Madiskarte, Blossom

1253 Words
Hanggang sa magising ako ay hindi nawala sa aking isipan ang mukha ng binata na siyang nag-advertise ng hotdog. Napangiti ako. Mamaya ay ise-search ko nga sa cellphone ko kung anong pangalan nito. Mukhang familiar din ang binata sa akin. Feeling ko nagkita na kami ng binata. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan. Naghanda na ako ng breakfast namin at pupunta pa ako sa imbakan ng mga isda. Kailangan kong makarami ng benta ngayon upang makaipon ako ng pera para sa anak ko. Hindi na siya bumabata. Gusto kong paglaki niya ay makapag-aral siya sa isang sikat na paaralan. Libre lang naman ang mangarap, kapag pinagsikapan ay makakamtan mo. Nagluto lang naman ako ng pambansang agahan namin, ang hotdog at itlog. Siguradong magrereklamo na naman ang anak ko mamaya nito. Nakahanda na ang agahan nang magising si Blacey. “Mamoy! Magandang buhay!” masigla niyang bati sa akin. Agad ko itong pinuntahan at pinugpog ng halik sa kanyang mukha. “Magandang buhay! Halika na at kumain na tayo. Si Nangnang mo gising na ba?” tanong ko sa anak ko. “Tulog pa po siya, Mamoy. Gusto mo gisingin natin?” pilya niyang ani sa akin. Tumaas-baba naman ang kilay ko at nag-appear kaming dalawa. Manang-mana talaga ang anak ko sa akin eh. Pumunta kami sa kwarto ni Quinn, dala ang isang tabo ng tubig. Mahinang humagikgik si Blacey. Sinenyasan ko naman itong huwag maingay. Nakahilata nga ang kaibigan ko sa kama nito at nakanganga habang tumutulo ang laway. Inilagay ko ang tabo na may lamang tubig sa kandungan ni Quinn. Malamig ang tubig kasi nilagyan namin ng ice. “Quinn! Gising na!” malakas kong sigaw kaya napabalikwas kaagad ito ng bangon. “Ang lamiggg!” sigaw nito nang matapon sa kandungan nito ang isang tabo ng malamig na tubig. Malakas naman kaming natawa ni Blacey. “Kagigising mo lang pero bagong ligo ka na kaagad!” natatawa kong ani rito. Nakasimangot naman itong tumingin sa akin. “Humanda ka sa akin Bes! Matitikman mo ang lupit ng isang api!” pagda-drama nito. “Tama na nga ang drama mo! Kakain na tayo at kailangan ko pang pumunta sa imbakan ng isda!” mataray kong pahayag dito. “Eh! Paano ‘to ngayon! Basang-basa ang kumot ko! Maging ang p***y cat ko ay nanginig na sa sobrang lamig! Okay lang sana kung ibang dilig ang ginawa sa akin!” nakabusangot ang mukha nitong wika. “Yang bibig mo Quinn! May bata! Naku kukusutan talaga kita mamaya!” saway ko rito. “Hmp! Igagaya mo talaga ako sa ‘yo na tigang!” inis pa nitong ani. Kaya ayon nakatikim ito ng kurot sa may singit. Matapos kaming kumain ay naghanda na ako sa pagpunta sa tambakan ng isda. As usual ay nagpaganda ako. Syempre naman, ganda lang ang alas ko no! Baka mamaya may gwapong mayaman ang bumili sa mga isda ko ay baka masungkit ko at ma lab at perst sayt sa akin. Matapos makapamili ng isdang ibebenta ay agad akong nagtungo sa pwesto ko sa palengke. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa pwesto ko ay nakita kong may nakalagay na sign sa pwesto ko. Space for rent? Bakit? Pinapaalis na ba nila ako? Agad akong lumapit sa pwesto ko at may mga taong nagkukumpulan doon. Nakita ko ang baklang walang ka-appeal appeal. “Teka! Bakit space for rent na itong pwesto ko eh nagbabayad naman ako ng maayos?” mataray kong tanong sa leader namin sa palengke. Nakita ko ang pang-ngisi ng baklang bruha. “Nagreklamo kasi si Pedro, nanloloko ka raw ng customer mo. Natatakot kaming madamay sa pinaggagagawa mo,” mahinahong ani ng leader namin. Kinalma