ELISSA NAG-INAT-INAT ako at nagbatak ng mga hita habang nasa loob ng locker. Alas-sais sakto, oras ng out ko. Nagtungo nga kami ni Ate Selen sa isang kalapit na coffee shop nang araw na 'yon, kilala nito ang bakla na may-ari. Doon na rin kami nag-lunch. Hindi ko alam kung ano ang nasa sulat pero parang hate na hate nito ang nagbigay niyon. Hindi na lang ako kumibo pa kahit paulit-ulit na naririnig ang pagsisintir nito. "He's such a jerk! He's such a jerk!" Paulit-ulit na namutawi sa bibig nito habang kausap si Joseph, ang bakla. Nasa kabilang table ang mga ito at solo lang ako. Tinatawanan lang ito ng Joseph. Hinahampas-hampas naman ito ni Ate Selen sa braso. "Pagbigyan mo na kasi." Sabay halakhak ng hindi naman lantad na bakla pero halatang-halata sa awra at pananalita. Guwapo sana a

