Kasalukuyan kaming nagbabiyahe patungo sa lugar na hindi ko batid kung saan man ako dadalhin ni Calvin.
Dahil hindi ko naman alam kung saan kami tutungo na dalawa mas pinili ko na lamang manahimik sa buong oras ng aming biyahe.
“Your silence is causing doubt in my mind.”
Dahan-dahan akong lumingon kay Calvin at saka nagtatanong ang mga matang tumitig sa kaniya.
“Huwag mo nang subukan pang tumakas dahil alam mong hindi ka rin magtatagumpay,” seryosong wika ni Calvin.
Hindi ako sumagot bagkus muli lang akong tumanaw sa may labas ng bintana ng sasakyan.
Napakaliwanag ng mga ilaw sa paligid habang binabaybay namin ang daan sa kalsada. Medyo nalulula ang mga mata ko sa mataas na gusaling aming nararaanan ngunit mas pinili kong pagmasdan iyon kaysa humarap sa taong kasama ko.
Huminto ang sinasakyan namin sa lugar na may malawak na garahe at napansin ko roon ang maraming sasakyang nakaparada. ‘Di ko rin naman mabigyan pansin ang mga ‘yon sapagkat binuksan na ni Calvin ang pintuan ng sasakyan sa may bandang gawi ko.
Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa ‘king harapan. Hindi ko alam kung ito ba ay tatanggapin o iignorahin na lamang.
Marahil naramdaman ni Calvin ang pagdadalawang isip ko kaya siya na ang kusang humawak sa kamay ko.
“You’re cold.” Masuyong ginagap niya ang palad ko kasabay ng marahang pagpisil.
Hindi ako sumagot bagkus hinayaan ko lamang siya sa kaniyang ginawa at saka sumunod ako sa ginawa niyang paghakbang.
Pumasok kami sa loob ng gusali kung saan dumire-diretso kami sa loob ng bulwagang napakaliwanag ng buong paligid.
Pagpasok pa lamang namin sa may pintuan ay sinalubong na agad kami ng mga bigatin at kilalang tao ng lipunan.
Marami silang tanong kay Calvin na hindi ko rin maunawaan dahil wala rin naman akong alam sa kanilang mga pinag-uusapan.
Muli kong naramdaman ang pagpisil ng kamay ni Calvin sa’king palad na siyang dahilan nang pagtingin ko sa kaniyang mukha.
“Relax! I'm here beside you,” usal niya na nagbigay kapayapaan sa’king puso.
Hindi ko maitatanggi sa sariling may munting damdamin ang sumisibol sa loob ng aking dibdib para sa binata.
Ewan ko ba kung bakit sa kabila ng masamang pagkakakilanlan ko sa kaniya ay nakadarama pa rin ako ng kapayapaan sa tuwing kasama siya.
Alam kong mali ang nararamdaman kong ito sapagkat mahirap magtiwala, ngunit sa bawat paglipas ng mga araw na nakakasama ko siya ay tumitindi rin ang mga emosyong gumugulo sa loob ng dibdib ko.
Narating namin ni Calvin ang dulong bahagi ng bulwagan kung saan medyo malayo na sa maraming tao.
Ganito kami parati sa tuwing dadalo ng mga okasyon. Sa bandang sulok na bahagi kami pumupwesto dahil ayaw niyang makausap o malapitan ako ng kahit sino hangga't maaari.
Bagay na ipinagpapasalamat ko rin dahil wala akong hilig makipag-usap lalo pa at sa ganitong klase ng mga okasyon.
Inalalayan pa muna akong makaupo ni Calvin bago siya sumunod na umupo sa katabing bakanteng upuan. Ganito siya tuwing nasa labasan kami at may ibang taong nakakasama. Ipinapakita niyang sweet siya sa’kin sa harap ng ibang tao upang huwag masira ang kaniyang imahe.
“Mr. Villaforte!”
Sabay kaming napatingin ni Calvin sa taong tumawag sa kaniyang pangalan at sa pagkakaalala ko sa pangalan ng taong iyon ay siya si Mr. Flores.
“Mr. Flores!” Tumindig si Calvin para humakbang palapit sa matandang lalaki upang salubungin. Nagkamayan sila at tinapik ang balikat ng isa’t isa.
Napapabuntonghiningang pinanood ko lamang silang mag-usap habang isiniserbisyo naman ng waiter ang mga pagkain sa aking harapan.
Masasarap sa paningin ko ang mga pagkaing nakahain at talaga namang nakadarama ako nang pagkalam ng sikmura. Ngunit kahit pa nga nagugutom ako ay pinilit ko pa rin na hintayin si Calvin na matapos sa pakikipag-usap kay Mr. Flores upang sabay rin kaming kumain.
Bumalik sa tabi ko si Calvin matapos makausap si Mr. Flores. Nagsimula kaming kumaing dalawa ng tahimik ng bigla na lamang sumulpot ang ilang mga kalalakihan na tila kaedad lang din ni Calvin.
“Babalik ako, Mia.” Paalam niya sa ‘kin na tinanguan ko lamang.
Walang nagawa si Calvin nang hilahin siya ng ilan sa mga lalaking bigla na lamang sumulpot sa aming lamesa.
Sinundan ko sila ng tanaw habang papalayo sa ‘kin. Nakita kong huminto sila sa dulong bahagi ng bulwagan kung saan maraming tao ang pumalibot sa kanila.
Nagkibit balikat na lamang ako saka binalikan ang pagkaing naudlot kainin.
Maya-maya’y pumailanlang sa paligid ang malamyos na musikang kaysarap sayawin ng dalawang taong mayroong pagmamahalan sa isa’t isa.
Romantiko akong tao at iyon ang nais kong mangyari sa kwentong pag-ibig ko. Pinangarap kong maranasan ang ganoong karanasan sa sandaling makawala sa poder ni Calvin.
“Hi!”
Nabaling ang tingin ko sa baritonong tinig ng taong nagsalita. Hindi ko siya nakikilala dahil ngayon ko lamang din siya nakita.
“Can I dance with you?” Simpatikong ngiti sa kaniyang labi ang sumilay kasabay nang paglahad ng isa niyang kamay sa aking harapan.
“Huh?!” kunot-noong anas ko.
“I'm sorry for being rude. By the way, I'm Harry, one of Calvin’s friend. Can I dance a beautiful lady who sit alone here?” Hindi naalis ang simpatikong ngiti sa kaniyang labi habang nanatili naman ang kamay niyang nakalahad sa aking harapan.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon o babalewalain na lamang. Pero tumingin ako sa gawi ni Calvin na ngayon ay matiim na nakatitig sa amin nang nagpakilalang si Harry.
May kung anong emosyon akong nabasa mula sa kaniyang mukha at palagay ko ay pinahihintulutan niya rin naman akong makipagsayaw dahil sa pagtango ng ulo niya.
“Can I dance with you?” pag-uulit na tanong ni Harry.
Tinanggap ko ang palad ng lalaki upang huwag nang ipahiya sa kaniyang paghihintay.
Inalalayan akong tumayo at maglakad ni Harry patungo sa may gitna ng bulwagan kung saan naroon din ang ibang magkaparehong sumasayaw.
Wala akong maramdamang spark sa paghawak ni Harry sa kamay ko hindi katulad kay Calvin na balahibo pa lang ay ramdam ko na agad ang kakaibang boltahe ng kuryente.
Ilan sandali kaming sumayaw sa gitna ng bulwagan hanggang sa matapos ang malamyos na tugtugin.
“Excuse me Harry, pupunta lang ako ng ladies room.” Paalam ko sa lalaki saka mabilis na bumitaw mula sa pagkakahawak nito.
Iyon lamang ang naisip kong paraan para makakawala mula sa lalaking ngayon ko lamang nakilala.
Nang tumango si Harry ay simbilis ng ipo-ipong nilapitan ko ang pouch sa may mesa saka nagmamadaling tinungo ang restroom.
Hinanap ng mga mata ko sa paligid si Calvin ngunit hindi ko siya nakita at tila wala na nga roon ang kaniyang presensiya na parang iniwanan niya na ako.
Napansin ko ang exit door na malapit lang sa may restroom na pinanggalingan ko kaya madali akong humakbang papalapit doon.
Palabas na sana ako sa may exit door ng may matigas na kamay ang humawak sa ‘king braso.
“Paano ka na-“ panimula ko, pero napatigil ako sa pagtitig sa kaniyang mukha.
Paano’ng nangyaring ‘di ko man lang namalayan ang presensiya ni Calvin?
Nakamamatay ang paraan ng tingin niya ngunit hindi ko maramdamang iyon ang kaniyang nais gawin sa’kin.
“Why was his arm around you?” puno nang pang-uusig at may bahid galit sa kaniyang tinig.
Sumimangot ako dahil hindi ko lubos na maunawaan ang kaniyang tanong hanggang sa bigla na lamang nag-sink in sa isipan ko ang pagsasayaw namin ni Harry.
