HALO-HALO ang emosyon nararamdaman niya ng mga oras na iyon excited siya na sa wakas ay makikita niya ang mga tunay na kadugo ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroon ang hinanakit sa mga ito dahil sa ginawang pag tikis at pagtakwil sa kanyang ina kaya sobra itong nahirapan sa buhay at namatay ng maaga ganoong din sa pamilya ng kanyang ama. Ngunit naisip din niyang nakaraan na iyon at hindi na maibabalik ang buhay ng mga magulang niya. Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay tumambad sa kanya ang dalawang matatanda na bagamat mga kulubot na ang mga balat ay naroon pa rin ang taglay na mga kagandahan ng mga pisikal na anyo ng mga ito. "Sa wakas ay dumating ka iho, kay tagal ka naming hinihintay," bungad ni Senyora Margarita na maluha-luha ang mata at bukas palad na hinihintay ang yakap

