bc

La Heredera IX Ivanka Vasiliev

book_age18+
5.2K
FOLLOW
60.5K
READ
sex
arranged marriage
maid
sweet
bxg
city
small town
poor to rich
weak to strong
virgin
like
intro-logo
Blurb

To my readers here in Dreame/Yugto,

Due to personal reasons, I have decided to stop writing for this company. All my ongoing stories will be completed in my new app (Raven Sanz — availabe in Playstore; coming soon to IOS).

Thank you for supporting my stories.

Sincerely,

Raven Sanz

chap-preview
Free preview
Chapter 1
BANGS | PINAMALAYAN, ORIENTAL MINDORO Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang mga luha ko habang ipinapasok sa nitso ang kabaong kung saan naroon ang aking Lola Issa. Kung gaano kahirap sa akin ang tanggapin na wala na s'ya ay doble ang sakit nito kay Nanay. Gusto ko ng isipin na may sumpa ang mga babae sa aming lahi. Si Lolo ay iniwan si Lola noong limang taong gulang pa lang si Nanay at hindi na nagbalik. Ang aking ama naman ay pangalan lang ang alam ko pero ni litrato n'ya ay hindi ko pa nakikita. Alexander Vasiliev ang pangalan n'ya sa birth certificate ko. Ang sabi ni Nanay ay nagkakilala sila noong minsan na namasukan s'ya sa Maynila bilang kasambahay. Kapitbahay daw nila ito at napakagwapo. Para makakuha ng extrang trabaho ay tinatanggap n'ya ang labada mula dito hanggang sa nagkaroon sila ng tagong relasyon.  At heto nga, ako ang bunga.  Nang matuklasan ni Nanay na buntis s'ya sa akin ay wala na sa bahay ang boyfriend n'ya at sinabi ng may-ari na tenant lang ito doon. Bumalik na daw ito ng Russia at tapos na ang inaayos na business transaction sa Pilipinas. Hinihingi ni Nanay ang address nito pero may pinirmahang confidentiality ang may ari ng bahay kaya hindi n'ya maaaring ibigay. Kahit lumong lumo si Nanay sa nangyari ay nagpatuloy s'ya sa pagtatrabaho hanggang ika-apat na buwan at halata na ang kanyang tiyan.  Sinabi ng kanyang amo na bumalik na lang si Nanay kapag nakapanganak na dahil sa kalagayan nito. Napilitan s'yang umuwi ng Mindoro na may kakaunting ipon. Inunawa s'ya ni Lola pero ang mga kamag-anak namin na may pera ay sobrang mapang-mata. Akala mo naman ay kung sinong kay lilinis.  Kahit mahirap lang kami ay marami pa rin ang nakipaglibing. Seventy na si Lola at kay bata pa. Ni walang sakit na sinasabi sa amin, iyon pala ay may iniindang sakit sa puso. Ang mga simpleng hingal n'ya ay indikasyon na pala na kailangan n'ya ng gamot, pero dahil hindi pa ako tapos sa pag-aaral at salat kami sa lahat ng bagay ay tiniis n'ya at itinago sa amin para hindi maging pabigat. Masaya pa kaming kumakain noong isang araw at magkakatabing matulog. Niyakap n'ya kami ng mahigpit ni Nanay at sinabing huwag naming pababayaan ang isa't isa. Nang magising kami ng umaga ay tuluyan na s'yang namahinga.  *** "Anak, aayusin ko lang ang mga naiwang gamit ng Lola mo. Ikaw na ang mag-igib ng tubig at magluto ng hapunan natin. May sitaw pa d'yan na pwedeng gataan. Nakapagsaing na ako kanina," sabi ni Nanay sa akin.  "Sige po, Nanay. Ako na ang bahala." Kahapon inilibing si Lola at ngayon ay hapon na uli. Pareho lang kami ni Nanay na naninibago sa bahay dahil wala na si Lola. Maliit lang ang dampa namin. Lupa ang sahig at lawanit ang dingding. Ang banyo ay nasa labas at ganoon din ang yari. Kung hindi pa nanalo si Lola sa pa-ripa ng isang hardware store malapit sa amin ay hindi kami magkakaroon ng disenteng toilet bowl. S'yempre ay may dagdag pa na gastos para magawa ang banyo at hindi naman basta lang iyon ipapatong. Fourth year high school pa ako noon at nagtitinda ako ng kakanin karagdagan sa gastusin namin. Ang naipon ko mula doon ay ibinigay ko kay Lola para maituloy ang pagpapagawa ng banyo. At ngayon ay isa na lang 'yong magandang alaala. Dalawa na lang kami ni Nanay na magtutulungan. Habang nakasalang ang ginataang sitaw na walang kasama kahit anong hipon o isda ay nag-igib ako ng tubig sa poso. Pakukuluan ko pa ito at palalamigin dahil wala kaming pambili ng mineral water. Mahirap na, baka magkasakit kami sa tubig ay panibagong gastusin na naman.  "Ako na ang magbubuhat n'yan," sabi ng isang lalake. Nang lumingon ako ay si Delfin pala. Kamag-aral ko s'ya noong high school at kaibigan namin ni Trina. Silang dalawa lang ang naging kaibigan ko dito sa lugar namin dahil ang lahat ay tinutukso ako.  Anak sa labas. Putok sa buho. Bastarda.  Isa lang 'yan sa mga tawag sa akin dito. Noong bata pa ako ay hindi ko maintindihan ang sinasabi nila hanggang isang araw ay may bumato sa akin ng kamatis sa school at tinawag akong putok sa buho. Nilinis ko ang aking sarili sa banyo at tiniis na basa ang uniporme ko hanggang uwian. Nang makarating ako sa bahay ay napansin ako ni Lola at Nanay at noon ko tinanong kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang 'yon.  Niyakap ako ni Nanay at Lola sa habag sa akin pero sinabi nilang balang araw ay magkikita rin kami ng aking ama at patutunayan ko sa lahat na hindi ako putok sa buho gaya ng sinasabi ng lahat. Basta maging mabait lang daw akong bata at huwag magtanim ng galit sa dibdib, ang lahat ng pasakit na dinaranas ko ay may magandang kapalit.  "Kaya ko na ito. Salamat. Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko sa kanya. "Tapos na. Na-promote akong supervisor sa factory at aanyayahan ko sana kayo ni Nanay Ida na kumain sa labas. Kaya lang baka wala s'yang ganang umalis kaya nagdala na lang ako ng inihaw na manok. O, kapitan mo na ito at ako na ang magbibitbit n'yan sa loob. Kababae mong tao ay nagbubuhat ka ng mabigat," natatawang sabi n'ya sa akin. "Ayaw ko nga kasing magpabalik-balik. Mabuti na 'yong isang bitbitan na lang." Inabot ko ang supot ng inihaw na manok at hinayaan si Delfin na buhatin ang galon ng tubig. Magkasabay kaming pumasok sa loob.  Luto na rin ang ginataang sitaw ko at tinanggal ko na 'yon sa may abuhan para hindi makati. Naghain si Delfin habang tinawag ko naman si Nanay. Masaya kaming kumain ng hapunan kahit na hindi nakikisali sa usapan ang aking ina. Pangiti-ngiti lang s'ya pero at least ay kumakain s'ya ng maayos. Ang ibang kilala ko na namatayan ay halos ayaw uminom o kumain dahil sa pighati. Hindi ko akalain na isang buwan pagkawala ni Lola ay ang aking ina naman ang malalagay sa peligro. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook