Carlos POV
“Tawagan mo na nga si Jam, Santiago,” utos ni Luis sa akin. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ito, pero walang sumasagot.
Nasa loob kami ngayon ng kotse ni Jenna. Nakatanggap kami ng tip na dito daw ang bagong pasugalan ng sindikato. Isa itong malaking building na may pangalan sa harap: Lecienti. Isa itong gay bar at kanina pa labas-pasok ang mga tao.
“Ano na? Asan na daw siya?” tanong ulit ni Luis.
“Eh, walang sumasagot. Sandali lang, tatawagan ko ulit,” sagot ko at dinaial muli ang numero ni Jam. Saan ba naman napunta yung lalaking iyon? Alam niya namang may importanteng lakad kami ngayon. Mabuti na lang at may sumagot sa pangalawang tawag.
“Oh?” simpleng sagot niya.
“Ano ‘oh’? Gago! Asan ka na? Kanina pa kami naghihintay sa’yo!” inis kong ani.
Dalawa ko namang kasamahan ay nagmamasid sa paligid.
“Pasensya na, papunta na sana ako kaso umalboroto yung tiyan ko. Pero malapit na ako, hintayin nyo na lang ako dyan,” paliwanag niya.
“Bilisan mo ha,” utos ko at pinatay ang tawag.
“Oh, asan na daw?” tanong ni Jenna.
“Papunta na,” sagot ko lang.
“Anong oras na ba?” tanong niya.
“Tung 5:00 pm pa lang,” sagot ko habang tiningnan ang relo sa kamay ko. Tumango siya.
“Maghintay tayo hanggang magdilim bago tayo papasok,” sabi ni Luis.
---
Ilang sandali lang ay dumating si Jam, dala ang pagkain at soft drinks.
“Tangina, Vergo! Ano ‘yan?” inis na tanong ni Jenna.
“Pagkain. Alam ko naman kasing overnight tayo dito kaya nagdala para may kainin habang naghihintay--aray!” Hindi niya natapos ang sasabihin ng batukan siya ni Jenna.
“Puro ka pagkain! Pagkain!” inis na saway ni Jenna kay Jam.
“Bakit ayaw mo ba?” ngisi ni Jam.
“Suluhin mo!” inis na sagot ni Jenna.
“Di, 'wag! 'Wag kang kakain ha,” sagot ni Jam.
“Tumahimik nga kayo,” saway ko.
“Ano bang plano?” tanong ni Jam habang ngumunguya ng pagkain.
“Dalawa sa atin ang papasok at kukuha ng ebidensya sa loob. Ang dalawa naman na matitira dito ay magmamatyag,” paliwanag ni Luis.
Tumabi ako at nagmasid sa paligid.
“Paano ba tayo makakapasok dyan? Eh gay bar ‘yan,” tanong ko.
“Alam ko na!” biglang sagot ni Jam.
“Ano'ng plano? Dali na!” singit ni Jenna.
Biglang ngumisi si Jam. Napaka-suspense ng ngisi niya.
“Carlos!” tinawag niya sa akin.
“Oh?” tanong ko habang tinaasan ang kilay. Mas lalo pang lumaki ang ngisi niya.
“Magpanggap kang bakla,” sabi niya. Lahat kami ay napatingin sa akin.
“Tangina! Ano?!” nagulat ako.
“Ayuko! Ikaw na lang! O kaya si Luis,” turo ko sa leader namin.
“Ako yung nagbabantay dito. Hindi ako pwede,” sagot niya.
“Ikaw na lang! Total ideya mo naman ito,” turo ko kay Jam.
“Wait lang, naiihi ako,” pabiro niyang sagot.
“Wag ka na ngang mag-enarte. Sasamahan kita,” sabi ni Jenna.
Inis akong napakamot sa ulo, wala na talaga akong choice.
Kaya bumalik kami at bumili ng damit pangbabae. Si Jenna na ang namili ng isusuot ko pati makeup.
Lumabas ako ng dressing room suot ang crop top at palda. Halos matumba ako sa sandalyas na dala nila para sa akin.
“Akala ko magpapanggap lang ako na bakla? Bakit kailangan ko pang magsuot ng ganito? Diba pwedeng--” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lagyan ako ni Jenna ng lipstick sa bibig.
“Isuot mo ‘to,” biglang sabi ni Jam sa tabi namin. Nagulat ako nang may dala siyang wig.
“T-teka! Bakit may wig? Lahat ba ng bakla may wig?” tanong ko.
“Wag ka ng magtanong. Isuot mo na lang,” ani niya habang pinipigilan ang tawa. Wala na akong nagawa kundi isuot ito.
“Dito ka lang, kukuha lang ako ng foundation. Samahan mo nga ako,” sabi ni Jenna at lumabas kasama si Jam, iniwan akong nag-iisa.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin.
“Grabe, mukhang pinagka-isahan ako ng mga ‘yun,” iling ko. Inayos ko ang crop top dahil sobrang ikli nito. Biglang narinig ko ang kaunting tawa sa paligid. Lumitaw si Elena sa salamin, pinipigilan ang tawa.
“Pfft,” napangiti siya.
“Wow, mabuti naman at bumalik ka sa dati. Pero pinagtatawanan mo pa ako,” iling ko.
“Sorry na, bagay kasi sayo. Hahaha,” bulalas niya. Kahit kanino, nakakainis si Elena, pero mas mabuti na tumawa siya kaysa umiyak.
“Sino kausap mo?” tanong ni Jenna at Jam nang dumating.
“Ah… wala,” sagot ko, kinakabahan.
Si Jenna ay nagbihis rin, nakasuot ng maikling palda at tube top.
“Wow, ganda naman ng darling ko,” biro ni Jam.
“Tabi nga, baka masuntok pa kita,” banta ni Jenna.
Ilang sandali lang, umalis na kami.
Bumaba kami ng sasakyan suot ang damit na iyon.
“Psst! Santiago! Galingan mo ha! Hahaha,” ani Jam.
“Mamaya ka sa akin,” banta ko.
“Isuot nyo ‘to. Dito tayo mag-uusap,” abot ni Luis ng maliit na ear pads para sa komunikasyon.
“Tara na,” ani Jenna. Nahihirapan akong maglakad sa sandalyas. Nang makalapit kami sa guard, siniko ako ni Jenna.
“Ano?” bulong ko.
“Kausapin mo,” sabi niya habang nakangiti. Napilitan akong lumapit. Napalunok ako bago nagsalita,
“Hi, manong guard,” inipit ko ang boses.
“Tinanaw lang kita mula ulo hanggang paa, tumango. "Thank you,” sabi ko at kumindat.
Napangiti siya. Papasok na sana ako nang harangin kami ng guard.
“Sandali, bawal ang babae dito,” sabi niya.
“Ah… kasama ko siya. Papasukin nyo na kami. Segi na,” pilit kong sabi.
“Bawal talaga eh,” tugon niya. Napakuo ako sa kamao ko. Paano ba ito?
“Manong guard, ito… kaunting tulong,” nagulat ako nang abutan ni Jenna ng pera ang guard.
“Sige na nga,” sagot niya. Wow, gano'n kabilis? Napailing na lang ako.
Mabilis kaming pumasok sa loob. Bumungad sa amin ang malakas na musika at mga ilaw. Pinindot ko ang ear pads.
“Nakapasok na kami,” bulong ko.
Sinenyasan ako ni Jenna na maghiwalay ng daan. Tumango ako. Umakyat siya sa ikalawang palapag. Ako naman ay nagmamasid, nang may humawak sa pwetan ko.
Paglingon ko, isa itong lalaki, kumindat pa sa akin at naglakad palayo.
“Gago yun ah,” sigaw ko sa sarili.