KINAUSAP ni Andrew si Matthew para payuhan sa nalalapit nitong pagpapakasal. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin siya sang-ayon sa gagawin nitong pagpapakasal kay Samantha. Lalo na at hindi man nito sabihin ay alam niyang si Priscilla parin ang tinitibok ng puso nito at hindi si Samantha. "Bruh, buo na ba talaga ang desisyon mo sa pagpapakasal kay Samantha?" "Yes bruh, dahil sa bata," kaswal na sagot ni Matthew. "But you don't have to marry her, you can be a father but not a husband if you really want," saad ulit ni Andrew. "Ayaw kong mamulat ang anak ko sa ganoong set up bruh, isa pa nagbanta si Samantha na ipapaampon ang bata once na hindi ko siya pinakasalan," salaysay ni Matthew. "And you believed?" tanong ulit ni Andrew. "Pwede niyang gawin iyon," sagot naman ni Matthew. "Oh

