Chapter Seven

2698 Words
“THANK YOU, CRAYON! Thank you, thank you, thank you!” naiiyak na pasasalamat ni Antenna sa kanyang pinsan.     Nalaman kasi niya na bukod sa nasukahan niya ito kagabi ay ito pa ang naglinis sa mga kalat niya. Ito rin ang nagbihis sa kanya. Kaninang umaga naman, dinalhan siya nito ng aspirin at pinagluto pa ng sopas. Ngayon naman, dinalhan pa siya nito ng lunch sa Art Room.     “Hindi mo kailangang magpasalamat, Antenna. Ginagawa ko 'to dahil kapatid kita. Pati si Mama, nag-aalala na sa’yo,” sabi nito habang nilalagay sa bag ang Tupperware at mga pinagkainan nila. Talaga ngang higit na sa pinsan ang turing nito sa kanya. “Mabuti nga at marami kang nakain.”     Napayuko siya. “Crayon, pasensiya na talaga kayo ni Tita sa nangyari kagabi.”     “Alam mo, Antenna...” Hinawakan nito ang kamay niya. “Kung kailangan mo ng tulong, 'wag kang mahihiya sa’min. Pamilya ka na namin kaya kahit kelan, hindi ka naman ituturing na abala.”     Nag-angat siya ng tingin dito. Na-touch siya sa mga sinabi nito. Totoo kasing sinisikap niyang huwag maging problema dahil ayaw niyang makaabala sa mga ito. Para kasi sa kanya, sobra-sobra na nang kupkupin siya ng mga ito. “I’m sorry.”     Ngumiti ito. “Tama na nga ang drama. Anyway, ano bang problema mo at naglasing ka kagabi?”     She smiled sadly. “Na-realize ko kasi kung gaano ako naging ka-selfish para ipagpilitan ang nararamdaman ko sa isang lalaking alam kong hindi naman ako mahal.”     “Oh. I knew it has something to do with Shark. Anyway, Antenna, gusto ko lang malaman mo na wala kang kailangang gawin para mahalin ka ng ibang tao. Because if he’s going to love you, he will. Hindi mo dapat ipagpilitan ang sarili mo. You deserve something better than that. Nasasaktan akong nakikita kang nagkakaganya,” malungkot na wika nito.     “Ano ka ba, Crayon? 'Wag kang mag-alala, nakapag-isip na ko. 'Wag ka nang malungkot, hmm?”     Bumuntong-hininga ito. “Sige na, sige na. Tapos na ang vacant period ko, babalik na ko sa klase namin,” anito habang nagpapasak ng earphones sa mga tainga nito.     Hinatid niya ito hanggang labas ng Art Room. Nagulat pa siya nang pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Riley na padaan. May nakapasak na earphones sa mga tainga nito at nakapamulsa habang naglalakad. Pero huminto ito at tumitig kay Crayon.     Inalis ni Riley ang earphones sa tainga nito. “Hi,” bati nito sa pinsan niya.     Pero dahil may earphones na sa tainga nito si Crayon, hindi nito marahil narinig ang binata. Ni hindi nga nito ito tinapunan ng tingin. Dire-diretso lang nitong nilagpasan ang lalaki.     Riley was obvioulsy hurt as he followed Crayon with his gaze.     Natawa lang siya. “Ahm, Riley... Nakita mo ba si Shark?”     “He’s in the clubroom. Pero bilisan mo dahil in thirty minutes, his next class will start.”     Tinapik niya ito sa balikat. “Thanks.”     Habang naglalakad papunta sa clubroom ng HELLO ay pinag-iisipan niya ng husto ang mga sasabihin niya kay Shark.     Siguro, unang-una ay hihinga siya ng tawad dito dahil sa pagiging isip-bata at makasarili niya. Hindi naman sa isusuko na niya ang pag-ibig niya rito. Bibigyan niya lang ito ng space para makapag-isip ito dahil ayaw naman niyang isipin na napipilitan lang ito sa kanya.     Pagkatapos, si Miss Serenity naman ang hihingan niya ng tawad. Mali nga naman na pinanghimasukan niya ang pribado nitong buhay at inakusahan ng kung anu-ano. Masyado lang siguro siyang napangunahan ng selos. Maaaring mali ang mga hinala niya.     