Kinabukasan ay dinumog ako ng maraming customers. Hindi ko alam kung bakit pero pagdating ko pa lang sa pwesto ko ay agad silang nagsilapit sa akin. Litong-lito ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko.
“Anong nangyayari rito?” tanong ko sa isa sa kasamahan ko sa palengke.
“Ewan ko sa mga ‘yan. Kanina ka pa hinihintay at bibili raw ng binebenta mong isda,” kwento pa nito sa akin. Lumaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Naku po! Lagot na!
“Hija! Pabili po ng isda mo! Alam mo bang matapos kumain ang mister ko ng isda ay naging malibog na siya? Kaya bibili ulit ako!” ani sa akin ng matanda na siyang bumili ng isda ko kahapon. Teka! ‘Di ba at limang kilo ang binili niya? Naubos kaagad ‘yon?
“Naku hija! Kung iniisip mo na dahil marami akong binili kahapon, pinakain ko ‘yon sa mga aso ko, kaya ayon naging malibog din. Mabuti at soundproof ‘yong kwarto namin ng asawa ko kaya hindi narinig ng mga kasambahay namin ang malalakas naming ungol,” mahinang saad ng ginang na sinamahan pa ng mahinang hagikhik. Nanlaki tuloy ang mga mata ko sa sinabi nito. Ew! Kadiri! Ako nga na bata pa ay walang jowa at hindi pa nadiligan!
“Blossom! Pabili rin kami ng isda mo!” sigaw ng isang lalaki.
“Ako rin!” sigaw ng isa pa.
“Pabili rin ako!” anang isa pa. Nalito tuloy ako.
“Ako ang nauna sa pila kaya ako ang unang bibili! Pumila nga kayo ng maayos!” sigaw ng ginang sa ibang customers. Agad naman silang nagsipila. Napatampal ako sa noo dahil sa kalukohan kong ginawa kahapon. Dalawampung kilo lang ang meron ako rito.
“Okay manahimik muna kayo. Dahil konti lang ang isda ko ay hati-hati na lang kayo, walang lamangan okay?” paalala ko sa kanila. Agad namang sumang-ayon ang lahat. Limang katao silang pumila kaya binigyan ko sila ng tig-a-apat na kilo ng isda. Nang mawala na ang mga customers ko ay lumapit naman ang impaktang bakla na kontrabida sa buhay ko. Akala mo naman ang ganda-ganda eh ang mukha parang kabayong puro nguso. Hmp! Napaka-selosa pa naman. Tinaasan ko kaagad ito ng kilay.
“Wow! So, hindi ka na lang pala ngayon maingay at manunulot ng customer. Manloloko ka na rin pala ngayon?” mataray at taas ang kilay nitong tanong sa akin. Humalukipkip ako at tinitigan ito ng mariin.
“Hindi ‘yon panloloko. Diskarte ‘yon! At saka hindi naman sila nagreklamo ah! At hindi ako manunulot! Maganda lang talaga ako!” matapang at mataray kong sagot.
“Huh! Panloloko pa rin ‘yon! May isda bang nakakadagdag ng libog? Siguro nilagyan mo ‘yon ng gayuma no? May lahi kang mangkukulam!” pagbibintang niya sa akin. Inis ko itong dinuro.
“Hoy! Baklang hindi naman ganon kagandahan at puro nguso lang pwede bang huwag kang mangbintang? Mas matatawag ka pang mangkukulam kaysa sa akin! Tingnan mo nga ‘yang hitsura mo sa salamin! O baka naman hindi ka nananalamin dahil mismo ikaw takot dyan sa pagmumukha mo!” sigaw ko rito. Akala niya ba uurungan ko siya.
“Hoy babaeng dibdib lang naman ang pinagmamayabang-”
“At least may pinagmamayabang! Eh ikaw? Ano ‘yang dibdib mo? Foam!” malakas kong putol sa sinasabi nito. Galit ang mukha niya akong tiningnan.
“Pwede bang patapusin mo muna ako sa pagsasalita! Kuda ka ng kuda. Kaya ka iniwan ng ama niyan anak mo dahil ang pangit ng ugali mo! Kung pangit man ako sa ‘yong paningin, sarap na sarap naman ang jowa ko sa akin!” nagmamalaki niyang banat. Malakas akong natawa.
“Yong jowa mo bang pinamamalaki ay pinaglihi sa kabute? Pasulpot-sulpot lang kapag kailangan niya na ng pera mo!” banat ko naman.
“Malanding babae na hindi pinagutan!” umigting ang panga ko dahil sa sinabi nito. Personalan na ‘yong kanya.
“Baklang puro nguso na peneperahan ng jowang mukhang unggoy! Bankrupt na nga butas pa ang panty!” inis kong sigaw rito. Hmp! Totoo naman eh! Nakita ko ang panty niyang butas na!
“Bakit pakialaman na ba ng panty ngayon? Uso na ang mga panty na may butas noh! Style ‘yon para easy access!” nakairap nitong depensa.
“Hoy! Hindi ‘yon design! Halatang kinain ‘yon ng daga! At anong easy access ang pinagsasabi mo? Eh, pinipilit mo lang naman ‘yang jowa mo!”
“Ay grabe siya! Ang mukhang ‘to namimilit? Excuse me! Ikaw lang ang hindi nakikita ang ganda ko!”
“Saan banda ‘yang ganda mo? ‘Yang make-up mo nga parang isang clown! Kaya imbes na magandahan sila sa ‘yo ay mas natatakot pa sila dahil dyan sa pagmumukha mo!” inis kong banat sa bakla. Napasigaw ako nang hilahin nito ang buhok ko. Sheyte na! Bakit may hilahang nangyayari? Aba at gusto niya talaga akong kalabanin. Agad ko ring hinila ang buhok ng baklang puro nguso.
Naghilahan kaming dalawa. Malakas siya dahil lalaki pa rin naman. Argh! I need to think kung paano niya ako mabibitiwan. May naisip kaagad ako. Ginamit ko ang kaliwang kamay ko sa buhok nito at ang isang kamay ko ay agad na inabot ang itlog at hotdog nitong lantang-lanta na! Piniga ko ‘yon ng mabuti na agad na ikinatili ng baklang puro nguso.
“Ahhhh! Ang sakit ng itlog at TT ko! Anong ginawa mo?” mangiyak-ngiyak nitong sigaw. Nginisihan ko lang ito. Inamoy ko ang kamay ko at napangiwi agad. Ang baho!
“Ewww! Ang baho naman niyang sa ‘yo! Amoy bulok na isda!” sigaw ko rito habang nakangiwi. Agad akong umalis at hinugasan ng sabon ang kamay ko. Kadiri talaga!
“Humanda ka talaga sa aking puro dibdib ka! Makakaganti rin ako sa ‘yo!” banta ng baklang puro nguso. Hindi ko na ito pinansin pa.
Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nanonood ng television ang anak ko.
“Mamoy! Ang aga niyo naman po!” agad na salubong ng anak ko.
“Syempre naman! Magaling mag-sales talk si Mamoy eh!” mayabang kong saad sa anak ko.
“Mamoy! Papabili sana ako ng hotdog sa ‘yo! May bagong labas na model ng isang sikat na hatdog na Betlog hotdog! Ang gwapo niya Mamoy!” kwento ng anak ko sa akin.
“Hmp! Kaya ka magpapabili ng hotdog dahil sa model?” taas ang kilay na tanong sa aking anak. Napanguso naman ito.
“Eh! Crush ko na po siya eh!” kinikilig nitong saad. What the heck! Hindi ako makapaniwalang tiningnan ang anak ko.
“Mamoy! Nasa television na po ang crush ko!” tili nito at muling nanood sa television. Napatutok din ako sa screen at namangha sa lalaking endorser ng Betlog hotdog. Ang gwapo nga. Titig na titig ako sa mga labi nito habang bumubuka at isinusubo ang Betlog hotdog sa bibig nito. Maging ako ay napanganga na rin. Nang matapos niyang kagatin ang hotdog ay may tumulong parang sauce sa gilid ng kanyang labi na agad nitong pinahid ng kanyang hinlalaki at isinubo kaagad nito ang hinlalaki sa bibig nito. My goodness! Siya na yata ang prince charming na hinahanap ko.
“Mamoy, tumutulo na po ang laway niyo. Hindi na Betlog ang palabas.” Bungisngis na saway ng anak ko sa akin. Agad ko namang pinahiran ang labi ko. Wala namang laway ah! Ay shunga! Naisahan pa ako ng anak ko!
Matalim ko itong tiningnan. Tumawa lang ito ng tumawa. Tumikhim ako at tinanong ang anak ko.
“Anak, gusto mo ba ‘yong nasa commercial ang magiging Papoy mo?” wala sa sarili kong tanong sa anak ko.
“Yes Mamoy! Gusto ko ng ganyan ka gwapong Papoy. Mamoy crush mo na siya ano?” tanong ulit ng anak ko. Wala sa sarili akong tumango rito. Oo, crush ko na ang endorser ng Betlog hotdog.