NASA COASTER van si Antenna kasama si Miss Valentina – ang art professor at trainor niya – si Dean Lopez at ang university president ng Empire na si Mister Emperador. Ito ang mga kasama niya sa tatlong araw na pananatili niya sa Baguio para i-represent ang kanilang unibersidad.
Kakatapos lang ng closing ceremony ng Arts Circle Annual Competition at ngayon ay pabalik na sila sa Empire. Siya ang nag-champion sa nasabing patimpalak pero hindi pa iyon nagsi-sink in sa kanya. Hapon na no’n kaya hindi na siya nag-e-expect na marami pang estudyante sa unibersidad. Pero sigurado siyang naroon si Crayon para sunduin siya. Tinetext at tinatawagan niya si Shark kanina pa pero naka-off ang phone nito.
Hmp! Baka nambabae na naman 'yon habang wala ako! Humanda sa’kin ang pating na 'yon!
“We’re here,” anunsiyo ni Professor Velentina.
Nagpaalam na agad siya sa mga ito pagkababa niya sa van. Pero nagulat siya nang makita ang kumpulan ng mga estudyante sa tapat ng main building ng Empire University. Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya sa kung anong nangyayari ay biglang sumulpot ang kanyang pinsan.
“Hello, Antenna. I-check mo ang f*******: account mo,” udyok sa kanya ni Crayon. Hindi niya alam kung masaya ito o ano. Monotone kasi ang boses nito pero nangingislap ang mga mata.
Again, she used Empire’s free wi-fi to open her f*******: account on her phone. Ang unang sumalubong sa kanyang news feed ay ang status update ni Shark dahil naka-tag siya sa post nito.
“I MISS YOU, Antenna Louise Gomez! If this status gets one hundred likes, and if more than one hundred people gather in front of Empire’s main building to congratulate my baby for winning Arts Circle Annual Competition, I’m gonna sing for free!”
His status update got more than five thousand likes! At sigurado siyang halos lahat ng estudyante ay nasa harap ng main building ng Empire ng mga sandaling iyon!
Does it mean... kakanta siya?
Nasagot ang tanong niya nang may marinig siyang tunog na tila mula sa drums. Naglakad siya papunta sa pinanggagalingan ng tunog at habang paabante siya ay nahahawi ang mga tao sa paligid. Habang naglalakad din siya ay nakangiting kino-congratulate siya ng mga kaeskwela niya. Tipid na ngiti lang ang sinasagot niya sa mga ito dahil kinakabahan siya. Hindi niya alam kung bakit.
Hanggang sa marinig niya ang boses ni Shark na kumakanta.
“All I here is raindrops. Fallin’ on the rooftop. Oh, baby tell me why’d you have to go? Cause this pain I feel, it won’t go away. And today I’m officially missing you.”
Nang tuluyan nang mahawi sa dalawa ang mga tao upang makadaan niya, saka niya nakita ang improvised stage na ginawa sa tapat ng main building. At naroon si Shark. Nakaupo ito sa cajon na tinatambol ng mga kamay nito habang nakatapat dito ang nakatayong mikropono.
Kasabay nang pagsisimula nitong kumanta ay ang pagkawala sa pagkakarolyo ng tarpaulin na nakasabit sa ikatlong palapag ng main building ng Empire. Nakasulat sa tarpaulin na iyon ang mga salitang:
Congratulations, Beautiful Antenna Louise Gomez! I Miss You So Much!
-From Handsome Shark Anthony Sylvestre With Love
Natawa siya sa kasulat do’n. Pero ang puso niya, tunaw na tunaw na sa pinaghalong kilig at tuwa. Nang magbaba uli siya ng tingin kay Shark, natigilan siya sa nakitang emosyon sa mga mata nito. He was looking at her while singing. And love was evident in his eyes.
Naitakip na lang niya ang kamay niya sa kanyang bibig. Hindi maipagkakailang pagmamahal ang nasa mga mata nito. Posible kayang nagkaroon na siya ng puwang sa puso nito? Umasa ang puso niya. Tagos sa kanyang puso ang pag-awit nito dahil alam niyang siya lang ang nakikita nito nang mga sandaling iyon gaya ng ito lang din ang nakikita niya.