Parehong mahalaga sina Miss Serenity at Shark sa kanya kaya ayaw niyang masaktan ang mga ito dahil sa pagiging makasarili niya.     Natigil lang siya sa pag-iisip nang makita niyang bahagyang nakaawang ang pinto ng clubroom. Humawak siya sa doorknob at dahan-dahang niluwagan ang pagkakabukas ng pinto upang mas makita niya ang naaaninag niyang pigura ng dalawang tao.     Na sana ay hindi niya ginawa. Naramdaman niya ang pagyeyelo ng buo niyang katawan sa kanyang nasaksihan.     Nakatingkayad si Miss Serenity at nakahawak sa mga balikat ni Shark. Nakatalikod sa kanya ang babae kaya hindi niya nakikita kung ano ang eksaktong nangyayari. Pero sa porma ng mga ito, halata namang naghahalikan ang mga ito.     Na-frostbite yata ang puso niya sa sobrang panlalamig na naramdaman niya. At pagtapos magyelo niyon, nabitawan niya at nabasag sa milyong piraso.     Napahikbi siya na dahilan para maputol ang paghahalikan ng dalawa. Mabilis na naghiwalay ang mga ito at sabay na napalingon sa kanya. Iisa lang ang makikita sa mukha ng mga ito – pagkagulat.     “Sana nagla-lock kayo ng pinto kapag gagawa kayo ng kalokohan,” aniya, sabay lunok sa nakabara sa lalamunan niya. “Ah, my bad. Nakakaistorbo lang yata ako, eh,” sarkastikong wika niya. Patalikod pa lang siya nang maramdaman niya ang pagpigil ni Shark sa kanyang braso.     “Antenna, don’t go. This is not what you think it is,” tila natatarantang pakiusap ni Shark.     “Antenna, I can explain,” segunda naman ni Miss Serenity.     Bumuga siya ng hangin. “Alam mo, Shark. Kung sinabi mo agad na si Miss Serenity pa rin ang mahal mo, hihinto naman ako, eh. Hindi mo sana ako pinaasa. Pakakawalan naman kita, eh.” She gave Miss Serenity an accusing look. “Tinanong kita kung mahal mo si Shark. Ang sabi mo, hindi. Kaya ano 'tong nakita ko ngayon? Halik para hindi ka magsisi na bago ka magpakasal, naparamdam mo kay Shark na mahal mo siya?”     Mukhang maraming sasabihin si Miss Serenity pero sa huli ay nagdesisyon itong manahimik na lang.     “Ang galing mo rin 'no?” nang-iinsultong patutsada niya rito dala ng labis na sama ng loob.     “Antenna,” mariing saway ni Shark sa kanya. “'Wag mong insultuhin si Serenity.”     “Serenity?” Natawa siya ng pagak, sabay bawi ng braso niya. “Close nga kayo.” Tinalikuran na niya ang mga ito. Paalis na sana siya nang maalala niya ang dahilan kung bakit siya naroon. “Shark, I’m sorry. Hindi ko dapat pinilit ang sarili ko sa’yo. Ako ang unang nagmahal sa’yo, kaya wala ka dapat kasalanan kung bakit nasasaktan ako ng ganito ngayon. Pero itong ginawa niyo, nakakaloko na, eh. I trusted you. Especially you, Miss Serenity. Nakonsensiya pa man din ako dahil sa mga inakusa ko sa’yo, but I was right all along.” She turned to them with one last accusing look before she walked away.     Himbis na sa classroom ay sa parking lot siya dumiretso. Sumakay agad siya sa kanyang chevy truck. Yumukyok siya sa manibela at doon umiyak ng umiyak. Pakiramdam niya, hindi siya makahinga sa sobrang sama ng loob. She was too hurt to fully comprehend what happened. Ang alam lang niya, masakit ang nakita niyang eksena sa pagitan nina Shark at Miss Serenity.     May narinig siyang malakas na katok sa bintana ng sasakyan niya. Nakita niya si Shark. He was telling her to open the door. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at binuhay niya ang makina ng kanyang truck at pinaharurot iyon.     Napasinghap siya nang bigla na lang may magarang kotse na sumulpot sa harapan niya. Huli na para ma-realize niya na magpapark sana iyon sa katabi niyang parking space. Bumunggo ang truck niya do’n at sa lakas ng impact dahil hindi siya naka-seatbelt, naramdaman niya ang tila paghagis ng kanyang katawan hanggang sa maumpog ng malakas ang ulo niya sa manibela.     She felt that agonizing pain in her head before everything went blank. PADABOG na binuksan ni Shark ang pinto ng clubroom. Basta na lamang niyang hinagis ang backpack niya. Dire-diretso siyang humarap sa pader at sinuntok iyon sa labis na sama ng loob. Naramdaman niya ang pagkabali ng mga buto sa kanyang daliri. Masakit ang pisikal na pinsalang natamo niya subalit mas masakit ang iniinda ng kanyang puso.     Dalawang linggo na niyang hindi nakikita si Antenna. Pagtapos nitong maaksidente, tatlong araw itong na-confine sa ospital pero ni minsan ay hindi siya pinahintulutan ni Crayon at ng ina nitong si Tita Catelia na makita ang kanyang nobya. Araw-araw siyang bumibisita pero hanggang sa labas lang siya ng bahay ng mga ito.     He was so worried about her he thought he was going to die anytime. Alam niyang nasaktan niya si Antenna pero kalabisan na ang pagtatagong ginagawa nito sa kanya. Ni hindi niya alam kung ano nang lagay nito dahil ayaw siyang kausapin ng mga taong malapit dito.     Kahit si Riley na kaibigan niya at kaklase ni Antenna ay ayaw magsalita. His friends didn’t want to help him. Tinitiis siya ng mga ito dahil alam ng mga ito kung gaano kalaking kagaguhan ang nagawa niya kay Antenna. They wanted him to learn his lesson.     And I’m learning my f*****g lesson the hard way.     Pasalampak siyang umupo sa couch. Inihilamos niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. His cell phone rang. “Yes, Serenity?” First-name basis sila nito kapag silang dalawa lang ang nag-uusap o kaya ay kapag nasa labas sila ng unibersidad. They were childhood friends before she became a university professor anyway.     “Shark, nagkausap na ba kayo ni Antenna? Kumusta siya?” nag-aalalang tanong nito.     “I don’t know,” frustrated na sagot niya. “Nobody even cares if I die from so much worrying about her!”     “I’m sorry, Shark. This is all my fault.”     Bumuntong-hininga siya. “Nangyari na ang nangyari, Serenity. Don’t be too hard on yourself.”     Mariing pumikit siya. He remembered what had happened between him and Serenity the day Antenna had caught them in a very compromising situation.     Nagulat siya nang bigla na lang dumating si Serenity sa clubroom ng HELLO habang naghahanda na siya sa pagpasok niya sa kanyang susunod na klase. “Ano’ng ginagawa mo rito?”     Ngumiti ito ng tipid at inabot sa kanya ang puting sobre na may eleganteng disenyo. “Dumaan lang ako para bigyan ka ng wedding invitation ko.”     Habang hawak niya ang imbitasyon ay kinapa niya ang kanyang damdamin. Dapat ay naroon ang sakit na gumuguhit sa puso niya noon kapag naiisip niya ang nalalapit na kasal ni Serenity. Pero ngayon, ni katiting na kirot ay wala siyang maramdaman.     He didn’t expect he could move on this fast, all thanks to Antenna. Ito na kasi ang nag-iisang umookupa sa puso niya. Nang gabing hiniling nito na halikan niya, handa na siyang gawin 'yon subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. She was drunk and he wanted her to hear his confession once she was sombre. At pangalawa, gusto niya munang tapusin ang pagkakatali niya sa nakaraan.     Nag-angat siya ng tingin kay Serenity. “Serenity, you’ve always been there since I was little. You were my everything then. Magaan ang loob ko sa’yo dahil ikaw ang parating nasa tabi ko sa nakalipas na mga taon. Minahal kita at inakala kong ikaw lang ang mamahalin ko. But I realized I was wrong. Dahil nang may dumating na espesyal na babae sa buhay ko, naramdaman ko nang malaki ang babaguhin niya sa puso ko.”     Ngumiti si Serenity pero napansin niyang malungkot iyon. “Alam ko, Shark. Alam ko. Ano sa tingin mo ang dahilan ko kung bakit tinanggihan ko ang pag-ibig mo nang magtapat ka sa’kin noon?”     “Dahil hindi mo ko mahal.”     Umiling ito. “Dahil alam kong hindi magkapantay ang pagmamahal natin. You must think you’re the one who has unrequited love, when in reality, it was me. No’ng una pa lang, alam kong 'yong pagmamahal mo para sa’kin, hindi pangmatagalan. Siguro inakala mo lang 'yon dahil hindi mo pa nakikilala ang tamang babae para sa’yo.” Pumatak ang mga luha nito. “At tama ako 'di ba? Nang dumating si Antenna, madali mo siyang minahal. Because your heart has never been fully mine from the very beginning. I’ve always known everything would turn out this way once you meet the right girl for you.”     Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin o maramdaman. Mahal siya ni Serenity. Pero walang umusbong na pagnanais sa kanyang puso upang tugunin ang pag-ibig nito.     “Alam kong walang patutunguhan ang pagmamahal ko sa’yo, Shark. I can’t even believe I’ve fallen for a boy eight-year younger than I am. Kaya nga pumayag ako sa arranged marriage na inayos ng mga magulang ko para sa’kin dahil gusto kitang kalimutan.” Hinawakan siya nito sa kanyang magkabilang-balikat at unti-unting tumingkayad. “Goodbye, Shark...”     When her lips touched his, he didn’t feel anything. Kung meron man, 'yon ay labis na takot na masaktan niya si Antenna dahil sa halik na 'yon. Unti-unti siyang lumalayo kay Serenity.     “I’m sorry, Serenity,” bulong niya nang magkahiwalay na ang mga labi nila.     “Sana nagla-lock kayo ng pinto kapag gagawa kayo ng kalokohan.”     Mariin siyang pumikit at pinatong ang kanyang braso sa kanyang mga mata. “I’m sorry, Antenna. I didn’t mean to hurt you...” NAPAUNGOL si Shark nang maramdaman ang marahang pagtapik sa kanyang pisngi. When he opened his eyes, si Riley ang sumalubong sa kanya. Nakaupo ito sa armrest ng sofa na hinihigan niya.     “What?!” angil niya rito.     Nanatiling bagot ang ekspresyon sa mukha nito. “Isang linggo nang balik-eskwela si Antenna pagkatapos niyang maaksidente. Pinakiusapan lang ako ng pinsan niyang si Crayon na manahimik kaya hindi ko agad sinabi sa’yo.”     Napabalikwas siya ng bangon. “Traitor!”     “Sorry. I just don’t have the heart to say no to Crayon. At isa pa, alam kong hindi pa handa si Antenna. You’ve had hurt her badly, Shark. I just didn’t want you to be hated by her. Baka hindi ka na niya mapatawad kung pipilitin mo agad siyang makausap,” paliwanag nito.     Kumalma siya kahit paano. Alam niyang tama si Riley dahil sa labis na kagustuhan niyang makapagpaliwanag, baka mapuwersa pa niya si Antenna na makinig sa kanya kahit hindi pa ito handa. “I’m sorry, Riley.”     “She’s in the Art Room now. Kung pupuntahan mo siya, baka maabutan mo pa siya.”     Tinapik niya ito sa balikat sa pagtayo niya. “Thanks, Riley.”     “Shark, kalma ka lang kapag nakausap mo na siya.”     Tumango lang siya kahit hindi niya lubusang naiintindihan kung anong ibig nitong sabihin. Tumakbo siya papunta sana sa building ng College of Fine Arts pero sa parking lot pa lang ay nakita na niya si Antenna.    Lumukso ang puso niya dahil pagkalipas ng dalawang linggo ay ngayon niya lang uli ito nakita. Pero bumulusok pabagsak ang pagkasabik na 'yon nang makita niya itong masayang nakikipagtawanan sa Lazer na 'yon.     Unti-unting bumagal ang takbo niya habang hinahabol ang kanyang hininga.     I was worried half to death and here she is, happily talking to her ex boyfriend?!     Iwinaksi niya muna ang pagseselos niya. Wala siyang karapatang magdamdam sa laki ng kasalanan niya kay Antenna.     “Antenna,” kalmadong wika niya kahit na ang totoo ay kating-kati na siyang hilahin ito palayo kay Lazer. Sabay na lumingon sa kanya ang dalawa pero nasa dalaga lang ang tingin niya. “Kumusta ka na?”     Walang emosyon sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Tila ba pilit din siya nitong kinikilala. Sa huli ay nilingon nito si Lazer. “Sino siya? Kilala ko ba siya?”     Natural lang na magulat at magtaka siya sa tanong nito. Niloloko ba siya nito? “Antenna, don’t act as if you don’t know me. Please,” pagmamakaawa niya rito. “Alam kong may problema tayo. Pero maaayos pa natin 'to –” Natigilan siya nang hawakan nito ang kamay ni Lazer at nagtago ito sa likuran nito. “Antenna?”     Bumuga ng hangin si Lazer. “Shark, please. Hindi pa ito ang tamang oras para mag-usap kayo.”     Kumunot ang noo niya. “What the hell are you saying? And why do you act so close to her? Oo nga’t may problema pa kami, but she’s still my girlfriend.”     “Girlfriend?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Antenna. “But Lazer is my boyfriend. And for the nth time, hindi kita kilala.”     Natigilan siya. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero hindi niya 'yon gusto. Masama na rin ang kutob niya.     “Lazer, Antenna, you can go. Ako na ang kakausap kay Shark.”     Sabay-sabay silang napalingon sa dumating – si Crayon. Tumango sina Lazer at Antenna bago siya nilagpasan. Wala na siyang nagawa kundi ihatid ng tingin ang mga ito hanggang sa makaalis ang kotseng sinakyan ng mga ito.     “Crayon, what’s going on?” naguguluhang tanong niya. “Bakit umaarte si Antenna na hindi niya ko kilala?”     “Because she doesn’t,” kaswal na sagot nito. Napatahimik tuloy siya. “Nakita mo naman, 'di ba? Wala siyang head injury na nakapagbura ng ala-ala mo sa kanya. The doctor said it’s psychological amnesia. Ayaw kang alalahanin ng isip niya kaya ikaw lang ang hindi niya kilala. She just met you, and her brain closed up to her memories from one year ago. Kaya ang alam niya, si Lazer pa rin ang boyfriend niya.”     Naikuyom niya ang kanyang mga kamay. “I can’t accept that.”     “Well, wala ka nang magagawa. Hindi mo siya puwedeng piliting maalala ka. Makakasama raw 'yon, sabi ng doktor. And please. Alam nating lahat kung bakit siya naaksidente. Sinaktan mo siya, Shark. The least thing you can do now is help her recover smoothly by staying away from her,” anito sa malamig na tinig saka siya tinalikuran.     Mariing napapikit siya. Antenna had forgotten everything about him, yet, in her mind, Lazer was her boyfriend? What kind of sick joke was that?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD