Eunice Del Pilar
Aminin nating lahat na may isang taong di man natin nakakasama o di man natin nakakausap pero pakiramdam mo may parte sya sa buhay mo. Yung tipong lagi mo syang titignan, lagi mong hinahanap at gusto mo lagi sya makita. Ngunit di mo naman alam kung ano nga bang dahilan yon, bakit gusto mo na lagi syang makita. Di mo naman pwede sabihin na crush mo sya dahil wala naman syang ginagawa sayo diba?
I am Eunice Del Pilar, I am currently 19 years old . I am a college student in Bachelor of Science in Office Administration. Actually, di naman ito ang gusto ko. Uhm para bang wala na akong choice kasi ito nalang yung available at kung kukuha ako sa ibang college school ay private na at mahal ang Tuition. Alam naman natin na kapag sa public ka nakuha ay libre ang pag aaral. Gusto ko sana ang Multimedia ngunit wala kaming pera para sa ganung course na nasa Private school, kaya binagsakan ko? Kurso na di ko naman gusto. Pero, okay lang din naman itong course na ito eh, kung gusto mo sa office ka pwede itong course na ito. Kung gusto mo maging stenographer sa court pwede rin ito dahil isa sa mga major subject dito ay ang Stenography o sa madaling salita ay Shorthand.
Unti unti ko na rin naman sya nagugustuhan pero syempre iba pa rin yung mismong gusto mo.
Simple girl lang daw ako sabi ng karamihan ilan dito ay ang mga kaklase ko at base na rin sa pananamit ko. Style ko? Wala. pantalon, tshirt, uhm... May eye glasses ako dahil mahina ang retina ng mata ko, kulot ang buhok ko na maliit lang. Halos kalahati ng leeg lang ang haba, gusto ko mapanatili ang ganitong hair style ko since naaalala ko sa ganitong itsura ang mama ko. Yes, ulilang lubos na talaga ako at kung di dahil sa mapagmahal kong Tita ay di ako aabot sa kinatatayuan kong ito. Hmm... Pero Army ang Papa ko, pero namatay din sya. Kaya naman sinusuportahan ako noon ng gobyerno dahil kay Papa, pero noong nag 19 na ako last month ay natigil na iyon. Mabuti nalang at nakapag ipon ako at nakahanap ako ng trabaho sa isang coffee shop.
Bakit ko nga ba nasabi ang bagay na yun kanina?dahil merong isang tao na di ko naman gusto pero gusto ko lagi syang makita or lagi syang umaappear sa harapan ko at lagi ko syang nakikita, ayun tuloy nasanay ako.
Sya si Joshua Miguel Alvarez. Pangalan palang pang mayaman na noh? At oo, mayaman talaga sila. Malaki ang business nila na pagawaan ng wine. Ang kilalang Alvarez Wine sa Pilipinas ay sikat kahit na sa ibang bansa.
Noong nakaraan lang, nagkataon na napunta ako sa organisasyon kung saan nandun din sya. Ang Civic Walfare Organization, di ko nasahan na makakasama ako dito. Isang volunteer org sa labas ng school for community. Dahil sa proposal na ginawa ko na inapproved ng aming NSTP instructor pinasok nila ako sa organization and next na gagawin na project ay ang prinopose kong Art Collection Program for Children: A project to recycle. Nagustuhan ito ng mga senior sa org pati na rin ang Presidente ng Organisasyon kaya naman nakuha ito.
"Eunice..." For the first time may naging close na rin ako mula sa org si Atasha Mendez ang PIO. Isang mayaman ngunit may simpleng pagkatao, Senior member sya ng Organisasyon at nasa Fourth year na sya.
"Ate..."
"Naku... Ang presidente natin sa org. Naghahanap ng mahusay na statement mo about the project time frame. Need nya daw till tomorrow. Kaya mo ba?" Tumango ako. Actually, sa proposal na iyon ay mag isa lang ako kaya di ko alam kung kanino ako hihingi ng ibang opinyon.
"Sabi ni Pres. May meeting daw us mamayang 3 G ka ba? Wala ka na bang pasok?" Sunod na tanong nya. Si Atasha ay madali lang makausap at makaclose, sa totoo nga sya ang unang bumabati saakin kapag papasok ako sa Org ng late. Alam naman nila ang schedule ko kaya kahit ma late ako ay ayos lang sa kanila dahil ako ang last member at ang pinakabata.
"Actually meron akong pasok sa Steno mamayang 2:00 -3:15" si Sir Cris ang teacher namin doon at medyo mahigpit. Malamang na mag eextend pa yun dahil last Sub namin sya for Thursday.
"Ah talaga ba? Kay sir Cris ba yan?" Tumango ako "naku! Alam na yan... mag eextend yan hanggang 3:30 kaya sasabihan ko na sila Alex na malalate ka ng bongga" napangiti ako sa sinabi ni Ate Atasha. Kilala nya talaga lahat ng teacher dito sa school. Kahit ang teror na si Cris na naging prof nya din daw noong 3rd year sya at binigyan sya ng tres sa Final ng first semester.
"Ay sya nga pala... Eunice diba office ad ka? So... Malapit ka lang sa room ni Migz. Kilala mo ba? Yung isang member natin na kaibigan ni Alex. Si Joshua Miguel... Alvarez?" Kahit di na nya sabihin ang buong pangalan ay kilalang kilala ko naman ito. Since freshmen ako ay lagi ko na syang nakikita at popular sya sa ibang gurls.
"Ah... Oo." Tumango sya at nag thumbs up.
"Great! Pakisabi sa kanya okay? Di pa ata sya nasasabihan eh. Sabi ni Alex off daw yung cp nun at lowbat."
"Sigi po ate. Dadaanan ko na sya ngayon pag akyat ko sa taas" sabi ko. Saka naman sya ng wave at tumalikod na.
Hindi naman malayo ang room nila at sakto ngang nadadaanan pa ito kung sa kabilang wings ako dadaan.
Room 0103
Sumilip ako at saktong walang prof. Isang representative ang pumunta sakin upang tanungin ang kailangan ko sa kanila.
"Uhm.. ano yun miss? Mag sstart na kasi ang klase namin within 5 mins" strict siguro ang first sub nila sa hapon kaya ganito.
"Uhm. Si Mr. Alvarez, Joshua Miguel po?" Hmmm? Formal ba? Ganito kasi ang patakaran sa school na ito. 'You must Cite the Last Name first before the Given name of the person' if makimisuyo ka, older than you and di mo kilala or you have no relation with that person. Pero kung kayo lang naman dalawa ay pwede naman casual na salita lang.
"Uhm... Joshua Miguel Alvarez? May naghahanap sayo..." Sigaw nya.
Dito kasi respeto ang kailangan, College ka na You must know how to respect, even in your instructor and co-students.
"Hmm? You're Eunice right? The proponent of the upcoming project?" Nagulat pa ako ng kilala nya ako. As in kilala nya ako? Natatandaan nya ang pangalan ko? Para akong na Starstruck sa sinabi nyang iyon.
"Ah- y-yes that's me. Uhm... Pinapasabi lang ni Pres na may meeting daw tyao mamayang 3? Urgent meeting i guest?" Ewan ko ba pero kinakabahan ako ngayon dahil unang beses namin magkausap dalawa and the fact that i got something to him? Not really a crush but something, basta something.
"Yeah... Sure. But- mukhang tulad mo malalate din ako. So... sabay na tayo pumasok sa org mamaya okay? Para naman di kana solo sa red carpet" nakangiti nyang sabi saka tumalikod na. Nagbibiro lang sya nun dahil alam ko namang lagi akong late. So, baka ng nagbibiro lang sya nun.
After a that, syempre dumiretso na ako sa classroom namin at sakto nandyan na ang Steno instructor namin at pinalabas samin ang libro.
Stroke, Reading Practices and syempre vocabulary ang lagi naming pinag aaralan sa subject na ito.
Minsan na boboring ako kasi para kaming nagaaral ng ibang writing styles kaya naman nakaka bored but minsan naman interesting kasi laging may activity si Sir na related sa Sub and also di nawawala ang pabilisan magsulat ng Shorthand. Halos everyday yata namin yun ginagawa kaya halos na papractice na rin itong kamay ko na magsulat ng mabilis gamit ang Shorthand.
