ELISSA "Hi, Mom!" Agad nilapitan ni Ate Selen ang babaeng nadatnan namin sa napakalawak na living area. Napamaang ako sa bagaman nasa late 40s na babae ay maganda pa rin. Kamukhang-kamukha ito ni Ate Selen. May pinagmanahan ngang talaga. "Oh, hi, Selena! Tapos na ang bakasyon mo?" Halata ang gulat sa mga mata nito nang makita ang anak. "Yep. Ayoko magbakasyon nang matagal. Where's daddy, mommy?" "Nasa office ang daddy mo." Tumingin ito sa akin at napayuko ako. Natatakot akong makikilala ako nito. Noong araw ng kasal ni Xavier ay hindi ko ito napansin dahil nang mga oras na 'yon ay tanging sa groom at bride lang ang focus ko. Napalingon man ako ay hindi ko naman talaga naisa-isa ang mukha ng mga tao. "Who is she, Selena?" nakakunot ang noong patungkol nito sa akin. Napakangiti at m