Shark’s voice was husky, making the song sound like a romantic rock song. Napansin din niyang binago nito ang ilang lyrics.
“I thought that from this longing I could escape. But I fronted long enough to know. There ain’t no way. And today I’m officially missing you. Oh can’t nobody do it like you. Said every little thing you do. Hey, baby, say it stays on my mind. And I... I’m officially...
"All I do is lay around. 'Got laughed by my friends. From acting like a fool, I know I looked like a fool. Just a few days ago you were by my side. Now I don’t even know if I’m sane. I’ve missed you so much. Well I wish that you would kiss me right now. So that I could get through my longing somehow. But I guess it’s safe to say, baby safe to say, that I’m officially missing you...”
Huminto na sa pagtambol sa cajon nito si Shark at tumayo na bitbit ang mikropono. Naglakad ito palapit sa kanya nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Congratulations, Antenna. I’m so proud of you,” nakangiting wika ni Shark nang nasa harap na niya ito. “May malaki akong kasalanan sa’yo. Nang tanungin mo ko kung mami-miss kita, ang sabi ko hindi ko alam. Nagkamali ako. Dahil no’ng tatlong araw na nawala ka, na hindi ko nakita ang maganda mong ngiti o narinig man lang ang tawa mo, para akong battery na naubusan ng enerhiya. I can’t do anything. Ikaw lang ang naiisip ko. I miss you. You don’t have any idea how much I did.”
Ngumiti siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. “Huu. Kung hindi ka pa yata nakakuha ng one hundred likes sa status mo, hindi mo 'to gagawin,” biro niya.
Kumunot ang noo nito. “Ano ka ba? Siyempre gagawin ko pa rin 'to kahit walang nag-like sa status ko. In-invite ko lang ang mga kaeskwela nila para maipagmalaki ko sa lahat kung gaano ako ka-proud sa’yo.”
Napahikbi siya. She appreciated his effort. Pagkatapos mawala ng kanyang mga magulang, ngayon lang uli niya naramdaman ang ganitong klase ng pagpapahalaga. Pinapahalagahan siya nina Crayon at Tita Catelia. Iba nga lang ngayon dahil hindi naman miyembro ng pamilya niya ang binata. “Thank you, Shark. Thank you.”
Ngumiti at kinulong ang mukha niya sa mga kamay nito. “You’re very much welcome, Antenna. Though hindi mo na kailangan magpasalamat dahil ginagawa ko 'to para mapasaya ka. Hindi dahil pinapasaya mo rin ako kundi dahil gusto kong nakikita kang nakangiti.” Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya at alam na niya ang gagawin nito kaya binalaan niya ito.
“Shark, nakalimutan mo na ba 'yong nasa kontrata natin? Kapag hinalikan mo ko sa pangalawang pagkakataon, ipapakilala mo na ko sa parents mo bilang girlfriend mo,” banta niya rito.
He chuckled. “I know, Antenna. I know. I can’t wait to hear my parents say I’ve chosen a very wonderful girl to be a part of my life.”
She cried in happiness again as she accepted his second kiss. Kung hinayaan na siya nitong maging bahagi ng pamilya nito bilang nobya nito, marahil nga ay malaki na rin ang bahaging inookupa niya sa buhay at puso nito.
Kailangan na lang siyang siguraduhin ang lugar niya.
“MASAYA akong magkita uli tayo, Antenna. I’m really proud of you dahil ikaw ang naging champion sa Artists Circle Annual Competition. Pero ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”
Maingat na binaba ni Antenna ang tasa niya ng kape sa mesa bago nag-angat ng tingin kay Miss Serenity. Nakangiti ito subalit nakikita niya sa mga mata nito ang pinaghalong kaba at pagtataka. Pareho silang artist kaya alam niyang pareho silang marunong bumasa ng iniisip ng ibang tao.
At alam niyang alam nito na hindi siya masaya sa pagkikita nilang iyon.
Siya ang nag-imbita rito sa coffee shop na 'yon dahil gusto niyang linawin dito ang bagay na ilang araw na rin bumabagabag sa kanya.
