5

689 Words
Kaagad akong sumampa sa motor ko at pinaandar ito. Ilang oras rin akong naglibot sa mga tindahan upang makahanap ng gawaan ng mga bakal. Mabuti na lang at nakakita rin ako sa pinaka-bandang dulo. Iskinita iyon at medyo makalat ang paligid, maingay rin nang pumasok ako. Pagpasok ko sa loob, bumungad sa akin ang maskuladong lalaki na mas mataas pa ng kaunti sa akin. Sobrang laki ng katawan nito na kahit ako ay hindi siya kayang kalabanin. Inaamin kong nakakatakot ang kanyang pigura. "Good morning po, sir." Nagulat ako, ng mula sa seryoso at nakakatakot nitong tingin ay napalitan ng matamis na ngiti. Napilitan tuloy akong ngumiti. "Ano po ba ang ipapagawa nyo?" tanong niya pa. "Dito ba ’yong pagawaan ng bakal? Kaya nyo bang putulin itong singsing sa kamay ko?" ani ko saka ipinakita sa kanya ang singsing. "Anong ginagawa mo dito, asawa ko?" "Putangina!" Napasigaw ako nang biglaang sumulpot na naman ang babaeng multo sa tabi ko. "Ako ba ang minumura mo?" tanong ng lalakeng nasa harapan ko. "Ah… hindi… may ano… nakita lang akong ipis na dumaan," palusot ko. Umiling na lang ito. "Dito po tayo, sir," ani niya saka naman ako sumunod. "Asawa ko! Anong ginagawa natin dito?" tanong ulit niya sa gilid ko. Paulit-ulit niya akong kinakalabit pero minabuti kong hindi siya pansinin. Iniwan ako ng lalaki sa may upuan. Ilang segundo lang ay lumabas na ito na may hawak na malaking bakal na hugis gunting. Kinabahan ako ng kaunti nang makita ko kung gaano kalaki iyon. Ilang sandali lang, utusan niya akong ipatong ang daliri ko sa bakal saka bigla niya itong inipit. "Ah!" Napatingin ako bigla sa babaeng multo nang dumaing ito. Nakahawak na ito ngayon sa dibdib niya na parang nahihirapan. Napatingin ulit ako sa singsing na sinusubukang putulin ng lalaki. "Sir… mukhang mahigpit ang kapit nito. Hindi tumalab ang una kong gamit. Mas mabuti pang sumunod kayo sa akin para maputol iyan ng matalim na bakal," ani niya saka tumayo. Pero hindi ako naka-tugon sa sinabi niya dahil nakatingin ako sa babaeng multo na hindi ko alam kung bakit tila nahihirapan siyang huminga. "Sir?" Bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ulit ng lalaki. "Tara na," dugtong niya. "Ah… sige." Tumayo na rin ako saka sumunod sa kanya. Napunta kami sa lamesang may pabilog na manipis na bakal ang umiikot. Matalim ito sa unang tingin pa lang at nakakatakot talagang ilagay ang kamay o daliri mo roon sa ilalim. Paniguradong putol ito. "Isuot mo ito, sir. Para maprotektahan ang daliri mo." Iniabot niya sa akin ang maliit na bakal saka ko naman isinuot ito sa daliri ko. "Ipatong mo dito," aniya. Napatingin ako bigla nang makitang nakaupo sa sahig ang babaeng multo habang nakahawak sa dibdib niya. Umangat ang tingin nito sa akin at unang beses kong nakita ang mga mata niyang tila nahihirapan at nagmamakaawa. "Asawa ko," pagsasalita niya. Nabigla ako nang matumba ito kasabay ng pagtunog ng kumikislap na bakal na sinusubukang putulin ang singsing sa daliri ko. Hindi kaya… naaapektuhan siya nito? Unti-unti itong nanghina at halos hinahabol na ang hininga, pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin. Napalunok ako. Pero mabilis ding umiwas ng tingin. Hindi! Carlos, hindi ka pwedeng maawa sa isang multo. Tandaan mong multo ’yan at hindi tao. ’Wag na ’wag kang maaawa. "Sandali!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong pigilan ang lalaki sa harapan ko. Pinatay niya ang machine kaya huminto ang pag-ikot nito. "Sir?" tanong niya. "Ano… ’wag na lang pala," sagot ko. Nagtaka naman ito saglit. "Segurado kayo, sir? Kaso ang hirap talagang putulin ng singsing. Nakakapagtakang ni hindi man lang ito naggasgas," ani niya. Napatingin naman ako sa suot kong singsing. Nagulat ako nang makitang wala nga itong galos o sira kahit na machine na ang sinusubukang putulin ito. "Pa’nong… nangyari ’yon?" "Seguro mamahalin ang metal na ginamit dito. Kaya subrang tibay," ani pa ng lalaki. "Salamat na lang." Kumuha ako ng pera sa bulsa ko saka ipinatong sa mesa sa harapan namin. "Mauna na ako," ani ko saka naglakad palayo. Hinanap ng tingin ko ang babaeng multo pero hindi ko na siya nakita. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD