KAIDEN’S POV
Nakaupo siya ngayon malapit kung saan nag luluto si Thallia at katabi niya ang kanyang mga kaibigan habang ang ibang babae ay tumutulong kay Thallia maliban kina Irish at Trina na hindi nila alam kung saang lupalot nagpunta ang dalawa at wala silang pake alam.
“Masama na talaga ata ang tama mo pre.” Nakangising saad ni Hector sa kanya.
“Biruin mo ang Bilyonaryo na si Kaiden Velasques, na nag mamay-ari ng mga Hospitals at Mall sa ibang-ibang parte ng mundo ay natamaan sa isang babaeng nagngangalang Thallia.” Dagdag pa ni Felix
“Mga siraulo.” Saad niya sa mga ito at tinungga ang beer na hawak niya habang pinapanood sila Thallia.
“But seriously bro? you like her? Ang layo niya sa mga tipo mong babae ah, don’t get me wrong hindi ko jinajudge ang appearance ni Thallia.” Seryosong sabi ng kapatid niyang si Kester.
“I’m just interested in her. That’s all.” Maikli niyang sagot.
“Diyan, nagsisimula ang lahat.” Singit naman ni Felix
“Pero pre, may pagka amazona. Kung nakita niyo lang kung paano niya sinakal si Josiah kanina.” Natatawang kwento ni Vladimir.
“Gago, ganyan talaga siya. Love language niya sa amin yun.” Nakangising sabat ni Josiah.
“Matagal mo na bang kilala si Thallia?” Tanong niya kay dito.
“Uy, mukhang interesado ka na talaga, iba na talaga yan.” Pang-aasar ulit ni Felix pero hindi niya na pinansin ito.
“Oo, Kilala namin siya, diba?” tingin nito kina Larry ang boyfriend ni Ry at si Arron ang boyfriend ni Lyka. Tumango naman ang dalawa.
“Si Ate Thallia ang unang tumanggap sa relasyon namin ni Ry, alam mo naman sa mga mata ng ibang tao. Mali ang relasyon namin dahil kapwa lalake kami pero si ate Thallia ang parang tumayong ina namin ni Ry.” Pagkukwento ni Larry.
Mas naging interesado tuloy siya. Mukhang ganon nadin ang mga kaibigan niya.
“Naalala ko pa noon. Sinaktan si Ry ng mga magulang niya dahil nalaman ng mga nito ang relasyon namin. Dun lang din nilang nalaman na binabae si Ry. Pumasok si Ry na may mga pasa sa sobrang galit ni ate Thallia sumugod sa bahay nila Ry.” Biglang natawa naman ito sa pagkwento kaya may naenganyo silang makinig.
“Anong ginawa niya?” Tanong niya dito
“Naabutan niyang nagtutulak ng droga ang ama ni Ry tapos yung nanay nakikipagtalik sa ibang lalake mukhang naka droga din.
Ayun sinapak niya ang tatay ni Ry. Nasaksak pa si Thallia that time. Pero hindi niya ininda habang yung nanay naman sinabunutan niya kasama nung katalik ng nanay ni Ry. Ending pinakulong niya ang tatlo. Buti nalang at walang mga kapatid si Ry kung hindi baka pati mga yun ay nasaktan din. My family accepted of who I am, and they accepted my Ry also. Kaya Malaki ang utang na loob namin kay Ate Thallia. Nag agaw buhay payan kasi na infection siya sa saksak pero may pagka masamang damo talaga. Buhay pa eh.” Natatawang kwento ni Larry sa kanila.
“Kaylan nangyari yun?” Tanong niya dito.
“That was 2 years ago, kaya makikita mo pa rin yung peklat sa may tyan niya.” Sagot nito.
“Oh, ako naman.” Pag uumpisa si Aaron. They all look at him.
“Nakilala ko si Ate Thallia nung nililigawan ko si Lyka. They are super close. She treats Lyka like her sister. Siya din nagpasok dito sa trabaho. Ayaw sakin ni ate Thallia. Parang siya yung kailangan ko munang ligawan bago si Lyka. Lyka was raised at the orphanage. Na meet siya ni ate Thallia duon nuong nagka roon ng outreach program ang company niya. She’s the one who organized everything at sa kwento ni Lyka si ate Thallia ang nag reach out dito. Kasi nakitaan niya daw ito ng skills kaya kinausap niya ang pinaka boss nila. Tiwala naman ang boss niya sa mga desisyon ni Ate Thallia kaya naman naipasok agad si Lyka. Ate Thallia was the reason why Lyka is successful ngayon. Nung nililigawan ko si Lyka, nakatanggap ako ng sapak dito.” Natatawang kwento nito.
“Grabe mahilig naman manapak.” Kinikilabutang saad ni Kester.
“Well, yeah. Hindi kasi siya basta-basta nagtitiwala, at naiintindihan ko yun. Umabot ako ng 1 year para mapasagot si Lyka. Palaging galit sakin ni Ate Thallia pero you know what? Nung sinagot ako ni Lyka, she told me na masaya si Ate Thallia, kaya pala palagi siyang galit sakin at palagi akong sinasapak ay may sakit pala si Lyka noon. She’s a bipolar, at si ate Thallia lang kasi palaging nakakasaksi nuon. Hinahanda lang pala ako ni ate Thallia nuon. Kasi natatakot siya na once, sumumpong ang sakit ni Lyka ay mapagbuhatan ko siya ng kamay o kaya masaktan ko ito sa ibang pararaan. Tinago nila sakin yun bago ako sinagot ni Lyka, kasi pinagamot muna siya ni Ate Thallia and when the doctor said that she is already healed dun na ako sinagot. And I am very thankful kay ate Thallia.” Nakangiting kwento nito.
He is really amazed now. Tumingin sila kay Joshia. At ngumisi lang ang gago.
“Well, si Thallia, tropa ko yan.” Pag uumpisa nito.
“Ako ang pinaka matagal niyang nakasama at kaibigan. We are high school friend. Siraulo ang babaeng yun. Pero sa lahat siya ang babaeng ayaw mong bitawan.” Malungkot na saad nito. Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng sama ng loob kay Josiah. Tumingin ito sa kanya at ngumisi.
“Huwag kang mag-alala bro, mali yang nasa isip mo.” Natatawang saad nito.
“Wala akong sinasabi.” Sagot niya dito.
“Wala nga pero yang mukha mo, sumisigaw ng “Tangina mo, Akin siya.” Nang-aasar na saad ni Vladimir. Tinignan niya lang ito ng masama.
“Well, to continue, siya talaga ang babaeng ayaw mong bitawan. Masyadong malambot ang puso ng babaeng yun. Mahilig magtago ng nararamdaman. Ulilang lubos siya. Gaya ni Lyka, Laki sa bahay ampunan pero pinag-aral siya ng mga madre at dun ko siya nakilala nung high school. Everyone thought kami ang magkakatuluyan pero pinagtatawanan lang namin kasi para na kaming magkapatid. Hindi man siya nakapagtapos ng 4 years course pero iba ang utak pag gumalaw. Kaya nga tumagal yan ng sampung taon sa trabaho kasi iba talaga siyang magtrabaho. Mabait siya, sa sobrang bait niya, natetake advantage na siya, wala lang sa kanya yun kasi naniniwala siya na habang kaya niya, kaya niya. Pero this past few months. Masyadong disaster ang nangyari sa kanya. Si Riza ang fiancé ko, buti andyan para sa kanya. Siya din dahilan kung bakit nakapasok sa work ang fiancé ko, kay Riza ko nalalaman lahat ng mga nangyari sa kanya these past few months and masama loob ko din sa boss niya, hindi man lang maipagtanggol ang kaibigan ko. Kaya nga binigla namin siya sa 2 weeks’ vacation. Nag adjust kami para sa kanya kasi alam naming kailangan niya to. She was hospitalized 1 month ago kasi nagka anxiety attack na siya. She was depressed dahil sa nangyari pero di niya kami sinabihan. Nagtangka pang magpakamatay ang babaeng yan na sobrang ikinagalit ko. Kaya sinabihan kong mag resign na lang siya at buti naman at nakinig.” Malungkot na kwento nito habang nakatingin kay Thallia.
He felt mad hearing everything those stories. Ano bang nangyari?
“What happened?” Tanong ni Felix
“Walang nakaka alam sa buong kwento, sila lang. hindi rin sinabi ni Thallia lahat. Ang alam lang namin, may nakabanggaan siyang matapobre sa kumpanya at malaking tao din to. Yun ang dahilan kung bakit nailipat si Thallia. Hindi siya maipagtanggol ng boss nila. Gusto ko nga ding malaman, pero tuwing tinatanong ko si Thallia. Blangko lang ang tingin niya sakin. Ayaw din niya mag kwento. Yun kasi ang pangit sa kanya. Sinasarili niya.” Sagot naman nito at tumingin sa kanya.
“If you are planning to court her, binabalaan na kita.” Nakangising sabi nito.
“Marupok yang babaeng yan, pero amazona yan.” Dagdag nito.
“Masyadong, mababa ang self-confidence niyan, kaya di ako sigurado kung magiging okay ang lahat.” Saad naman ni Larry.
“Bakit niyo ba sinasabi sakin yan? I am just interested to her. Wala akong planong ligawan siya.” Sagot niya sa mga ito.
Napabuntong hininga nalang ang mga kaibigan niya sa sagot niya.
“Sabi mo eh.” Saad lang ng mga ito.