Talaga ngang totoo ang sinabi ni Ate Atasha dahil dumaan ang 3:15 ay nag sabi itong mag eextend sya hanggang 3:30 no choice kami kasi last sub na namin sya at wala naman org time ngayon dahil thursday palang.
Nakarinig ako ng mga babaeng nagpipigil ng kilig sa labas pero di ko na ito inintindi. Lumabas nalang ako sa room habang hinahanap ko ang draft ng proposal sa bag ko.
Bigla nalang may humila sa braso kaya naman nagulat ako at napatingin sa direksyon nito. Si Miguel lang pala.
Maraming nakatingin samin na kaklase ko at kaklase nya dahil bakit nga ba hihintayin ako ng isang Joshua Miguel Alvarez?
"Miguel?"
"Diba sabi ko sayo sabay na tayo pagpapunta doon?" Naweirdohan tuloy ako sa kanya. Akala ko ay nagbibiro lang sya.
Ilang saglit pa ay hinila nya ang string ng shoulder bag ko at naglakad.
"S-sandali, Miguel. Wag mo ngang hawakan tong bag ko? Baka masira eh." Sabi ko saka tanggal ng kamay nya sa bag ko.
Napatawa sya sa ginawa ko. "Talagang masisira yan. Lokal eh"
"Ano ka ba? Kahit na lokal to. Kung iingatan di yan masisira." Sabi ko at saka nauna nang lumakad. Ewan nainis lang ako dahil sa inaksyon nya. Ayoko ng ganun eh. Yung tipong papakealaman yung gamit ko? Or something gagawa ng di ko gusto, Basta ganun. Sino bang matutuwa sa ayaw mo diba?
"Hala... Oi Del Pilar sorry na... Di ka pala easy girl lang Tulad ng iba." Napatingin ako sa kanya na sumabay na sakin ngayon.
Anong akala nya sakin? Katulad ng mga pasikretong may gusto sa kanya? Take note ha, i don't consider him as my crush
Di ko sya inintindi hanggang sa makapunta kami sa Office ng Org.
As usual nandun na sila Atasha ang PIO, Alex na President, Jevic na Auditor, Marikris na VP at Eiren na Secretary. Ako nga lang ang hindi officer sa mga ito eh dahil representative ako ng Second year plus si Miguel na Business Manager ng Org.
"Oi... Late ka ata Migz?" Bungad samin ni Marikris. Isang magandang babae na may mahabang buhok at eyeglasses na fit na fit sa kanya. Flawless skin at sexy kung makadamit. Yan ang VP ng organisasyon, isang beauty and brain.
"Yeah... Sorry guys." Sambit nito.
Di na nila ako binigyan pansin kasi palagi naman akong late dahil sa schedule ko.
Nagsimula na ang meeting at hinayaan nila akong magsalita dahil proposal ko naman ito. Then lahat sila nag agree at nagbigay ng opinion mula dito.
"Thank you Ms. del Pilar, isang malaking project ito. I hope na aprobahan ng ating sponsors upang maisagawa na natin ito sa Organization Month ng School. I hope na lahat tayo makipag-cooperate sa project na ito. As well as the members and representatives." Sabi nya saka isinara ang copy ng project na hawak nya.
Si Alex ay batid kong masungit at seryoso sa pagiging President nya ngunit outgoing person din ito at makulit kapag wala sa opisina.
"Nays... Congrats Eunice. Ang galing ng project mo" napatingin ako kay Ate Atasha na syang nagsalita at nakangiti saakin. Pumalakpak din ang ilang nandoon kasama si Migz. Sinuklian ko sila ng nahihiyang ngiti. Ayoko talaga sa mga papuri kaya di ko alam kung anong irereak ko sa twing pinupuri ako ng mga tao. Lalo na ngayon at mga officers ang nasa harap ko.
Napatingin ako kay Miguel at nakita ko syang nakatingin sakin habang nakangiti. Nang makita nya akong tumingin sa kanya at lalo pa itong ngumiti at nag thumbs up.
Akala ko noon, hanggang sa malayo ko nalang sya makikita at di ko sya makakasama. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag pansinin ka ng taong di mo aakalain na papansinin ka kasi yung distance nyo malayo noon.