Chapter 4

1517 Words
Pasimpleng pinunasan ko ang pawis na tumagaktak sa ‘king noo habang nakatitig sa mukha ng mga magulang ni Calvin. Hindi ko inaasahang makakaharap ko rin ang sikat na mga modelo ng bansa na sina Carlo at Simona Villaforte. Ni wala sa hinagap ko na kapatid sila ni Calvin at ‘di ko rin inaasahang ama niya si Mr. Simon Villaforte, ang guro ko sa Literature subject. Ang ina niya namang si Mrs. Carla ay may tinataglay na gandang kaakit-akit na kahit sinong makakita ay tiyak na mapapa-ibig. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit tila ayaw nang umalis sa kaniyang tabi ang asawa na siyang ama ni Calvin. Lihim akong napabuntonghininga upang alisin ang kabang malakas na kumakabog sa loob ng dibdib ko. Lahat sila ay pawang mga nakatitig lamang sa akin na para bang hinihintay akong magkamali ng galaw. Hindi ko tuloy malaman kung paanong kikilos sa kanilang harapan. “Ikaw pala si Mia.” Nakangiting labi ni Mrs. Carla ang nagpakalma sa nararamdaman kong kaba. Tanging pagkurap lamang ng mga mata ang naitugon ko sa winikang ‘yon ng ina ni Calvin. “Madalas kang ikinukwento sa amin ni Calvin,” sabad naman ni Simona na siyang ate ni Calvin. Napalunok laway ako sa kaniyang sinabi at napaisip na rin. Ano naman kaya ang ikinuwento sa kanila ni Calvin tungkol sa’kin?! Umupo si Simona sa‘king tabi dahilan para muling magbalik ang malakas na pagkabog sa loob ng dibdib ko. Bumaling at tumitig naman ako sa maamong mukha ng ina ni Calvin nang gagapin niya ang mga kamay ko. Hindi ko siya kakikitaan ng anumang disgusto para sa ‘kin bagkus ay nanatili pa nga ang matamis nitong ngiti sa labi. “I was hoping to spend some time alone with you.” Nakadama ako ng emosyon sa pagpisil ni Mrs. Carla sa mga kamay ko. “Natutuwa akong sumama ka ngayon sa aking anak, Mia.” Para siyang diyosa na napapanood ko sa Korean drama sa telebisyon kung saan tanging ang hangin lamang ang nagpaparating sa ‘kin ng kaniyang winika. “Mom don't be harsh to Mia. Hayaan mo munang makakain tayo bago mo po siya chikahin,” wika ni Simona. Tipid na ngumiti ako sa kanila at saka muling pinagdikit ang mga labi ko upang itikom ang mga iyon. Hindi ko gugustuhing magkamali sa bawat salitang bibitiwan dahil ayokong maparusahan ni Calvin na ngayon ay may nagbabantang tinging nakatunghay sa ‘kin. Hindi dahil sa natatakot ako sa kaniya kundi dahil ayoko lamang makipagtalo pa. Napapagod na rin ako kung minsan makipag-argumento sa kaniya lalo na at walang katuturan ang topic. Isinilbi ng mga waiter sa hapagkainan ang pagkaing in-order. Lahat kami ay pawang nakatitig sa mga ginagawang pagseserbisyo ng mga ito at ‘di kalaunan ay nagsimula na rin kumain. Hindi ko maiwasang mapasulyap sa gawi ng mga magulang ni Calvin na malambing na nagsusubuan. Para silang mga teenager na kahit mayroong ibang tao sa paligid ay wala silang pakialam na dalawa. Ang mahalaga lamang sa kanila ay nagagawa nilang magpatuloy sa malambing na pagsusubuan. Kahit mukhang nuknukan ng sungit si Mr. Simon ay mababakas pa rin sa kaniyang mukha at galaw ang labis na pagmamahal para sa asawa. Hindi ko tuloy naiwasang mapaluha dahil naalala ko sa kanila sila mama at papa. “Bakit ka umiiyak, Mia?” Nahimigan ko ang pag-aalala sa tinig ni Simona habang itinatanong iyon sa akin. “Mayroon ba kayong problema ni Calvin?” tanong naman ni Carlo na siyang kakambal ni Simona. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko nang umakbay ang isang braso ni Calvin sa aking balikat. Nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko sa batok nang dumukwang pa siya sa leeg ko na animo ay naglalambing lang sa’kin. “Don’t make a scene here!” nagtatagis ang mga ngiping bulong ni Calvin sa likod ng aking tainga. Napakagat labi ako upang pigilin ang nagbabadyang pagpiyok ng hikbi mula sa loob ng aking lalamunan. “Is there anything wrong with Mia, Calvin?” malamig na tanong ni Mr. Simon sa kaniyang anak. “Nothing, Dad!” nakangiting tugon ni Calvin sa kaniyang ama kasabay nang pagpisil ng kamay nito sa’king balikat. Sa paningin ng iba ay aakalain lamang iyong malambing na gesture ng binata para sa akin. Pero ang totoo ay senyales iyon na kinakailangan kong umayos sa pagkilos kung ayaw kong makatikim ng parusa mula sa kaniya. “Kung minsan kasi Bro ay kinakailangan mo rin maging malambing kay Mia hindi lamang sa harap ng publiko kundi pati na rin sa harapan ng iyong pamilya,” wika ni Carlo na may kasama pang pagkindat. Pagak na pagtawa lamang ang itinugon ni Calvin sa winikang iyon ng kaniyang kuya. “Nagpayo ang magaling sa lovelife!” pabirong haging naman ni Simona sa kaniyang kakambal. Sabay-sabay na umingay sa paligid ang malakas nilang tawanan dahilan para maalis ang nakabibinging tensiyon. I thought I wouldn’t see any good first impressions from Calvin’s family because of what he did to me, but I was wrong! Naiiba silang lahat kay Calvin na may malupit na pagkataong itinatago. Hindi ko kababakasan ng pag-aalala para sa ‘kin ang binata kabaligtaran naman ng kaniyang pamilya. Bakit nga ba siya mag-aalala para sa ‘kin gayong wala naman siyang pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ko. Kinuha nga niya ako mula sa tahanan namin upang gawing pambayad utang sa kaniya ng mga magulang ko. Utang na wala man lang akong kamalay-malay! Ang masaklap pa ay isa lamang akong bilanggo sa loob ng kaniyang tahanan kung maituturing. Bilanggong ang tanging papel lang sa kaniya ay dekorasyon sa harap ng mga tao lalo na sa pampublikong lugar kung saan siya madalas na humaharap. Marahil kung itinuloy ko ang pagiging artista noon ay isa na siguro ako sa mga tumatanggap ng best actress awards sa ngayon. Matapos naming kumain ay nag-aya pa ang ina ni Calvin na pumunta kami sa kanilang tahanan. Tumanggi naman si Calvin sa ninanais na mangyari ng kaniyang ina sapagkat mayroon pa raw siyang importanteng meeting na dadaluhan. Pabor din ako sa kaniyang nais dahil ko na rin magpahinga at the same time ay umiwas sa anumang katanungang maaaring itanong pa sa ’kin ng kaniyang pamilya. Bago kami tuluyang umalis ni Calvin ay mahigpit na yumakap pa muna sa akin ang kaniyang ina at ate. Yakap na naramdaman kong walang halong pagbabalatkayo o kaplastikan, bagkus ay pawang pagmamahal lamang para sa isang kapamilya. “Kung meron ka man problema sa ‘king kapatid, huwag na huwag kang mahihiya na magsabi. Mag-message ka lang at sisiguruhin ko sa iyong tutulungan kita,” nakangiting wika ni Simona at masuyong tinapik ang aking likuran. Tumango-tango ako bilang pagtugon sa kaniyang winika saka humalik ako sa makinis nitong pisngi para magpaalam. Ganoon din ang ginawa ko sa iba pang mga kapatid ni Calvin na malambing din yumakap sa akin. Kung sa ibang pagkakataon ko lang siguro nakilala si Calvin ay tiyak na mamahalin ko ang kaniyang pamilya dahil sa kabutihang ipinapakita ng mga ito. Pinagsiklop ni Calvin ang aming mga palad saka tuluyan nang nagpaalam sa kaniyang pamilya. Para tuloy kaming magkasintahan kung pagmamasdan mula sa malayo at wala man lang kahit sinong tao ang pwedeng mapaisip sa totoo naming sitwasyon na dalawa. Dama ko ang kinikimkim na emosyon ni Calvin ng nasa loob na kami ng kaniyang sasakyan. “Why did you do that?” tanong niya sa malamig na tono ng kaniyang tinig. “A-ang alin?” utal kong balik tanong sa kaniya. Nagsimula na naman akong panginigan ng mga tuhod dahil sa matalim niyang mga mata na nakatitig sa’kin. “Don’t act like an innocent angel, Mia!” Napalundag ako sa pagkakaupo dahil sa lakas nang pagkakabulyaw ni Calvin at para pa nga akong nabingi dahil sa pag-echo niyon sa loob ng sasakyan. “H-hin-di ko na-uu-nawaan!” kandautal kong sagot kasabay nang pagbagsak ng mga luha mula sa ‘king mga mata. “Huwag mo nang lokohin pa ang sarili mo dahil alam kong ginawa mo iyon para magpapansin sa pamilya ko lalo na sa aking ina!” pigil sa galit niyang wika na may riin sa bawat katagang binibigkas. Alam ko namang hindi siya maniniwala sa aking sasabihin kung kaya napakagat labi na lamang ako upang huwag nang sumagot pa. Tinalikuran ko siya saka humarap sa may bintana upang doon ibaling ang tingin at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Sunod-sunod na buntonghininga lamang ni Calvin ang naririnig ko mula sa aking likuran. Tila may kung anong nais siyang sabihin ngunit hindi niya na magawang maisabulalas. Hindi na ako nag-abalang lumingon sa kaniya upang wala na rin siyang dahilan pa na makipagtalong muli sa ‘kin. Narinig ko ang ingay ng makina ng sasakyan nang paandarin iyon ni Calvin at sunod kong namalayan ang pag-alis namin doon sa may lugar. Hindi ko na inintindi pa ang anumang reaksyon ni Calvin dahil hindi na ako nag-abalang lingunin siya. Pagod na pagod kong isinandig ang ulo at katawan sa may upuan saka ipinikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong talunin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD