Carlos POV
Pagkagising ko sa Umaga, nagtaka ako kung bakit hindi manlang nagparamdam saakin si Elena. Hindi ito lumitaw sa kung saan-saan sa Bahay. Asan na naman kaya 'yon? Galit pa ba sya sa'kin?
Nagbihis na ako at handa nang umalis, ngunit hinintay ko ito. Nagbabakasakaling magpapakita manlang sya pero wala talaga. Napabuntong-hininga na lang ako saka sinarado ang pinto at umalis na.
Maaga akong pumasok ng trabaho dahil may bago na naman kaming kasong hinahawakan ngayon. Tungkol ito doon sa sunod-sunod na pagpatay ng mga kababaehan sa malapit na kanto sa apartment kung saan ako nakatira. Ang sabi ay pinagnanasaan muna sila bago papatayin.
"Ang huling biktima ay nakita malapit sa isang factory. Ang pinagtataka ko kung bakit ito napakalayo sa ibang lugar kung saan pinatay ang ibang biktima," pagsasalita ni Luis, kaharap ang mga litrato ng mga biktima ng r***d.
"Baka naman ginagawa lang ito ng suspek para ilito tayo," sabat naman ni Jenna.
"Santiago, nakuha mo ba? Santiago? Santiago!"
"Ha? Ano?" Bumalik ako sa realidad nang kalabitin ako ni Jam dahil kanina pa pala ako wala sa sarili. "Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Jenna.
"Wala. Pagod lang," pagsisinungaling ko, kahit na ang totoo ay kanina pa pumapasok sa isipan ko si Elena. Bakit ba kasi buong araw na hindi yun nagparamdam?
"Ayusin mo nga yang sarili mo," ani nito saka kinausap si Luis.
"Seguro babae 'yang iniisip mo noh?" bulong ni Jam. Napatingin naman ako sa kanya. "Pinagsasabi mo..." Umiwas na lang ako ng tingin.
"Sus. Sabi na eh. Sino yan ha? Si Jessy ba?" Tanong nya pa, kaya umatras ako palayo dito.
"Segi na. Share mo naman," sunod nya pa saakin.
"Tumigil ka nga. Nagtatrabaho tayo," inis kung sabi, pero para itong asong sunod-sunod kung saan ako pupunta. "Kayong dalawa! Titigil ba kayo o lalabas?" Sabay kaming tumahimik, na sinundan ng sigawan namin ni Jenna.
"High blood talaga 'yang babaeng 'yan," bulong pa ni Jam.
Ganun kabilis na tumakbo ang oras at dahil sa dami ng kailangang gawin, hindi na namin namalayan na hapon na pala. Ni wala nga kaming maayos na tanghalian, puro kape at tinapay lang. Mahirap kasi ang trabahong inilaan sa amin ngayon.
Malapit na ako sa uuwian ko nang bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman akong dalang payong, kaya hinayaan ko na lang na mabasa ang buong katawan ko. Malapit na ako sa apartment nang makita ang pamilyar na babae na basang-basa na ng ulan habang naglalakad sa daan. Kaagad kong inilapit ang motor ko sa tabi nya.
"Jessy? Anong ginagawa mo? Bakit ka naliligo sa ulan?" Nilakasan ko ang boses ko para marinig nya. Hininto ko ang motor ko. Nahihirapan naman itong tumingin sa akin sa lakas ng patak ng ulan sa buhok nya.
"Carlos? Ikaw, bayan?" Tanong nya.
"Oo. Bakit ka andito?" Tanong ko. Lumapit ito sa akin. "Nasiraan ako ng sasakyan eh. Pwede mo ba akong ihatid sa bahay?" Tanong nya.
"Sige. Tara na," sagot ko nalang. Itinuro nya sa akin ang daan at sakto namang dinadaanan ko din ito papunta sa apartment ko.
"Malayo pa ba!?" Sigaw ko para marinig nya.
"Yes. Medyo malayo pa!" Sagot nya pabalik. Hininto ko ang motor sa tapat ng apartment ko.
"Sa tingin ko kailangan na nating patigilin ang ulan. Sobrang lakas at may kidlat pa. Delikado sa daan," ani ko.
"Eh paano ako uuwi ngayon?" Tanong naman nya. Napatingin ako sa bintana ng apartment namin sa taas. Wala akong choice kundi papasukin sya doon. Hindi naman kasi pwedeng iwanan ko sya dito, lalo na at sobrang lakas talaga ng ulan.
"Tumuloy ka muna sa apartment ko," sabi ko na lang. Natigilan pa ito saka ngumiti.
"Thank you," sabi na lang nito. Ipinarada ko ang motor sa labas saka umakyat na sa apartment ko.
"Pasok ka muna. Pasensya na dito, medyo makalat."
"No. It's ok. This is your place?" Tanong nya saka umupo sa sofa.
"Oh. I'm sorry, nabasa ko yata 'yong sofa mo," ani nya saka mabilis na tumayo.
"Hindi ok lang. Umupo ka. Ikukuha lang kita ng towel," sabi ko. Pumasok ako ng kwarto at kumuha ng malinis na tuwalya, saka ibinigay ito sa kanya.
"Thank you," nakangiti nyang sabi saka tinanggap ang ibinigay ko.
"You live here, alone? Or with someone?" Tanong nya habang pinapatuyo ng tuwalya ang buhok nito. Natigilan ako sa tanong nya.
"Ah.. ano. Mag-isa lang ako dito," sabi ko saka inilibot ang tingin sa paligid. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong marinig iyon ni Elena.
"So... you still don't have any girlfriend yet?" Tanong nya. Napatingin naman ako dito.
"Ah..." Napakamot ako sa leeg.
"Oh. I'm sorry if that makes you uncomfortable. Hindi na ako magtatanong," sabi na lang nito, sabay ngiti. Ngumiti na lang ako pabalik.
"Segi. Magbibihis ka na ako. Sandali lang," pagpapa-alam ko dito saka pumasok ng kwarto. Matapos ng ilang sandali ay lumabas na ako.
"Pasensya na. Wala akong damit pambabae dito na pwede mong suotin," ani ko. Ngumiti naman ito ng bahagya.
"Ano ka ba? It's ok," sagot nya.
Minabuti kong mag-timpla ng kape para naman uminit 'yong mga sikmura namin.
"Kape," inabot ko sa kanya ang tinimpla ko.
"Thank you," sabi nya saka humigop roon.
"Alam mo... parang hindi ka talaga nagbago. You always this caring to me back then. And I missed this side of you," pagsasalita nya. Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko. Hindi tuloy ako naging komportable.
"I'm sorry, Carlos. For everything--"
"Jessy. Ok lang. Nakalimutan ko na lahat ng yun--" pinutol nito ang sinasabi ko.
"No. Kung pwede ko nga lang ibalik ang oras. I will choose you--" Natigil ito sa pagsasalita nang may marinig kaming nabasag na baso sa kusina.
"What's that?" Tanong nya. Tumayo naman ako.
"Titingnan ko lang," sagot ko nalang saka pumunta ng kusina.
Pagdating ko sa kusina, kaagad kong nakita ang basag na baso sa sahig. Nagtaka naman ako kung paano yun nabasag. Minabuti ko nalang na kumuha ng walis at linisin iyon.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang marinig kong sumigaw si Jessy sa sala. Kaya kaagad ko itong pinuntahan.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
Kaagad itong lumapit saakin na parang takot na takot.
"I think... I see someone in the mirror," turo nya sa full-length mirror na nasa kaliwang bahagi ng sofa. Napatingin naman ako dito pero wala akong nakita.
"Wala naman--"
"No! Nakita ko talaga. There's a girl in the mirror. She's looking at me. I think your apartment is haunted," nanginginig nyang sabi.
Napahinga naman ako ng malalim.
"Tumila na ang ulan. Mabuti pang ihatid na kita pauwi," sabi ko nalang saka kinuha ang susi ng motor ko.
Hanggang sa pagbaba namin, panay babala ito saakin na may multo daw sa apartment ko. Hindi ko naman ito masagot dahil alam ko kung totoo iyon. Hinatid ko na ito pauwi saka ako bumalik sa apartment.
Ngunit nang buksan ko ang pintuan, halos madulas ako sa gulat ng bumungad saakin si Elena na nakabusangot at galit ang mga matang nakatitig saakin.
"Bakit mo dinala ang babaeng yun dito?" Tanong nya. Umayos ako ng tayo saka pumasok.
"So, ikaw nga yung nakita nya kanina?" tanong ko saka hinarap ito. "Bakit mo 'yun ginawa?" dugtong ko pa. Nagpalit sa inis ang ekspresyon nito.
"Kasalanan ko pa, gano'n?" Inis nyang sabi saka padabog na umupo sa sofa.
"Wala akong sinabing ganyan. Tinatanong ko lang--"
"Bakit ba ang init ng ulo mo lagi?"
Inis na nilapitan ko ito.
"Ako? Ako pa ngayon ang mainit ang ulo? Ano bang problema mo? Kahapon ka pa ah," inis kung tanong.
"Bakit parang kasalanan ko?" Inis naman nyang tanong saka nag-iwas ng tingin. Inis na nasabunot ko nalang ang buhok ko. Hindi ko sya naiintindihan. Bakit ba sya galit?
"Nagseselos ka ba?" Tanong ko bigla. Napangisi ako ng makitang natigilan ito.
"Pinagsasabi mo?" Iwas pa nito ng tingin. Sabi na eh. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako kapag nakikita syang ganun ang reaksyon.
"Sorry na," sabi ko saka umiwas ng tingin. Mabilis na lumingon ito saakin.
"May sinasabi ka?" Tanong nya. Napalunok ako.
"Sabi ko sorry," ulit ko. Kaagad na nagbago ang kanyang reaksyon.
"Ano? Ano? Ulitin mo nga," ani nya pa. Nainis tuloy ako.
"Bahala ka! Hindi ko na uulitin yun," inis kung ani. Bumalik sa inis ang ekspresyon nito.
"Edi 'wag. Bahala ka rin," sagot nya saka tumalikod. Itong babaeng 'to talaga! Sarap tirisin!!!! Nakaka-inis!!
"Fine. Sorry! Masaya kana?"
"Marunong ka rin palang mag sorry," ngisi nya bigla saka tumawa.
"Anong nakakatawa?" Inis kung tanong.
"Wala lang. Hahaha. Ang cute lang," sabi nya.
"Pinagtritripan mo ba ako, babae?"
"Parang... maybe? Seguro," ani nya pa sabay tawa ng malakas.
Inis na inis na talaga ako. Napahinga ako ng malalim saka padabog na pumasok ng kwarto at isinarado ito ng malakas.