ko ang sarili ko. “Marketing strategy po ang ginawa ko! Hindi panloloko! Hoy! Bruhang bakla, hindi mo ba ma-gets ang marketing strategy ha? I-doddle mo kaya nang magkaroon ng laman ‘yang utak mo!” inis kong duro sa bruha! “Pres naman! Kung maka-Pedro kayo sa pangalan ko. Petra po!” huh! Umapela pa talaga! “Huwag mo ng pagandahin pa ang pangalan mo Pedro! Kahit naman mag-iba ‘yang pangalan mo ay hindi mag-ibaba ‘yang hitsura at ugali mong basura! Weyt ders more. Mabuti pa talaga ang basura na-re-recycle, eh ikaw reject na talaga! As in wala ng gamit, useless na!” inis kong sigaw sa pagmumukha ng bruhang Pedro na ‘to! Gigil na gigil na ako sa kanya. “Wala kaming pakialam dyan sa maketing. . . makating trategy. . . murkating stra. . . stat. . . Basta ‘yon na ’yon! May pa-English-English ka pang nalalaman eh! Panloloko pa rin naman ‘yon!” sigaw niya pa. Langya lang talaga. Pati ba naman marketing strategy hindi niya masabi? “Tama na ‘yan! Sige na Blossom, humanap ka na lang ng pwesto mo. Ibibigay naman namin ang mga insurance at ang advance at deposit mo rito sa pwesto mo,” awat ng leader namin. “Pres! Alam mo namang may anak akong binuhay eh! Maawa naman kayo sa akin,” nakikiusap kong ani rito. Malungkot niya akong tiningnan. “Nakapag-desisyon na kasi ang lahat kaya wala na akong magagawa pa,” malungkot nitong sabi. Matalim kong tiningnan ang bruhang si Pedro. Kung hindi sa pangingialam niya ay hindi ako mawawalan ng pwesto. Nagdilim ang paningin ko at bigla ko na lang sinugod ang bruha. Tingnan lang natin kung kaya mo ako. Uubusin ko ang buhok mo sa katawang bruha ka! Tamang-tama at naka-duster lang ito. Akala mo talaga bumagay sa kanya. Sinabunutan ko ito. Agad naman itong gumanti ng sabunot. Naramdaman ko ang sakit sa anit ko. Tiniis ko lang iyon. Agad kong pinunit ang duster ng bruha. Ang walangya naka-T-back lang. Easy access. Agad kong hinila ang buhok sa itaas ng hotdog at itlog niya. Napangisi ako, mas masakit dito. Dahil walang barbas ang bülbol ng bruha ay agad nahawakan ng isang kamay ko ang madamo niyang buhok. Hinila ko ‘yon kaya agad na napatili ang bakla. Duh! Nawala ang concentration nito sa buhok ko, kaya ang free kong kamay ay inabot ang buhok nito sa kili-kili! Huh! Hindi marunong maglinis ng damo nito sa katawan. “Aray! Ang bülbol ko ang sakit!” tili nito. “Uubusin ko ‘tong damo sa katawan mong bruha ka!” inis kong sigaw rito. Panay hablot ko sa buhok niya sa kili-kili at sa bülbol niya. Kung hindi pa kami inawat ng tanod ay nakalbo na ang bruhang bakla. Tiningnan ko pa ang mga kamay ko na puro buhok nito, napangiwi ako. Yucks! Kadiri! Dahil sa inis ko sa dalawang tanod na humawak sa akin ay pinaamoy ko sa kanila ang kamay ko na nakahawak sa buhok sa kili-kili at sa bülbol ng bakla. “Ang baho!” agad nila akong binitawan nang sabay nilang sabihin ‘yon. “Sige lumapit kayo sa akin at ipapakain ko sa inyo ang dumi ng bruhang ‘yan!” banta ko sa dalawa. Agad naman silang nagsilayo sa akin. Halos matawa ako sa hitsura ng bruhang si Pedro. Para lang itong pinagsakluban ng lupa at langit, at para ring pinansakan ng calamansi at samplok ang mukha. Hindi na ito kumibo pa at bigla na lang tumakbo paalis. Dumating naman ang mga suki ko. As usual ay ubos ang isda kong tinda. Ngunit ang masakit ay huling araw ko na rito sa palengke. Ilalako ko na lang ang mga isda sa susunod na mga araw. Isa akong ina na matatag at ako si Blossom ang madiskarteng ina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD