11

1223 Words
Carlos POV Nagmamasid ako sa paligid habang naglalakad sa counter ng bar. Marami akong nakikitang mga taong nagyayakap at gumagawa ng kung ano-ano. Iniwas ko na lang ang tingin ko. Umupo ako sa counter at nilapitan agad ako ng isang lalaki na maganda ang tindig ng katawan. Magara rin ang suot nito at gwapo sa malapitan. Aakalain mong lalaki kung hindi lang mangindat ang mukha. “Hi, bago ka lang?” tanong niya at umupo sa tabi ko. Napilitan akong ngumiti pabalik. “Yeah,” sagot ko. Hindi ako naging komportable sa tingin niya, kaya tumayo ako upang pigilan ang lalapit niya. “Hey--wait! Don't go. Can I take your order na lang? My treat,” sabi niya. Luh... waiter ba ito? “No, thank you,” sagot ko. “Then, can I take you out?” Nagsitayuan ang balahibo ko nang hawakan niya ako sa likod. Kaagad kong kinuha ang kamay niya at lumayo. “Mas lalong hindi--I better go. Nice to meet you,” sabi ko at nagmadaling lumabas roon. Jusko! Ano ba itong pinasok ko? Kaagad kong hinanap ang CR at pumasok. Pagpasok, napatingin ako sa salamin at pumunta sa lababo. Mabuti na lang at walang tao. “Saan ka na, Santiago?” narinig kong sabi ni Luis mula sa device na nasa tenga ko. Napalinga-linga ako bago sumagot, napakapit sa lababo. “Hindi ko yata makakayanan dito,” ani ko. “Hoy--ano ka ba? Sakyan mo na lang yang trip nila. Bilisan nyo na dyan,” singit ni Jam sa kabilang linya. Napahinga ako nang malalim. “Wit-wew.” Napatingin ako sa pintuan nang biglang lumitaw si Elena. Nakangisi siya sa akin at tumitig sa suot ko. “May abs ka rin pala noh?” ani niya pa. Hindi ko siya pinansin, pilit na binababa ang crop top ko kasi masyado itong mataas at maikli. Kita tuloy ang tiyan ko at syempre, ang abs. Lumapit si Elena at tumabi sa akin, taas-baba pa ang tingin niya sa buong katawan ko. Laswa tuloy nang tingin niya. “Pahawak nga--” “Ano ba!” bigla kong tinapik ang kamay niya bago niya mahawakan ang tiyan ko. “Damot mo naman, abs lang naman eh. Magiging akin din naman yan. Tsk,” ani niya pa, kaya nanlaki ang mga mata ko at kaagad akong lumayo. Kakabaeng tao, ang sagwa ng iniisip. Naiinis ako sa wig na suot ko kasi pumupunta sa mukha ko at pinipilit kong itama, kaya parang nasa advertisement ako ng shampoo. “Wow--ang ganda naman ng asawa ko ah. Hahaha,” bulalas niya nang makita akong tinatapik ang buhok ko. Hinayaan ko na lang na mapunta ito sa mukha ko. “Wag mo akong inisin, babae,” banta ko, pero tinawanan lang niya ako. “Haha. Patingin nga,” lumapit siya at inangat ang crop top ko. Kaagad kong tinapik ang kamay niya. “Ano ba!” “Ay naks. Sexy naman. Gusto mo sapian kita para lumambot yang katawan mo?” sabi niya pa, habang pinapasada ang kamay sa dibdib ko. Tiningnan ko siya ng masama. “Subukan mo lang--” banta ko, pero parang wala siyang naririnig. “Hahaha. Kinis oh,” komento niya, saka tinapik ang balakang ko, kaya kinagat ko. “Isa! Mamaya ka talaga sa akin--” inis kong banta. Ang galing niya sa pang-iinis sa akin. “Santiago!” gulat na napatingin ako sa pintuan ng CR, pumasok si Jenna. “Kanina pa kita hinahanap. Anong ginagawa mo dito?” inis na tanong niya. Napalinga-linga ako. Mabuti na lang at wala na si Elena. “Wala--tara na,” sagot ko. Sabay kaming umalis. Habang naglalakad, may sinabi si Jenna: “May nagsabi sa akin na nasa second floor sa dark room ang mga droga,” ani niya. “Segurado ka na ba? Tatawagin na ba natin ang iba?” bulong ko. “Hindi muna. Kailangan pa nating makaseguro na nandoon nga iyon. Tara na,” hinila niya ako papunta sa second floor. Nagmamatyag kami sa daan habang hinahanap ang dark room na sinasabi niya. “Asawa ko--” “Ay tangina!” napamura ako sa gulat nang sumulpot si Elena sa tabi ko. Mabuti na lang at hindi napansin ni Jenna, na nauna nang naglakad sa akin. “Ano ba! Ang kulit mo! Wag mo nga akong istorbohin dito,” inis kong saway sa kanya. “Tutulungan ko kayo--” sabi niya. “Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sabi ko. “Edi wag! Ikaw na nga ‘tong tinutulungan, ikaw pa yung galit. Huwag mo akong kausapin ha!” inis niyang sagot saka naglaho sa paningin ko. Napailing na lang ako. “Santiago! Bilisan mo naman--” pasigaw na bulong ni Jenna. Dali-dali akong lumapit. Nakatayo kami sa malaking pintuan. Tumango si Jenna, hudyat upang pumasok kami. Kinuha ko ang b***l na nakatago sa palda ko saka sinipa ng malakas ang pintuan. At hindi nga kami nagkamali. Bumungad sa amin ang patong-patong na pera sa pabilog na mesa na may maliliit na pakete ng hinihinalang pinagbabawal na gamot. Doon, may pitong tao na nakaupo sa mesa, gulat nang makita kaming pumasok. “Pulis ‘to! Itaas ang mga kamay!” sigaw ni Jenna, sabay tutok ng b***l sa bawat isa. “Doon! Bilis!” utos ko, inipon ang lahat sa gilid. “Luis, pwede na--” bulong ko sa device sa tenga ko. Maya-maya lang, narinig namin ang sirena ng pulis. Nagsisigawan na ang iba sa labas hanggang pumasok na rin ang iba naming kasama sa kwarto kung nasaan kami. “Wews. Sexy natin ah,” ani kasamahan namin, tinawanan ng iba. Napahinga na lang ako nang malalim saka lumabas. Kaagad sumunod si Jenna. “Hayaan mo na yung mga ‘yon. Hindi ka na sanay,” sabi niya. Hindi ko na ito pinansin at naglakad palabas ng bar. “Good job!” bungad ni Luis, sabay tapik sa likod ko. Hindi ko rin ito pinansin. Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko agad si Elena. Asaan na ba 'yong babaeng iyon? Hanggang sa makauwi kami sa apartment, hindi ko siya mahagilap. Doon ko lamang siya natagpuan sa kama, nakaupo at nakabusangot ang mukha. Ano na naman bang problema niya? Dahil ba kanina? Dahil hindi ko siya pinansin habang gusto niyang tumulong? Napahinga ako nang malalim saka umupo rin sa kama, inaalis ang sapatos at medyas ko. “Ano na naman bang problema mo?” tanong ko kahit hindi nakatingin sa kanya. “Wala--” sagot niya, pero ramdam ang galit sa tuno ng boses. “Ano na naman bang ginagawa ko?” tanong ko ulit. “Hindi ko alam--” sagot niya, bagot na bagot. “Tsk. Tungkol ba ito sa kanina?” “Ano bang nangyari kanina? Parang wala naman akong natatandaan--” sabi niya saka tumalikod. Napakatuwiran ng babeng ito, pero sobrang matigas ang ulo. “Galit ka ba?” tanong ko, pero hindi siya sumagot. Galit nga. Ang babaw naman ng galit niya. “Wag mo akong kausapin--” “Edi wag. Alis nga, magbibihis pa ako,” sabi ko. “At ang babaeng ito, inikutan pa ako ng mata, ang maldita.” “Aalis talaga ako! Baka hanapin mo ako. 'Wag mo akong hahanapin ha!” sabi niya saka lumusot sa pintuan ng kwarto ko. “Ewan ko sa’ yo,” sagot ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD