DAHIL sa walang matibay na ebidensya at testigo na maiharap si Hector ay hindi nito nagawang sampahan ng kaso ang mag-ama kaya pinalaya rin ang mga pulis si Don Hervacio at Samantha. Bagama't nakalaya ang mga ito ay sapat naman ang mga ipinagtapat ni Hector para maniwala si Matthew at tuluyang putulin ang kaugnayan niya sa pamilya ni Samantha lalo pa sa pinagbubuntis nito. "Your angel saved you bruh," saad ni Andrew ng matapos ang lahat ng gulo. "Bakit kaya ganito ang buhay ko bruh?" tanong ni Matthew. "Bruh, hindi ka dapat nagpapa apekto sa mga nangyayari. Iba-iba tayo ng kapalaran nagkataon lang na yan ang napunta sayo, dahil sa sobrang yaman mo na hindi maiwasan na may mga taong sasamantalahin ang kabaitan mo," salaysay naman ni Andrew. "Ang mabuti siguro nito ay maging pusong-bato

