CHAPTER 17

1954 Words
       NALAMAN ni Rhian ang edad ni Albert. Fifty eight years old na pala ito at hindi talaga halata sa hitsura nito ang edad nito ngayon. Kung ganoon ay thirty one years ang agwat ng edad nilang dalawa. Well, kung magiging sugar daddy man niya si Albert ay walang kaso sa kaniya ang edad. Si Gener nga na mas matanda pa ay napagtiisan niya at ang pangit pa ng damuhong iyon, ha. Ito pa kayang si Albert na mayaman na ay may hitsura pa. Saka sa ganitong gawain, hindi na mahalaga ang hitsura. Mas importante ang laman ng bulsa! Kung gaano niya kadali nalaman ang edad ni Albert ay hindi ganoon ang trabaho at negosyo nito. Ayaw nitong sabihin ang tungkol sa bagay na iyon at wala siyang ideya kung ano ang dahilan nito. “Ang daya mo naman, e! Sinunod ko ang sinabi mo na huwag akong mag-po at opo. Pati iyong pag-sir ko sa iyo at sinabi ko pati ang trabaho ko pero ang source of income mo ay ayaw mong sabihin sa akin. Ang daya!” Kunwari ay nagtatampong humalukipkip si Rhian habang nakanguso. Natatawang napailing si Albert. “Sorry pero hindi ko talaga sinasabi sa kakakilala ko pa lang ang tungkol sa bagay na iyan. Maybe, kung magkikita pa tayo at sobrang kumportable na ako sa iyo ay malalaman mo rin.” Mabilis siya nitong sinulyapan at muling ibinalik ang mata sa unahan. “Kahit isang clue kung ano. Sige na, Albert...” Nilambingan niya ang pagbanggit sa pangalan ng lalaki. Siyempre, kailangan niyang malaman kung bakit mayaman si Albert para alam niya agad kung may kakayahan ba itong mabigyan siya ng pera. Umiling ito. “Hindi ko pa talaga kayang sabihin. Pasensiya na, Rhian.” Tumahimik na si Rhian at hindi na kinulit pa si Albert tungkol sa bagay na iyon. Isa iyon sa rules niya para makuha ang loob ng isang lalaki—ang huwag maging makulit. Hayaan kung ayaw mag-open ng isang lalaki sa bagay na ayaw nitong sabihin at baka makulitan sa kaniya. Lalo na kapag may edad. Naku, ayaw na ayaw ng mga iyan ang sobrang makukulit. Mabilis mawalan ng gana ang matatandang lalaki kapag ganoon. Ang dapat ay ipaparamdam mo sa kanila na mahina ka at sila ang iyong knight in shining armour. O kaya dapat ay feeling nila na superior sila at under ka sa kanila. Iyon bang tila sunud-sunuran ka. Gustung-gusto ng matatandang lalaki na maramdaman na sa kabila ng edad nila ay malakas pa rin sila at kaya pa rin nilang hawakan sa leeg ang isang babaeng kagaya niya. Sa biglang pagtahimik nilang dalawa ay nag-isip si Rhian ng maaari pa nilang maging topic ni Albert. Dapat ay mag-enjoy ito sa pakikipag-usap sa kaniya. “Sana ay hindi ka galit kasi hindi ko sinagot ang tanong mo,” untag ni Albert. Ito na ang bumasag sa katahimikan. “Uy, hindi, a. Walang kaso sa akin iyon.” “Mabuti naman kung ganoon.” “May question pala ako. Okay lang ba?” aniya. “Sure. Ano `yon?” “Bakit ka pala biglang umalis kanina sa party? Parang sobrang emergency niyon kanina base sa reaksiyon mo. Pero ngayon ay nalaman ko na parang hindi kasi gusto mo pa akong ihatid sa bahay.” “Iyon ba? It’s because of my daughter...” “Daughter? May anak ka?” Bahagyang nagulat si Rhian. “Ay, oo nga pala. May ex-wife ka. Ilan pala anak mo?” “She’s my unica iha.” “Wow! Only child. For sure, lahat ng gusto niya ay nasusunod.” “Tama ka. Lahat ng gusto niya ay ibinigay namin ng mommy niya mula pagkabata. Sobrang spoiled siya sa amin. Isang bagay lang ang hindi ko naibigay o nasunod na gusto niya. Iyon ay ang huwag akong makipaghiwalay sa mommy niya...” “I’m sorry. May malaking dahilan ka naman siguro kung bakit ka nakipaghiwalay sa asawa mo, `di ba?” Tumango lang si Albert. “Iyon na nga... Umuwi na naman daw na lasing ang anak ko. Ilang taon na siyang ganoon. Five years na simula nang maghiwalay kami ng mommy niya. Naging rebelde siya at ipinapakita niya sa akin na masama ang loob niya sa akin. Nakaka-miss lang iyong bata pa siya at sobrang bait.” Bahagyang nag-c***k ang boses nito. “Sorry. Pati tuloy problema ko sa buhay ay na-share ko pa sa iyo.” “Okay lang. Good listener ako. Saka lahat tayo ay may problema at minsan ay mas magandang ikwento natin iyon sa hindi natin kakilala kasi iyon nga... Hindi ka niya kilala. Hindi ka niya huhusgahan.” “Thank you, Rhian. Kahit paano ay may napagsabihan ako. Hindi ko kasi ito nasasabi sa kahit na sino kasi nahihiya ako. Baka isipin nila na nag-iisa na nga lang ang anak ko tapos hindi ko pa mapasunod.” “Makitid ang utak ng magsasabi ng ganoon sa iyo. Kahit wala pa akong anak ay alam ko kung gaano kahirap magpalaki ng anak. Ako kasi mismo, alam ko na nahirapan ang nanay ko sa pagpapalaki sa akin. Matigas din kasi ang ulo ko...” Mahina siyang tumawa nang biglang maalala ang kaniyang ina. “Mukhang hindi naman matigas ang ulo mo, a. Mukha ka namang mabait.” “Mukha lang!” Naging malakas ang tawa ni Rhian. “E, kumusta pala kayo ng ex-wife mo? Wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan kayo o i-try ulit?” “Bakit mo itinatanong? Gusto mong malaman kung may pag-asa tayo?” Pinamulahan ng mukha si Rhian sa tinuran ni Albert. “I’m just joking! Seriously, wala na akong balak na makipagbalikan sa kaniya. Closed book na ang nangyari sa amin. Ang besides, I tried so many times pero siya iyong paulit-ulit na ginagawa ang kasalanan kung bakit nawala ang tiwala ko sa kaniya.” “Kung hindi mo mamasamain, ano ba ang nagawa ng asawa mo dati at humantong kayo sa hiwalayan?” Nang hindi agad nagsalita si Albert ay naisip ni Rhian na hindi niya dapat muna pala iyon itinanong. Baka isipin nito na masyado na siyang feeling close. “Naku, huwag mo nang sagutin. Nakakahiya at naitanong ko pa—” “No worries... I’ll answer it.” “Sigurado ka?” “Yes. Bale, nahuli ko ang ex-wife ko na pinagnanakawan ako ng pera. Well, sa batas ay kung ano ang akin ay kaniya na rin pero hindi birong halaga ng pera ang kinukuha niya nang hindi niya sinasabi sa akin. Hundred thousands, millions... Tapos nalaman ko na ginagamit niya ang pera sa lalaki niya. She’s cheating on me that time. I talked to her many times and she’s always telling me that she’ll stop. But that is just a lie. Paulit-ulit siya hanggang sa mapuno na ako. Nakipaghiwalay na ako sa kaniya. At first, ayaw niya pero nang mag-offer ako ng malaking halaga ng pera ay pumayag rin siya. See? Pera lang ang gusto niya. Ang pera, madali lang iyang kitain. Mabubuhay sana siya na parang isang reyna habangbuhay kung umayos lang siya.” Biglang natahimik si Rhian. Hindi na niya tuloy alam ang sasabihin. Kung ganoon ay may galit pala itong si Albert sa mga mukhang pera at dahil iyon sa experience nito sa ex-wife nito. Paano kung mapaibig nga niya si Albert? Parang ang hirap naman nitong huthutan ng pera kung sakali. Parang gusto na niya tuloy umatras sa binabalak niya. Mayaman nga pero baka mahigpit sa pera. Wala ring silbi kapag ganoon. Balak pa naman sana niyang isunod na kunin ang cellphone number nito para magtuloy-tuloy ang communication nila pero huwag na lang. Tama na itong nakasakay siya sa magara nitong sasakyan. Mag-aaksaya lamang siya ng oras at energy niya kung itutuloy niya ito. Nawalan na tuloy ng gana si Rhian na makipag-usap. Hindi para sa kaniya ang gabing ito. Luging-lugi siya. Bumili pa siya ng gown dahil ang akala niya ay makaka-jackpot siya. Nakita na nga niyang nakikipagtukaan si Kenzo kay Mathilda tapos minalas pa siya dito kay Albert! Hay! Mas mabuti na itulog na lang niya ito mamaya pagkauwi sa bahay. Makalipas ang ilang sandali ay napansin ni Rhian na malapit na siya sa labasan ng squatter’s area kung saan siya nakatira. “Albert, ihinto mo na lang sa may kanto. Doon na ako bababa,” aniya. “Ayaw mong ihatid kita sa mismong bahay mo?” “Imposible! Hindi kakasya itong sasakyan mo sa mga eskinita. Doon kasi sa kanto ako papasok. Doon ang papunta sa bahay ko.” “Pwedeng i-park ko sa kanto itong sasakyan ko tapos ihahatid kita.” “Ay, huwag na. Baka pagbalik mo ay wala na ang sasakyan mo o kaya wala nang side mirror! Pag-iinteresan iyan dito at marami ritong magnanakaw. Kaya ko na naman. Malaking bagay na itong inihatid mo ako.” Inihinto muna ni Albert ang sasakyan sa may kanto. “Okay. Hindi na kita ihahatid pero mag-iingat ka, Rhian...” “Oo naman. Saka taga-rito ako. Kilala ako rito kaya walang gagalaw sa akin. Takot lang nila kay Ken—” Agad na inihinto ang saabihin. “K-kay Ken. I-iyong tatay ko! Malaki kasi katawan ng tatay ko kaya kinatatakutan sa amin.” Pagsisinungaling niya. Tumang-tango si Albert. “By the way, can I get your number?” “Ha?” Napamaang siya. Hindi niya akalain na may interes si Albert na makipag-communicate pa rin sa kaniya. “Okay lang kung hindi mo ibibigay.” “H-hindi. Sige, ibibigay ko...” Inabot ni Albert ang cellphone nito sa kaniya. Siya na ang mismong nag-type ng number niya roon pero ang inilagay niya ay ibang number. Nag-imbento lang siya. Tapos na ang business niya kay Albert. Wala na siyang interes pa rito dahil alam niya na mahihirapan siyang makuhaan ito ng pera. “Thank you!” Nakangiting saad ni Albert nang ibalik niya ang cellphone. “Mag-iingat ka. I’ll call you kapag nakauwi na ako.” “Ah, e... sige. Wait ko tawag mo. Bye, Albert.” “Bye, Rhian!” Sa kaniyang pagbaba sa sasakyan ni Albert ay alam niya na iyon na ang magiging una’t huling beses na magkikita silang dalawa.   “MANONG Vince, ikaw na ang bahala kay Mathilda, ha. Magtext ka sa akin kapag nakauwi na kayo.” Bilin ni Kenzo sa driver matapos niyang ihatid si Mathilda sa sasakyan nito. Ito kasi ang nag-drive papunta sa party at hindi na nito kayang mag-drive. Sa sobrang kalasingan ay nakatulog na ito. “Walang problema, sir. Tinawagan ko na naman iyong isang driver ni Senyora Mathilda para siya ang kumuha ng van.” “Mag-iingat ka sa pagda-drive, Manong Vince!” “Salamat, sir. Ikaw rin, ingat sa pag-uwi!” Hinintay muna niyang makaalis sina Mathilda bago siya bumalik sa loob ng hotel. Hinanap niya sa function room si Rhian ngunit hindi niya ito makita. Kakaunti na ang tao na naroon dahil karamihan ay nag-uwian. Baka sumama na iyon do’n sa matandang lalaki na kausap niya kanina, a! Kinakabahan na turan niya sa sarili. Muli siyang lumabas ng hotel at doon tinawagan si Rhian. Nakapatay ang cellphone nito kaya nag-text na lamang siya. Tinanong niya kung nasaan ito at kung ano na ang nangyari rito. Kung sumama man ito roon sa matandang lalaki ay nakakapagtaka kung bakit hindi nito iyon ipinaalam sa kaniya. Kahit sana text o message sa Messenger ay pwede na. Pero wala, e. Hindi niya tuloy maiwasan ang mag-isip ng kung anu-anong hindi maganda. Hindi pa nito kilala ang lalaking iyon at kahit iyon pa ang pinaka mayamang tao sa Pilipinas ay hindi ibig sabihin na hindi na iyon gagawa ng masama. “Rhian, nasaan ka na ba? Bakit nakapatay pa ang cellphone mo?” Nag-aalalang taong ni Kenzo sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD