bc

Marry me or never

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
fated
forced
opposites attract
friends to lovers
arranged marriage
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
small town
enimies to lovers
secrets
like
intro-logo
Blurb

Si Philip ay ang lalaking matagal at lihim ng gusto ni Esme. Si Jackson naman ay ang lalaking simula't sapul ay kanyang kinaiinisan. Pero hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay posible palang magbago ang kanyang feelings. Namalayan na lamang niya na nahulog ang loob niya kay Jackson. At huli na ng ma-realize niyang falling for him is a big mistake dahil matinding heartaches ang idinulot nito sa kanya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"Nandito na tayo." Napasimangot si Esme mula sa backseat ng lulan nilang sasakyan nang ihinto ito ng kanyang ama si Tonyo sa tapat ng magara at malaking bahay ng mga Degala. Hindi niya talaga maunawaan kung bakit sa ibang bahay pa nila kailangang mag-celebrate ng Christmas eve na pamilya. Sa pagkakaalam niya ay hindi naman sila kinakapos sa pera. Imposibleng hindi afford ng mga magulang niya na bumili ng mga pagkain para sa noche buena. Bagama't hindi gaanong kalakihan ang negosyong pagmamay-ari ng pamilya niya na isang dry good store ay batid niyang kumikita naman ito ng maayos. Bukod roon ay may ilang ektarya ng palayan rin silang sinasaka na nitong nakaraan ay napakaganda ng naging ani. Nahuli ng kanyang inang si Sandra mula sa side mirror ang pagsimangot niya kaya binalingan siya nito at pinukulan ng matalim na tingin. "Ayusin mo nga ang mukha mo diyan, Esmeralda. Huwag na huwag kang haharap sa mga Degala na nakabusangot ang mukha mo kung ayaw mong makatikim sa akin ng pinong kurot sa singit." Mas lalong nanulis ang nguso niya. "Bakit kasi tayo nandito, Ma? Kawawa naman si Manang Salve at si Peachy, sila lamang dalawa sa bahay ang magkasama sa pasko." Ang kasambahay na matagal nang naninilbihan sa kanila ang tinutukoy niya at ang Persian cat na alaga niya. "Malalaman mo mamaya pagkatapos ng dinner. May importante tayong pag-uusapan ng mga Degala." Nahimigan niya ang kaseryosohan sa tono ng kanyang ina kaya na-curios siya. "Tungkol saan?" "Basta... Huwag ka ng maraming tanong." Malakas ang kutob ni Esme na bukod sa imbitasyon ng mga Degala na doon sila magdiwang ng pasko na pamilya ay may iba pa ang mga itong agenda. Posible kayang tungkol ito sa naudlot na pagpapakasal ng kanyang ate Ramona sa panganay ng mga Degala na si Ericson? Naudlot dahil parehong hindi sang-ayon ang dalawa sa arranged marriage. Kaya naman bago pa mahuli ang lahat ay gumawa na ang mga ito ng paraan upang makawala sa paninipula ng mga magulang. Naglayas ang mga ito na ikinagimbal ng kanilang mga pamilya. Hay...parang kuwento lamang sa telenovela, nakakaloka! Kung bakit ba naman kasi ang old school ng mga magulang nila at may arranged marriage pang nalalaman. Matalik na magkaibigan ang kanyang amang si Atonio Peralta at si Maximo Degala. Sanggol pa lamang ang panganay na mga anak ay nagkaroon na ang mga ito ng seryosong kasunduan na ipakasal ang dalawa pagdating ng araw kapag nasa tamang edad na ang mga ito. Hindi masisisi ni Esme ang kanyang ate Ramona sa paglalayas nito. Unfair at hindi makatarungan para rito na ipakasal ito sa lalaking wala naman itong pagtingin. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pangungulila sa kapatid. Mahigit apat na buwan na magmula nang umalis ito sa bahay nila. Missed niya na ito. Lumaki sila nitong malapit sa isa't-isa at nalulungkot siya na ito ang unang pasko na hindi nila ito kasama at hindi sila buo na pamilya. Napabuntong hininga na lamang siya. Ilang sandali pa ay bumukas na ang malaking gate ng bahay at lumabas ang isang kasambahay mula sa loob upang salubungin sila. Kumilos na silang tatlo ng kanyang mga magulang upang bumaba ng sasakyan. Bumungad sa kanila ang malaking Christmas tree sa marangyang living room pagkapasok sa loob ng bahay. Masayang sinalubong sila ng bati ng mag-asawang Degala, nakipagbesohan at yakapan ang mga ito sa kanila. Pinisil pisil naman niya ang pisngi ni Winston, ang anim na taong gulang na anak ng mag-asawa na napaka-cute tingnan sa suot nitong Christmas pajama outfit. "Where's my gift from you, ate Esme?" Napangisi siya ng alanganin sa tanong sa kanya ng batang paslit. "Nakalimutan kong bumili e. Sa birthday mo na lang next year ako magbibigay sa'yo. Anong gift ba ang gusto mo?" "I want a toy train!" "Okay, sige. I'll gift you two toy train on your coming birthday." Nagtatatalon ito sa tuwa sa sinabi niya bago siya niyakap ng maghigpit. Makalipas ang ilang sandaling kuwentuhan ay napagpasyahan ng lahat na dumulog sa dining upang magsalo-salo sa Noche buena. "Cora, si Jackson kinatok mo na ba sa kuwarto niya?" Usisa ni Helena Degala sa kasambahay. "Oho, ma'am. Ang sabi niya ay bababa na raw ho siya. Nasa shower pa kasi siya kanina ng katukin ko–ay ayan na po pala siya ma'am." Napatingin silang lahat sa binatang kabababa lamang ng hagdan, si Jackson ang ikalawang anak ng mag-asawang Degala na kasing edad lamang ni Esme ngunit mula't sapul ay kanyang kinaiinisan. Napakayabang kasi nito kung umasta at laging inaasar siya. Tipid itong bumati sa kanila ng good evening saka hinila ang bakanteng silya sa tabi niya at kaswal na naupo. Nang magtama ang kanilang mga mata na dalawa ay inirapan niya ito na mabilis naman nitong sinuklian ng nang-uuyam na iling. Naalala tuloy niya noong maliit pa sila. Madalas siya nitong pinapaiyak sa mga pang-aasar nito. Pero ngayon na mga dalaga at binata na sila ay hindi na siya nagpapatalo. Hindi niya na hinahayaan itong api-apihin siya. Ayaw ni Esme na masira ang pasko niya sa presensya ni Jackson kaya minabuti niyang ituon na lamang sa pagkain ang kanyang atensyon. Iba talaga kung maghanda ang mga Degala. Napakabongga. Excited na tinikman niya isa-isa ang mga nakakatakam na mga putaheng nakahain sa mesa. Nakailang lagay siya sa plato niya, sarap na sarap. Syempre pa dahil likas na mahilig sa sweets ay hindi niya pinalampas na lantakan ang lahat ng mga desserts. Ngunit maya maya lamang ay natigilan siya nang mahuli niyang nakatitig sa kanya ang binata na tila ba kanina pa pinapanood ang maganang pagkain niya. "What? Anong tinitingin tingin mo?" Pagtataray niya rito. Hininaan lamang niya ang kanyang boses upang hindi marinig ng mga magulang nila. Umiling ito. "Nothing." Biglang naisip ni Esme na baka may kumalat na icing ng cake sa kanyang mukha kaya gano'n na lamang kung tumingin sa kanya si Jackson. Agad na dumampot siya ng napkin at ipinunas sa kanyang mukha. Tumawa ito "Anong nakakatawa?" "Wala ka namang dumi sa mukha. May naalala lang ako habang pinapanood kang kumakain, okay." "Anong naaalala mo?" "Uhm, well..." "Ano?" Naging inpatient na siya. "You remind me of a hamster." Tumawa itong muli. "I'm sorry. Parehong pareho kasi kayo na malalaki kung sumubo. Saka lomolobo ang pisngi sa tuwing ngumunguya. Iyong parang isang buong taon na hindi nakakain." Awtomatikong tumalim ang tingin niya rito. Aba't–huling huli nito ang inis niya. Nangti-trip na naman ito. Malinaw na gusto nitong palabasin na matakaw siya. At ang kapal ng mukha nitong ihalintulad siya sa hamster! Nginisihan niya ito ng mapang-asar. "Hamster, talaga? E di cute ako kung gano'n." Cute naman talaga ang mga hamster. Nagkibit lamang ito ng balikat. Tinusok niya ng tinidor ang isang malaking hiwa ng cake at isinubo niya ng buo sa bibig. Gusto niyang ipakita kay Jackson na wala siyang paki kung mukha man siyang hamster habang kumakain. Eni-enjoy lang naman niya ang pagkain niya, anong masama? Pero muntik na niyang maipahiya sarili rito dahil nahirapan siyang ngumuya. Sinikap niyang hindi mabulunan. Pasimpleng uminom na lamang siya ng juice para mabilis niyang malunok ang laman ng bibig. Pagkatapos ng dinner ay lumipat silang lahat sa may garden, sa may gazebo. May nakaserve nang mamahaling bote ng wine at mga wine glasses sa mesa pagkapasok nila roon. May charcuterie board rin na ikinakislap ng kanyang mga mata. Pumapak si Esme ng ubas habang nagsisimula nang mag-usap-usap ang kanilang mga magulang. Katulad ng kutob niya ang paksa ng mga ito ay ang tungkol sa ate Ramona niya at ni Ericson. Ikinagaan ng kanyang loob nang marinig na tuluyan nang sinukuan ng mga ito ang pagpupumilit na ipakasal ang mga anak. Hay.. mabuti naman at natauhan na rin ang mga ito sa wakas sa naisip na kahibangan. Excited na siyang makauwi ng bahay nila upang matawagan ang kapatid at iparating rito ang magandang balita. Malaya na ito sa kasunduan kaya hindi na nito kailangan pang magtago. Makakasama na nila itong muli. Ngunit ang tuwa niya ay biglang napalitan ng pagkawindang sa sumunod na naging pahayag ni Maximo Degala at ng kanyang ama. Napamaang at muntik niya ng mailuwa ang ubas na kinakain niya. Nag change plan lamang pala ang mga ito. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay nasa loob siya ng isang telenovela at siya ang bida. Gusto niyang tumayo at magprotesta sa mga magulang pero tila wala siyang lakas ng loob. Nanatili lamang siyang walang imik habang umaahon ang galit sa kanyang dibdib. Joke ba ito o isang masamang panaginip? Hindi for sure. Nakita niyang masayang pinag-umpog ng mag-asawang Degala at mga magulang niya ang mga wine glasses na hawak ng mga ito sabay sambit ng katagang cheers. Nagwakas ang Christmas eve na iyon at natagpuan ni Esme ang sarili na engaged siya kay Jackson King Degala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YAYA SEÑORITA

read
14.1K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
118.0K
bc

The Real About My Husband

read
35.8K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
8.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
319.5K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
33.6K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
88.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook