Nakasimangot si Thallia habang nakasakay siya sa kotse at hulaan niyo kung sino kasama niya.
Walang iba lang naman, yung lalakeng nasa panaginip niya kanina. Ang lalakaeng may kulay abo ang mata. Ito mismo ang nagmamaneho ng sasakyan. Hummer iyon at ang nasa likod ay si Kylie, katabi nito ang jowa niyang si Vladimir at ang kaibigan niyang si Riza at ang gagong si Josiah.
Paano ba naman sila napunta dito?
Ang gagong mga kaibigan niya, sinabihan sila Kylie na baka may gusto silang bilhin na iluluto. Kasi napag alaman niyang close na pala ang mga ito habang siya nananaginip sa kwarto niya at ang lalakeng nagmamaneho na katabi niya ang nasa panaginip niya.
Napabuntong hininga na naman siya. Di niya maiwasan isipin ulit ang itsura nito ngayon.
Matangkad ito siguro nasa 6’2, napag alaman din niyang half Spanish ito. Kulay abo ang mata tulad ng mga kapatid niya, matangos ang ilong ang labi naman nito ay mapula, makinis ang balat para siyang isang modelo. Mas Maganda pang tignan ito kesa sa kanya.
Napailing nalang siya at napabuntong hininga ulit.
“Pang sampung buntong hininga mo nayan ate.” Puna ni Riza sa kanya.
“Manahimik ka, mainit pa ulo ko.” Sagot niya dito na hindi niya nililingon.
“What are you going to cook?” biglang tanong ni Kaiden sa kanya. Nabigla naman siya na nagsalita ito habang narinig niya ang kaibigan nito na si Vladimir na napasipol.
“Ewan ko pa.” Tipid niyang sagot.
“Can we help to cook later?” Tanong ulit nito.
“Pang mahirap lang luto ko.” Sagot niya ulit.
Halata naman kasing mayayaman ang mga ito. Lumapit naman paharap si Kylie sa kanila.
“Ganito nalang ate, Kami na ang gagastos lahat ng ipapamili natin for 2 weeks, basta ikaw ang magluluto? Tutal tayo tayo lang naman ang nasa Inn para bonding nalang din natin.” Nakangiting saad nito.
Napakunot noo naman siya.
“Diba may restaurant naman don? Dun na kayo kumain.” Sagot niya na ikinanguso naman ni Kylie.
“But we want to taste your food, Ate. Lalo na si kuya Kaiden he wants to taste you.” Pangungulit ni Kylie.
“Ano?” Tanong niya ulit parang mali ang pagkadinig niya.
“I mean he wants to taste your food, kasi ate Riza told us that you love to cook. So, as we are your friends now. we want it too.” Sagot ulit ni Kylie.
Hindi siya umimik dahil ayaw talaga niya. Pero ang gagong Josiah nag salita.
“Sige na Thallia, minsan lang to, tignan mo libre na lahat mag luluto ka lang hindi mo pa magagastos ang sahod mo. Two weeks din yun no.” Sabat nito.
“Kylie pwede umatras ka sandali?” Nakangiting pasuyo niya sa babae. Nagtataka man ay umatras ito pero nagulat sila ng bigla siyang gumalaw sa upuan niya at humarap sa likod. Lumuhod siya sa upuan at walang sabi sabing inabot niya si Joshia at sinabunutan at sinakal kaya ito umaaray, habang si Riza naman ay tumawa ng tumawa. Nakita niyang nagulat si Kylie at Vladimir sa ginawa niya pero natawa nadin sila dahil hindi niya talaga tinigilan ang kaibigan.
Pero napahinto siya ng may yumakap sa bewang niya at inayos siya sa pag upo. Nanlalaki ang mata niyang tumingin kay Kaiden na ngayon ay masama ang tingin sa kanya.
“Your booty is big, but for God’s sake your only wearing a dress and nagmamaneho ako.” Singhal nito sa kanya na ikinaimik niya.
“Your, calm now?” Kaiden asked her her she just nodded her head. Hindi siya makaimik dahil sa biglang pagsinghal nito at nakahawak parin ito sa bewang niya.
Jusko nalaman na niyang madami akong bilbil.
“Parang baligtad ata, bat parang babae naman na ang understanding ngayon?” Narinig niyang sabi ni Josiah. Tinignan niya ito ng masama at ngumisi lang ang gago sa kanya.
“Isang kalahating Espanyol lang pala ang magpapatahimik sa aking kaibigan.” Nakangising saad naman ni Riza
3RD POV
Nagkatinginan naman si Kylie at Vladimir at pareho silang nakangisi. Mukhang magtatagumpay ang plano nilang lahat kasama ang mga kaibigan ni Thallia.
Mission: Paglapitin Si Kaiden at Thallia.
SAMAHAN NG MGA KUPIDO NI KAIDEN AT THALLIA GC
Kylie: Mukhang magiging successful tayo
Riza: Konting push, natahimik ang amazona kong kaibigan
Vladimir: Siraulo ka talaga pre @Josiah, pero Maganda ang ginawa mo
Hector: sana pala sumama kami para alam namin ang nangyayari diyan
Sophia: Balitaan niyo kami. Iaayos nalang naming ang mga gamit dito para sa mga lulutuin mamaya, nakausap nadin namin ang restaurant dito, we will just pay them para hindi naman sila lugi.
Lyka: Sana all mayaman. Hahahahaha
Nagkatinginan naman ang apat sa likod ng sasakyan at ngumisi
THALLIA POV
Nakababa na sila sa sasakyan ni Kaiden, nalaman din kasi nila na pinauna ang mga sasakyan nila dito sa Siargao para may magamit ang mga ito once na naglibot sila. Iba na talaga ang mayayaman.
Nakasunod lang ang mga ito sa kanya kasi bahala na daw siya kung anong lulutuin. Wala na siyang nagawa ng pinilit nila na sila ang magbabayad lahat basta siya daw magluluto. Pati daw ang pag stay nila sa Inn sila na daw magbabayad. Nakakahiya nga kaso wala na siyang magagawa dahil tinawag kanina ni Kylie sa Receptionist na charged to Kaiden ang mga bayarin at ang Gago di man lang umimik. Well, mukhang barya lang naman dito ang mga gastusin kaya hindi na lang siya umimik. Tutal magluluto lang naman ang kapalit.
KAIDEN POV
He is just staring at her; he doesn’t know why but he wants to get to know more about her. He keeps watching her every move.
Natutuwa siya sa mga expression nito sa mukha but mostly, bihira lang ito ngumiti, but when she does, he loves it. Napailing nalang siya, first time niyang makaramdam ng ganito at maya-maya pa ay umakbay ang kaibigan niyang si Vladimir sa kanya.
They both watching the girls.
“Masama na yan bro, matutunaw na si Thallia sayo.” Nakangising sabi nito sa kanya at sinamaan niya lang ng tingin ito.
“Huwag kang mag-alala, tulungan ka namin sa kanya.” Singit naman ni Josiah, ang siraulong palaging binubwisit ang Thallia niya.
“Wala akong sinasabi.” Tipid niyang sagot sa dalawa at lumingon ulit sa gawi nila Thallia.
“Sabi nung taong kanina pa di maalis ang tingin sa babae.” Nang-aasar na saad ni Vladimir.
Hindi na niya inimikan ang dalawa at patuloy paring pinapanood si Thallia. She’s wearing a dress, a loose dress to be exact hanggang sa binti nito nakalugay ang mahaba nitong kulot na buhok. Kasalukuyan itong nakikipag usap sa mga tindera. Hindi niya alam pero hindi siya magsasawang panoorin ito sa ginagawa.
“Kuya, pabuhat naman kami.” Tawag ni Kylie sa kanya at lumapit ang tatlo at binuhat nila ang mga pinili ni Thallia. Lumingon ito sa kanya na para bang nahihiya kasi naghihintay ang tindera. Napangisi naman siya at tumabi dito.
“My wallet is in my pocket, get it.” He whispered and nakita niyang nahihiyang tumingin ito sa bulsa niya.