“Miss Serenity, kilala mo ko, 'di ba? Tell me, what do I do when I focus my attention on the thing I want badly?” seryosong tanong niya subalit siniguro niyang may paggalang pa rin sa boses niya dahil nakatatanda pa rin sa kanya ang kausap niya.
“You do everything and you don’t stop until you get it. Ikaw 'yong tipo ng tao na kaunti lang ang gusto sa buhay. Pero kapag may nagustuhan ka naman, siguradong karapat-dapat ang bagay na 'yon sa atensyon at oras mo.” Ngumiti ito. “I’ve always admired that part of you.”
Ngumiti rin siya. Sa kabila ng kinokontrol niyang negatibong damdamin para kay Miss Serenity ay hindi pa rin niya maiwasang matuwa sa sinabi nito. Pinatunayan nitong hindi lang estudyanteng magaling magpinta ang tingin nito sa kanya dahil kilalang-kilala siya nito bilang isang indibidwal.
Naging malungkot ang ngiti niya habang binibitawan ang mga sumusunod. “These past two months, I’ve focused my attention on this boy I fell in love with. Alam mo naman siguro kung sino 'yon, 'di ba? Miss Serenity?”
Napansin niyang naging alerto ito at napahigpit ang pagkakahawak sa tasa ng kape nito. “It’s Shark, right? Your boyfriend.”
Marahang tumango siya. Hindi na niya itinago ang sakit na nararamdaman niya rito. “Totoo ngang boyfriend ko siya pero hindi pa niya ko mahal.”
Kumunot ang noo nito. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Tumingin siya ng diretso sa mga mata nito. “Ikaw 'yon, 'di ba? You are Shark’s first love.”
Halatang nagulat si Miss Serenity kaya marahil hindi agad ito nakapagsalita.
Nalaman niyang ito ang unang pag-ibig ni Shark dahil sa sketchbook nito. Panay gumamela kasi ang nakaguhit do’n. Naalala niyang sinabi ng binata na ang babaeng mahal nito, mahilig sa gumamela.
Pero ang pinakamabigat na patunay na natagpuan niya ay nasa huling pahina ng sketchbook. Guhit iyon ng isang binatilyong naka-side view sa larawan. May hawak itong gumamela. In the sketch, the boy was looking at the flower with sad, longing eyes despite the smile on his lips.
Minsan na niyang nakita ang ekspresyong iyon kay Shark. Mas bata lang ito ng ilang taon sa drawing pero sigurado siyang si Shark iyon.
Hindi ba’t no’ng minsang dinalaw niya si Shark sa bahay nito nang may sakit ito ay naabutan niya si Miss Serenity do’n? At may gumamela siyang nakita sa kuwarto ng binata no’n. No’n pa lang ay dapat naisip na niyang higit pa sa pagiging magkababata ang relasyon ng dalawa.
“Ano bang sinasabi mo, Antenna?” hindi makapaniwalang tanong ni Miss Serenity. “Parang nakababatang kapatid lang ang tingin ko kay Shark. Ang laki ng agwat ng edad ko sa inyo!”
“But that didn’t stop him from loving you. Pagmamahal na higit pa sa nakatatandang kapatid.”
Napagtagpi-tagpi na niya ang mga nangyari. Nang araw na sabihin sa kanya ni Miss Serenity na ikakasal na ito ay ang araw ding nakita niya si Shark na umiyak sa House Party sa bahay ni Ate Ellie. Nang araw na dumating si Shark sa House Party niya na lasing ay ang araw na magbitiw si Miss Serenity sa unibersidad para sumama sa fiance nito sa Paris para makilala ang future in-laws nito.
Ang lahat ng kalungkutan at pagkabigo ni Shark ay konektado sa nangyayari sa buhay ni Miss Serenity bilang babaeng malapit nang ikasal.
Nararamdaman na naman niya ang pamilyar na kirot na dumudurog sa kanyang puso. Masakit isipin na ang taong naging malapit na sa kanya ay ang babaeng karibal din pala niya sa puso ng lalaking mahal niya.
Pero hindi pa ro’n natatapos ang sanhi ng nararamdaman niyang sakit.
“Ikakasal na ko, Antenna. Alam mo 'yan. Alam niya 'yan,” giit ni Miss Serenity.
“Pero hindi mo mahal ang fiance mo, Miss Serenity. Nakita ko sa mga mata mo ang kalungkutan sa tuwing napag-uusapan natin ang nalalapit mong kasal. I’m an artist. I can feel your emotions.” Nilunok niya ang nakabara sa lalamunan niya. “Si Shark... mahal mo ba siya?”
Marahas na bumuga ito ng hangin at umiling-iling. “Masyado ka nang nanghihimasok sa pribado kong buhay, Antenna.”
“Hindi mo sinagot ang tanong ko, Miss Serenity.”
Mariing pumikit ito. “Masyado na kong matanda para kay Shark. Mas nababagay sa kanya ang tulad mo. Mas malapit sa edad niya, mas matatanggap ng mga tao.”
Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. “Mahal mo nga siya.”
“No.”
Nanikip ang dibdib niya. Miss Serenity loved Shark. Pinigilan lang marahil nito ang nararamdaman nito dahil sa agwat ng edad nito sa binata.
But they loved each other.
“Kung mahal mo rin naman pala si Shark, bakit magpapakasal ka sa iba?” tanong niya habang pinupunasan ang mga luha niya. Pakiramdam niya, libo-libong tinik ang nakabaon sa puso niya.
She opened her eyes and looked straight into her eyes. “Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Antenna. Masyado ka pang bata para maintindihan ang lahat. And what do you even know about love? Hindi ba’t ang pagluha lang ang basehan mo para masabing nagmamahal ang isang lalaki? You will never understand what Shark and I are going through.” Tumayo na ito. “It’s nice seeing you again, Antenna. Goodbye.” And she walked away.
Daig pa niya ang sinampal ng kaliwa’t kanan. That was painful. Dalawang masakit na katotohanan ang na-realize niya ng araw na 'yon.
Una, masyadong malalim ang ugnayan nina Miss Serenity at Shark. Pangalawa, masyado pala siyang naging makasarili para ipagpilitan ang nararamdaman niya sa isang lalaking dumadanas ng pagkabigo.
“Antenna?”
Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita. “Lazer.”
TINUNGGA ni Antenna ang ikatlong canned beer niya. Kasalukuyan silang nasa isang bakanteng lote ni Lazer sa subdivision na pareho nilang tinitirhan. Nasa cargo space sila ng pick-up niya. Nang nagkita sila sa coffee shop kanina, nalaman niyang na-flat-an pala ito ng gulong ng kotse nito. Nag-alok siyang ihatid na ito pero nang may nadaanan siyang convenience store, bigla niya naisipang bumili ng canned beers. She felt bad and she just wanted to drink.
“Antenna, anong problema?” kunot-noong tanong ni Lazer. “Ngayon ko lang nalaman na umiinom ka pala.”
Humagikgik siya. Mukhang gumagapang na sa sistema niya ang alak. “Ngayon lang naman kasi ako uminom. And what’s wrong with it? I’m already twenty years old. May driving license ako, voting id at credit cards!”
Umiling-iling ito. “You must be drunk now. Wala ka nang sense kausap.”
Mapait na ngumiti siya. “And I’m also insensitive, Lazer.” Humikbi siya. “Pero mali siya sa isang sinabi niya. When I met Shark, nagbago na ang pananaw ko. Nagbago na ko.”
Tumingila siya sa papadilim ng kalangitan upang pigilan ang pagpatak ng mga luha niya. Tinuon niya ang pangin niya sa isang bituin na nakasilip.
“Tinuro sa’kin ni Shark na hindi luha ang basehan ng pagmamahal ng isang lalaki sa isang babae kundi ang ngiti nito at ang kislap sa mga mata nito. Because whenever he smiles at me, whenever he looks at me with shining eyes, I can feel his love. Siguro nga hindi pa niya ko lubusang mahal, pero sa ngiting 'yon, sa kislap na 'yon, pinaparamdam niya sa’king malapit na...”
Tuluyan na siyang napaiyak. Rumehistro sa isip niya ang nakangiting mukha ni Shark at tila naririnig niya ang malutong at buhay na buhay na tawa nito kapag magkasama sila. Mas gusto niya ang Shark na 'yon kaysa sa Shark na umiiyak. She just wanted him to stay happy.
