NAGPATULOY ang buhay ni Priscilla mag-isa punong-puno siya ng pangarap at pag-asa na isang araw ay makakabangon siyang muli at magagawang suportahan ang Inay at mga kapatid niya sa probinsya. Ngunit ang lahat ay hindi naging madali para sa tulad niyang hindi college graduate or degree holder. Naging mahirap sa kanya ang makahanap ng maayos at high-paid job. Maraming pagkakataon na gusto na niyang sumuko at bumalik na lang sa probinsya dahil tila mailap sa kanya ang salitang "swerte" ngunit kung susuko siya ay para na rin niyang isinuko pati pangarap ng mga kapatid na makapag-aral ng maayos pati ang masuportahan ang gamot ng nagkakaedad at sakitin narin na si Aling Cedes kaya gaano man kahirap at kalungkot mamuhay mag-isa ay tiniis niya para sa pamilya. Isang araw habang kausap ang inay sa

