan ni Andrew ay halos takbuhin ang kinaroroonan ng mga amo so sobrang excitement. Bukod sa bilyonaryo din si Andrew ay napaka simpatiko nito dahil sa maamo ang mukha at smiling face, palabiro at kalog. Kabaliktaran kay Matthew na bagama't rugged manamit at bad boy ang dating ay napakaseryoso ng mukha at misteryoso ang dating dahil sa hindi ito pala-imik at bihira mong mapatawa, parang pasan-pasan ang daigdig. Kaya nang sabihin ng mamasan na isasama ito ni Andrew sa suite ay proud na proud ang babae. Habang paalis na sila ay para itong babaeng unggoy na takot agawan ng saging sa higpit ng kapit nito sa braso ni Andrew.
Alas-tres natapos ang duty nila Priscilla at Natalie, bagama't pagod na pagod ay pareho silang masaya. Medyo malaki ang tip na ibinigay sa kanila bilang parte sa naipong tip mula sa customers at nagbigay din daw si Matthew at Andrew ng pakunswelo sa mga empleyado dahil lahat ng ininom nila ay puro on the house, ganoon daw ang mga amo nila parehong mga generous palibhasa parehong binata.
Dumaan sila sa bakery para bumili ng pandesal at sa mini-grocery para bumili ng konting pasalubong sa kanya-kanyang pamilya. Naisip ni Prescilla na siguradong matutuwa ang mga kapatid dahil makalipas ang ilang buwan ay makakain ulit ng mainit na pandesal at fresh milk.
Para kay Prescilla kasayahan niyang makitang masaya ang mga kapatid at ang mga magulang. Lahat ng pagod ay napapawi ng pasasalamat ng mga ito sa kanya.
Bago natulog ay nilabhan niya muna ang uniform para malinis ito sa susunod na araw. Ang para sa kinabukasan ay nakahanda na dahil tig-dalawang sets ang ibinigay sa kanila. Nasa higaan na siya ay hindi parin dalawin ng antok kaya sige siyang pabaling-baling sa higaan, buti nalang tulog na tulog na ulit ang kapatid kaya hindi niya naiistorbo. Naalala niya lahat ng nangyari sa bar. Lahat ng itinuro sa kanila ng supervisor at lalong-lalo na ang makilala niya ang big boss na si Matthew pati narin si Andrew na mukhang kalog na katulad sa kaibigan niyang si Natalie. Hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Matthew at ang mga titig nito sa kanya. Parang may umusbong na kung anong hindi pangkaraniwang damdamin sa puso niya at ganoon nalang ang pananabik niyang makita itong muli. Hanggang sa nakatulugan niya ang kaiisip kay Matthew.
Kinabukasan ay dinaanan siya ni Natalie para sabay na silang pumasok.
"Bes, kamusta nakatulog ka ba kaagad pagka-uwi natin kaninang madaling araw?" tanong ni Natalie kay Ella.
"Oo naman," pagsisinungaling niya sa kaibigan.
"Bakit mo naman naitanong?" tanong niya kay Natalie bagama't nababasa na niya ang iniisip nito.
"Wala lang, naisip ko lang baka naimagine mo iyong organic eggs na sinasabi mo," sabay tawa.
Nagblush naman si Prescilla dahil akala niya siya ang nagbabasa sa isip ng kaibigan iyon pala ay mas nababasa nito ang mga kilos niya.
"Ikaw talaga Nat kung anu-ano iniisip mo diyan," patay malisya na saad niya dito ngunit hindi makatingin sa kaibigan.
Nahalata naman ni Natalie ang pag-iwas niya ng tingin kaya lalo tuloy siyang tinukso nito.
"Uy bes ha iba na yan, baka akala mo hindi kita napapansin kagabi ka pa madalas tulala at conscious na conscious sa sarili mo," salaysay ni Nathalie sa kanya.
"Anong tulala, anong conscious na conscious?" maang-maangan niya.
"Ay naku bes huwag kang plastik ha! Sa akin ka pa ba magsisinungalinG?" pambabara sa kanya ni Natalie.
"Eh ano nga ang ibig mong sabihin?" seryosong tanong niya sa kaibigan.
"Crush mo si sir Matthew noh?" deretsong tanong nito sa kanya.
Hindi naman nakasagot si Prescilla at parang kinapa ang sariling damdamin saka nagsalita.
"Langit at lupa ang agwat ng estado namin sa buhay bes alam mo yan, sa tulad nating mahihirap ay suntok sa buwan ang pangarapin sila," saad ni Ella.
"Ano namang connect sa sagot mo sa tanong ko?" pangungulit nito.
"Hindi ko alam bes, pero hindi ko alam na ganun kagwapo ang magiging amo natin, siguro nagulat lang ako alam mo naman dito sa isla minsan ka lang makakakita ng katulad nila ni sir Andrew," paliwanag ni Ella sa kaibigan.
"Sabagay, maski ako namangha akala ko foreigners ang amo natin na matatanda na at malalaki ang tiyan hahaha," sang-ayon naman nito at humalakhak pa.
"O, sige tara na bes at baka ma-late pa tayo," yaya na ni Priscilla sa kaibigan.