Pero ang maliit na pag-asang umusbong sa puso niya, natatabunan na ngayon ng takot at pangamba. Ano na ang magiging lugar niya sa buhay ni Shark kapag nalaman nitong mahal din naman pala ito ni Miss Serenity?
“Hush, Antenna.” Naramdaman niya ang marahang pagtapik-tapik ni Lazer sa kanyang likod. “Hindi ako sanay na makita kang umiiyak.”
Nilingon niya ito at tinitigan sa mga mata. “Lazer, gano’n ba ko kahirap mahalin?”
Tila natigilan ito. Hindi niya alam kung anong nangyari rito pero dumako ang tingin nito sa mga labi niya. Nahimasmasan siya. She suddenly realized she was leaning against his chest and their faces were close.
“Baka nakakaistorbo ako sa inyo?”
Mabilis na humiwalay si Lazer sa kanya. Tuluyan nang nawala ang pagkalasing niya nang makita ang tila galit na Shark.
Pinunasan niya ang mga luha niya. “Paano mo nalamang nandito ako, Shark?”
“Antenna, tinawagan ko siya kanina dahil alam kong siya lang ang makakatulong sa’yo,” sagot ni Lazer, sabay tayo. “I’m going ahead. Walking distance naman na ang bahay namin dito. I think you two need to talk.” Nagpaalam na ito sa kanila.
Nakapamaywang na tumayo si Shark sa harap niya. Tiningala niya ito. Hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo nito. “Anong pumasok sa isip mo para maglasing ka? At talagang ex boyfriend mo pa ang sinama mo.”
“Paano mo nalamang ex boyfriend ko si Lazer?”
“Hinuli lang kita.” Bumuga ito ng hangin. Akala niya magagalit ito kaya nagulat siya nang umamo bigla ang mukha nito. He bent down to her eye level. “Ano’ng problema, Antenna? You can talk to me, you know.”
Medyo nadismaya sa iginawi nito. “Hindi ka ba magagalit dahil kasama ko si Lazer? Hindi ka ba nagseselos?”
Natawa ito ng marahan pero napansin niyang wala iyong buhay. “I’m mad, Antenna. I’m actually very jealous. But you look like a mess. Mas gusto kitang alalahanin kaysa intindihin ang selos ko. Dahil mas mahalaga ka kaysa sa nararamdaman ko.”
Ayan na naman ang matatamis nitong salita na nagtatanim ng munting pag-asa sa puso niya. “Playboy.”
He just smiled. “C’mon, baby. Ihahatid na kita sa bahay niyo. Lumalamig na.”
Pinalupot niya ang mga braso niya sa leeg nito. “I can’t move,” paliwanag niya nang bumakas ang pagtataka sa mukha nito.
Ngumiti ito at sa pagkakataong 'yon ay totoo na. “My princess acting spoiled is very cute,” wika nito saka siya pinangko.
Siya na ang nagbukas ng pinto ng passenger’s side ng kotse nito upang maiupo siya nito sa passenger’s seat. Pagkatapos ay mabilis itong umikot at pumuwesto naman sa likod ng manibela. Ito na rin ang nagkabit ng seatbelt niya.
“Pinag-alala ba kita, Shark?” Parang batang tanong niya rito.
“Oo. Pero saka na natin pag-usapan 'yan, kapag nahimasmasan ka na.”
“I love you.”
Natigilan ito sa ginagawa nito at napatitig sa kanya. Lumamlam ang mga mata nito sa pagngiti nito. “I know and I thank you for that.”
“Then, can you kiss me?”
He smiled and slowly leaned down to kiss her. Umusbong naman ang pag-asa sa puso niya sa kanyang pagpikit. Pero nadismaya at nasaktan siya nang maramdaman ang mga labi nito sa kanyang noo.
“Good night, Antenna,” masuyong wika pa nito.
Hindi siya kumibo at nagpanggap na lang na tulog. Bahagya niyang ikiniling ang ulo niya sa bintana upang hindi nito makita ang pagpatak ng mga luha niya. Iniwasan nitong gawin ang nakasaad sa “kontrata” nila.
“Third kiss on the lips – you’ll say you love me.”