NAGING abala sina Matthew at Samantha sa paghahanda para sa nakatakda nilang kasal. Sa sobrang saya ni Don Hervacio na sa wakas ay makakabawi na siya kay Samantha ay ipinalathala nito sa lahat ng news papers at magazines ang nalalapit na kasal ng kanyang unica hija at ni Matthew. Alam niyang instant billionaire si Samantha the moment na makasal ito kay Matthew. Iyon na rin ang inaaasahan niyang simula ng muling pagbangon ng kanilang mga negosyo. Mababayaran na rin nila ang mga utang nila sa bangko ng walang kahirap-hirap at magiging masaya pa ang anak niya dahil muling napunta dito ang lalaking pinakamamahal nito. Si Matthew naman ay para nalang naging sunod sa agos. Ang tanging iniisip na lang niya ay ang kapakanan ng magiging "anak daw" nila ni Samantha. Makalipas ang ilang buwan ay m