"Ano naman ang kinalaman niyon sa iyo?" mataray kong balik tanong sa kaniya dahil sa ngayon pa lamang ako nagkalakas ng loob na sagut-sagutin siya.
Napansin ko naman talaga kanina ang matalim niyang mga matang nakatitig sa aming dalawa ni Harry habang nagsasayaw.
Pero tumango siya bilang pagsang-ayon na maisayaw ako, kaya iyon ang basehan nang pagtanggap ko sa palad ni Harry.
Ang tanong na lang ay kung pumayag nga ba talaga siya?!
Itinaas ko ang ulo upang tumingala sa kaniyang mukha. Isang pagkakamali ang ginawa kong iyon dahil nasilayan ko ang napakaganda niyang mga mata na tila nangungusap kung tumitig sa ‘kin kahit pa nga kaylamig niyon.
“Hindi ako umalis sa tabi mo para lang isayaw ka ng Harry na ‘yon!” Ang kaniyang mga mata ay nagliliyab sa galit.
Hindi ko tuloy maiwasang lihim na mapangiti dahil sa natutuwa akong pagmasdan siya sa ganoong anyo. May kilig tuloy akong naramdaman sa sulok ng aking puso.
“Anong nginingiti-ngiti mo?” salubong ang mga kilay niyang tanong sa akin.
“Hindi ba’t iniwanan mo ako roon dahil ang sabi mo ay mayroon kang ibang mahalagang gagawin?” nakataas kilay kong turan.
“Kaya ba sinasamantala mo at ngayon ay tinatakasan mo na ako?!” Sobrang lapit ni Calvin kaya naaamoy ko ang mabangong hiningang mula sa kaniya na mapang-akit na nanunudyo sa ‘king pang-amoy.
Nakakaakit ang pabangong gamit niya na pumapalibot sa buong paligid kaya naman hindi ko maiwasang lihim na mapasinghap.
“You really think you can run from me, Mia?” his gruff voice made me trembling.
Sinikap kong huwag ipahalata kay Calvin ang panginginig ng mga tuhod ko pero patuloy namang bumubuway ang mga iyon mula sa pagkakatayo.
Sa aking pagtataka ay isang ngiti ang rumehistro sa kaniyang labi kasabay nang paghapit ng isa niyang braso sa aking baywang.
“Palagay ko ay kinakailangan na kitang itali sa ‘kin nang sa gayon ay hindi mo na ako matakasan pa.” Dumampi ang kaniyang labi sa ibabaw ng aking labi.
Naghahalo ang mga hininga namin sa hangin habang unti-unting humihina ang pagpipigil ko sa sarili. Tuluyan nang bumigay ang katatagan ng mga tuhod ko dahil parang nauupos na kandilang biglang nanlambot ang mga iyon.
Mabuti na lamang at maagap akong nasalo ni Calvin saka ipininid sa kaniyang matigas na dibdib.
Napakapit ang isang kamay ko sa kaniyang braso habang ang isa naman ay pumulupot sa leeg niya.
“Your body melt under my touch, and I feel you like more than that.” Namamaos ang kaniyang tinig nang sabihin iyon.
“Calvin...”
“I love it when your moaning my name,” nakangisi niyang saad.
Pinanliitan ko siya ng mga mata ko saka naiinis na itinulak sa kaniyang dibdib.
“Ano bang pinagsasasabi mo! Bitiwan mo nga ako!” tapang-tapangan kong sambit.
Kahit may katotohanan ang kaniyang winika, patuloy ko iyong itatanggi dahil hindi ako maaaring magkagusto sa isang tulad niyang walang puso!
Imbes na pakawalan ako ay lalo lamang humigpit ang paglingkis ng kaniyang braso sa ‘king katawan.
“Huwag mong ubusin ang pasensiya ko Mia dahil tiyak na hindi mo iyon gugustuhin!” Mula sa malanding pananalita bigla na lamang nagbalik ang kaniyang malahalimaw na tinig.
Ang lakas nang pagpintig ng puso ko hindi dahil natatakot ako sa kaniyang sinabi kundi dahil sa kilabot na hatid sa ‘kin ng kaniyang hininga.
“Umuwi na tayo,” matigas niyang sabi.
Mula sa nakakailang na posisyon ay inayos niya ang aming postura kung kaya bumalik kami sa maayos na pagkakatayo.
Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako sa kamay palabas sa may exit door at saka tinungo na namin ang kaniyang sasakyang nakaparada sa may parking lot.