“Don’t worry, I’ll pay everything. Get my wallet and hold it for me. Para mabilis ka nalang magbayad mamaya.” Dagdag niya at tumango naman ito at pinasok ang kamay sa bulsa niya sa likod kaya naramdaman niya ang dibdib nito na sumagi sa braso niya. Napamura siya sa isip dahil malambot at dibdib nito, hindi na kasi siya napatalikod agad sa kanya kasi kinuha agad nito ang wallet niya kaya ganon ang itsura nilang dalawa.
He cleared his throat when she got his wallet at plano niya ulit sanang ibalik ulit ito sa kanya pero sinabihan niyang hawakan na muna niya.
THALLIA’S POV
Malapit na silang matapos sa mga bibilhin nila ng biglang nagsalita si Kylie. Mga lalake naman ay nasa likod lang naming at nakasunod bitbit lahat ng mga ibang pinamalengke nila.
“Ate Thallia, what if makahanap ka ng boyfriend dito sa Siargao?” Tanong ni Kylie na ikinagulat niya.
“Boyfriend? Duh, hindi yun mangyayari.” Sagot niya dito na ikinanguso nito.
“Pero what if nga.” Pangungulit ulit nito.
“Sinasabi ko sayo Kylie, hindi yun mangyayari, jusko ka. Nakikita mo ba ang mga babae dito?” Tanong niya sabay turo sa mga turista.
“Ang gaganda nila, mukha pang mga modelo. Saka tignan mo nga ang mga lalake dito? Mga mukhang lumabas sa magazine. Sa tingin mo anong hahanapin ng mga lalakeng iyan? Siyempre yung mga mukhang modelo.” Sagot niya dito na tumatawa.
“Pero hindi naman lahat ng lalake ganun ang gusto, parang ang mga kuya ko.” Pagbibida nito.
Napakunot noo naman siya at tumingin sa likod nila at napansin niyang nakatingin sa kanya si Kaiden at halatang nakikinig din sa usapan nila.
“Naku, Kylie. Siguro nga pero kung ako tatanungin mo walang gagong magiging boyfriend ko.” Kibit balikat niyang sagot at lumapit siya sa mga prutasan at namili ng mga pwede niyang gamitin mamaya.
Pero sobrang kulit ni Kylie at tumabi pa nga sa kanya para makipagusap.
“Pero ate, What if nga.” Pangungulit ulit nito. napabuntong hininga siya at tinignan ito na walang buhay sa mga mata niya.
“sige, if what if ang tinutukoy mo. Edi Maganda, Date to marry naman na ako. Malapit na akong lumabas sa kalendaryo. Gusto ko na ding magkaanak. Oh, ayan sinagot ko na. pero what if lang naman yan, kaya tigilan mo na ako.” Walang buhay na sagot niya dito at pinangpatuloy ang ginagawa.
“Talaga? Date to marry kana? Ilang anak ba gusto mo?” Tanong ulit nito.
“Teka bat ba interesado kang malaman, Ha?” Takang tanong niya dito.
“Eh kasi, malay mo matapos dito sa Siargao, may asawa kana.” Nakangising saad nito naikina iling lang niya.
“Siraulo.” Saad niya dito.
“Pero ate, ilang anak ba talaga gusto mo?” Pangungulit nito.
“Unang baby? Twins or Triplets.” Sagot niya habang inaabot ang mga Napili niyang prutas. Narinig naman niyang napaubo si Kaiden at nilingon ito namumula ang tenga nito.
“Anong nangyari sayo?” Takang tanong niya dito. Nakita niyang lumunok ito at umiling. Napakunot noo naman siya at binayaran ang mga prutas na Napili niya.
Pabalik na sila sa paradahan at nauna sila Riza at Kylie kasama ang mga nobyo ng mga ito habang si Kaiden naman ay sumabay sa kanya sa paglalakad.
“Triplets huh.” Narinig niyang bulong nito sa kanya.
“Chismoso.” Sagot naman niya at nag patuloy sa paglalakad.
“Bigyan pa kita ng Triplets diyan eh” Saad nito na nagpahinto sa kanyang paglalakad habang ito naman ay patuloy na naglakad papunta sa paradahan.