Chapter Five

2404 Words
SINUNOD ni Antenna si Shark at lumabas nga siya ng Art Room. Naabutan niya sa tapat ng College of Fine Arts building ang nobyo niya. Nakatalikod ito sa kanya pero kilala niya ang bulto nito kaya alam niyang ito 'yon.     Hmm. Broad shoulders and strong-looking back.     “Shark,” tawag niya rito.     Humarap ito sa kanya pero may tinatago ito sa likuran nito. “Hi, Antenna.”     Natigilan siya. He was wearing dark-rimmed glasses and it looked good on him. Anak ng pating, ang sarap nitong luhuran dahil sa kaguwapuhan nito!     “Antenna?” untag nito sa kanya.     Tumikhim siya. “Ahm, bakit mo ba ko pinalabas?”     “Ikot tayo sa buong Empire,” paglalambing nito na parang isang bata.     “Ha?”     Nakangiting nilabas nito ang tinatago nito. Isa iyong puting bondpaper na may nakasulat na: “She’s my girlfriend” at may nakaguhit pang arrow sa ilalim ng mga salitang iyon.     Kumunot ang noo niya. “Ano’ng gagawin mo d’yan?”     Nakangising dinikit nito sa katawan nito ang papel na iyon at naglakad palapit sa kanya. Nang tumabi ito sa kanan niya, saka niya napagtantong sa kanya nakaturo ang pana na nakaguhit sa papel. Nakuha na niya ang gusto nitong mangyari.     “Shark, paparada tayo na nakadikit 'yan sa’yo para malaman ng lahat na tayo na?” natatawang tanong niya.     “Proud ako sa girlfriend ko, eh,” nakangiting wika nito saka siya pabirong siniko.     “Proud ka nga sa girlfriend mo, hindi mo naman mahal,” biro niya.     “Papunta na ko ro’n, Antenna.”     Napasinghap siya. Nilingon niya ito. “Shark...”     Ngumiti ito nang lingunin din siya. “Sasabihin ko agad sa’yo 'pag mahal na kita. Ayoko rin namang patagalin ang hintayan natin. Gusto ko kapag sinabi ko na sa’yo ang mga salitang 'yon, sigurado na kong hindi kita masasaktan. Because the last thing I want to do in my life is to hurt and lose you.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Let’s go?”     Napangiti siya nang maramdaman ang mainit na kamay nito sa kanyang kamay. Natunaw din yata ng init na hatid ng palad nito ang puso niya. He entwined their fingers and she almost broke into tears. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Siya man ang naghabol o hindi, ang mahalaga sa kanya, ngayon ay hawak na niya ang lalaking mahal niya. And they were both happy.     Bigla na lang natawa ng marahan si Shark habang naglalakad sila.     Nilingon niya ito. “Bakit ka natatawa?”     Umiling ito at inangat ang magkahawak nilang kamay. “Ikaw ang unang babaeng naka-holding hands ko. I kinda feel...”     “Embarrassed?”     “Happy, stupid,” natatawang pagtatama nito sa kanya.     Napangiti siya. “Masaya rin ako, Shark.”     Naramdaman niyang mas hinigpitan nito ang hawak sa kanyang kamay. Nagustuhan niya iyon dahil pakiramdam niya, natatakot itong mawala siya. She felt so happy, contented and calm.     Pinagtitinginan sila ng lahat ng nakakasalubong nila. Napapatingin pa ang mga ito sa magkahawak nilang kamay ni Shark. Ang iba, napapangiti. May ilang nagugulat at nagtataka. Siyempre, meron ding mga sumisimangot at umiirap – lalo na ang mga babae.     She felt so special. Hindi niya alam kung saan galing ang satisfaction na ngayon ay pinapaalam na ni Shark ang estado nila sa lahat ng tao sa Empire. Marahil ay ayaw na nitong mapagsabihan muli siyang naghahabol. Do’n pa lang, tunaw na tunaw na ang puso niya.     “Antenna, let’s take a picture together,” suhesyon bigla ni Shark.     “Bakit?”     “Basta.”     Huminto ito sa paglalakad dahilan para huminto rin siya. Dinukot nito ang cell phone nito mula sa bulsa nito, pagkatapos ay tinuklop nito ang mga tuhod nito para maging magkapantay sila. Dinikit nito ang pisngi sa kanyang pisngi at tinaas ang phone nitong may camera. Hindi nito binibitawan ang kanyang kamay.     “Smile,” udyok pa nito sa kanya.     Nagpauto naman siya rito kaya ngumiti siya. But it was mostly because she was really happy.     Tumayo na ito ng diretso at hinila siya muli para maglakad habang kinukutinting ang phone nito. “Antenna, wi-fi area dito sa park ng Empire, 'di ba?”     “Oo, bakit?”     “Buksan mo 'yong f*******: account mo. Dali.”     “Bakit?”     “Basta.”     Dinukot niya ang phone niya at katulad ng sinabi nito, binuksan niya ang f*******: account niya. Kumabog ng mabilis ang kanyang puso nang makitang may pulang notification iyon. And when she clicked the red noti, she once again broke into happy tears.     “You’re such a crybaby, Antenna,” natatawang komento ni Shark sa masuyong boses. His eyes also grew gentle. Binitawan nito ang kamay niya at inakbayan siya. He pulled her closer to him. “Hush, baby.”     Natawa na lang din siya at dahil hindi niya mapigil ang emosyon niya, patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya.    “Antenna Louise Gomez is in a relationship with Shark Anthony Sylvestre now.” “CRAYON ANNE Pacia and 1,678 other people like your status.”     Natawa si Antenna nang makita iyon sa kanyang f*******: account na chine-check niya gamit ang phone niya dahil wi-fi area ang park ng unibersidad nila. Ang status na 'yon ay ang pagiging in a relationship nila ni Shark. Dahil sa ginawa nito na “pagparada” nila, maraming na-sweet-an sa kanila and they suddenly became the hottest couple of Empire University.     Riley Mac Domingo and 2, 070 other people like your photo.     Ang photo naman na 'yon ay ang picture nila ni Shark na magkasama. Now, their relationship had been made public, the bullying had stopped. Mukhang kahit paano ay tanggap na ng fans nito ang relasyon nila.     Napabuntong-hininga na lang siya at napasandal sa puno. Kasalukuyan siyang nasa maliit na pabilog na field malapit sa park. May nakalatag na blanket sa kinauupuan niya at sa tabi niya ay isang picnic basket. Hinihintay na lang niya si Shark do’n dahil hindi pa tapos ang klase nito.      Sasamantalahin niya ang nalalabing araw bago siya magtungo sa Baguio para sa Artists Circle Annual Competition. Bukas na kasi ang alis niya para lumahok sa pagtutunggalian ng mga art students mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.     Three consecutive years nang champion si Riley sa nasabing patimpalak kaya hindi na ito maaaring lumahok uli. Siya na ngayon ang napiling representative ng Empire University ng kanilang dean at university president bilang siya ang kasunod ni Riley sa rank.     Tatlong araw gaganapin ang contest. Sa una at ikalawang araw ay ang on-the-spot art making ng mga kalahok, at sa ikatlong araw ay ang announcing of winners and awarding at closing ceremony.     Malulungkot siya dahil mami-miss niya si Shark. Pero importante sa kanya ang Artists Circle Annual Competition. It was the most prestigious contest for young aspiring artists like her so she wouldn’t let this opportunity pass. This was a stepping-stone for her dream to become a world-renowned artist.     Kinakabahan siya dahil malaking contest iyon kaya hiningi niya ang payo ni Miss Serenity kanina. Masayang-masaya ito para sa kanya at proud daw ito sa kanya dahil guro niya ito. Nagbigay ito ng mga instruction sa kanya kaya naman kahit paano ay nabawasan ang tensyon niya.     Speak of Miss Serenity...     Nakita niya sa loob ng bag niya ang sketchbook ni Miss Serenity nang buksan niya iyon para isilid ang phone niya. Nilabas niya ang sketchbook saka binuklat sa pag-aakalang may makukuha siyang technique at inspirasyon do’n na magagamit niya sa contest na lalahukan niya.     She didn’t get inspiration but heartache instead. Sa bawat paglipat niya ng pahina ay isang patalim ang tumuturok sa kanyang puso. Sa bawat paglipat niya ng pahina ay tila isang sampal ang gumigising sa kanya dahil isang masakit na katotohanan ang unti-unting nalantad sa harap niya.     Especially when she saw the last page.     “Hello, Antenna!”     Mabilis na sinara niya ang sketchbook at isinilid muli iyon sa kanyang bag nang marinig niya ang boses ni Shark. Tumingala siya rito. “Hi, Shark,” nakangiting bati niya rito.     Umupo ito sa tabi niya at tinitigan siya. Bigla itong naging seryoso. “Okay ka lang?”     Pilit siyang ngumiti at tumango. “Oo. Okay lang ako.”     “You’re lying.” Pinisil nito ang baba niya para mapuwersa siyang mag-angat ng tingin dito. “Seriously, what’s wrong, Antenna?”     Natunaw ang puso niya sa pag-aalalang pinakita nito. Gano’n pa man, hindi niya puwedeng sabihin dito ang totoong dahilan ng unti-unting pagkadurog ng puso niya ng mga sandaling iyon. “Nalulungkot lang ako kasi bukas na ang alis ko para sa Artists Circle. Tatlong araw tayong hindi magkikita. Mami-miss kita.” Well, that was true.     Natawa ito ng marahan. “Akala ko naman kung ano nang problema mo. Tatlong araw lang 'yon. Ano’ng ginagawa ng phone, f*******: at Twitter?”     Eksaheradong sumimangot siya. “Hindi ako papayagan ng professor ko na mag-internet o magtext hangga’t hindi pa natatapos ang competition. Ayaw niya kasing ma-distract ako.” Inihilig niya ang ulo niya sa balikat nito. Gusto kasi niyang itago rito ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. “Mami-miss kita, Shark. Mami-miss mo ba ko?”     “Hindi ko alam. I’ll be busy for the next three days because of our scheduled House Parties,” tapat na sagot nito.     Hindi na siya nagkomento pa. Ke biro 'yon o hindi, sa kaibuturan ng puso niya ay alam na niya ngayong napakalalim pa ng kailangan niyang hukayin sa puso ni Shark para magkaroon siya ro’n ng kahit maliit na puwang.     And she realized she had a very little chance against the woman who held Shark’s heart. What could a little girl do against a woman after all? SHARK turned around for the nth time. Napabuga na lang siya ng hangin nang wala pa rin siyang nakita ni anino ni Antenna. Para kasing naramdaman niya ito kaya nadismaya siya nang wala siyang nakita sa likod niya.     He checked his phone. Wala rin itong tawag o text man lang. Dahil Wi-fi naman sa mansiyon ng mga Domingo, binuksan na rin niya ang f*******: at Twitter niya pero wala rin itong iniwang mensahe. No’n naman ay hindi ito pumapalya ng pagbati sa kanya ng “goodmorning” o kung anu-ano pa. An annoying feeling kept nagging him. Tatlong araw na siya nitong hindi kino-contact. Hindi naman niya kasi akalaing seryoso ito nang sabihin nitong hindi ito magtetext o mag-i-internet hangga’t hindi pa tapos ang competition.     Lumukso yata ang puso niya nang tumunog ang cell phone niya. Pero nadismaya siya nang makitang hindi naman si Antenna ang tumatawag. It was Jana, a former fling. “Hello, Jana. I’m busy at the moment. Yes, I don’t want to see you again. I’m hanging up. I’m waiting for an important call. Thank you. Bye,” dire-diretsong wika niya bago niya pinutol ang linya.     “Bakit hindi mo siya tawagan?” naghihikab na tanong ni Riley.     Nilingon niya ito. Kasalukuyan itong nakahiga sa itim na mahabang couch. “Ano?”     “Nag-aalala ka kay Antenna, 'di ba?”     “Of course not,” tanggi niya dahil nagulat siya sa tanong nito. Pero sumuko rin siya. “Pa’no mo nalaman?”     “Simple lang. Hindi mo naman tatanggihan ang mga babae mo kung hindi ka nag-aalala kay Antenna.”     Natahimik siya. He had been in the company of a lot of girls before, pero ngayon lang uli siya nakaramdam ng ganitong pag-aalala. Akala niya noon, wala na siyang kapasidad na magpahalaga sa ibang babae. Antenna proved him wrong.     Before he knew it, she had already won a big portion of his heart. Masyado siyang nasanay sa presensiya nito kaya aaminin niyang na-take advantage niya 'yon. Kampante siyang parati itong nasa tabi niya kaya hindi niya hinahadali ang pagtukoy sa kung ano ba ang tunay niyang nararamdaman para rito. Hindi niya binabalewala ang pagmamahal nito sa kanya. In fact, he had been taking things slow because he didn’t want to hurt her feelings.     Matagal na panahon niyang inalagaan sa kanyang puso ang isang espesyal na babae kaya kung mamahalin niya si Antenna, gusto niyang makasigurong wala na itong kahati sa puso niya. She deserved that for patiently loving him.     Hindi niya alam kung anong meron siya para mahalin siya nito ng gano’n katapat. Bukod sa kaguwapuhan, talino, yaman, talento, at kayabangan, alam niyang wala na siyang maipagmamalaki pa. He was a jerk, especially when it came to girls. Alam niyang marami na siyang nasaktan na babae at noon, wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mga ito.     Pero nang unang beses pa lang na makita niya si Antenna sa House Party, alam niyang unti-unti nang may nagbago sa loob niya. She had the most honest eyes, the brightest smile and the biggest heart that he had known in his entire life. Para sa kanya, napaka-inosente nito at napakabait. Natatakot siyang lumapit dito dahil no’ng una pa lang, alam niyang hindi ito ang tipo ng babaeng niloloko at sinasaktan. She was a girl worth loving.     And when she didn’t leave him even though he pushed her away, he realized he was no match against her. Naramdaman niyang gusto niya ito sa tabi niya hindi lang dahil napapasaya siya nito. Gusto niyang makasama ito dahil gusto lang niya. Her presence meant everything to him now.     Ngayon lang niya na-realize kung gaano ka-importante ang dalaga. He missed her. So much. Like hell. Damn!     “Bread, pakiayos naman 'yong antenna...”     May iba pang sinabi si Connor pero isang salita lang ang pumasok sa isip niya. Lumingon-lingon siya sa paligid. “Antenna? Nasa’n si Antenna?” natatarantang tanong niya.     Napansin niyang sabay-sabay na napatingin sa kanya sina Connor at Bread na nakasalampak sa carpeted floor habang kumakain ng popcorn at si Riley na nag-a la Cleopatra na sa paghiga. They were all giving him strange looks.     “What?” angil niya sa mga ito.     “Have you gone nuts, Shark?” natatawang tanong ni Connor. “Nandito ka sa bahay namin, paano mo naisip na nandito si Antenna?”     “But I heard you say her name,” depensa niya.     Tumawa ng malakas si Connor at namula pa ang mukha kaya si Bread ang sumagot para rito.     “He was talking about the television antenna, Shark,” walang emosyong sagot ni Bread.     He let out a furstrated sigh. “Linawin niyo kasi sa susunod!”     “Ano’ng lilinawin namin? Eh sa magkapangalan sila,” iritadong balik naman ni Connor.     Hindi niya pinakinggan ang reklamo nito at sa halip ay humiga lang siya sa sette habang yaka-yakap ang throw pillow. All he could picture in his mind was one pretty girl. “My Antenna... call her ‘Shark’s Antenna’.”     “Yuck, dude. You’re acting like a lovesick puppy,” naiiling na wika ni Connor. “I didn’t think missing a girl would turn you into a mush.”     “I don’t miss her,” kaila niya. “By the way, Connor, my sister Dolphin said she misses you,” ganti niya rito. Stalker kasi nito ang nakababata niyang kapatid. A very annoying stalker.     “Shut up!”     Bago pa niya maasar uli si Connor ay tumunog ang cell phone ni Riley. Nagtatakang nilingon niya ito. Hindi naman kasi ito mahilig makipag-interact sa iba kaya nagulat siya nang sinagot nito agad ang tawag.     “Hmm? Really? Congrats. See you,” tila tinatamad na wika ni Riley bago pinutol ang linya. Dumako ang inaantok na mga mata nito sa kanya. “Professor namin ni Antenna 'yon. She said our university won the Artists Circle Annual Competition. Pabalik na rin daw sila.”     Bigla siyang napabalikwas ng bangon. Tila nabuhayan siya ng loob. “Una na ko sa inyo, ha?” Sa kakamadali niya sa pagtakbo ay nagkandabuhol ang mga paa niya at bumagsak siya sa sahig. Una pa ang mukha niya. “Aray!”     “Hindi raw na-miss,” sabay-sabay na kondena sa kanya ng mga kaibigan niya kesa tulungan siya.     “Mga wala kayong silbi!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD