Chapter 2

1618 Words
Hindi ko mawari ang malakas na kabog sa dibdib ko habang lulan ng sasakyang sumundo sa akin sa airport. I am freaking nervous inside but I remained stoic and cold outside. I didn't even sleep at all during the long flight. Good thing I am wearing my expensive sungglasses. Walang makakapansin sa eyebags ko. Ipinikit ko ang aking mata at piping hiniling na sana hindi totoong andito na ako sa Pilipinas. Na sana panaginip lamang ito, isang bangungot marahil. Pero ang init na tumatagos sa tinted na salaming bintana na tumatama sa aking balat ay sapat ng pruweba upang matigil ako sa aking ilusyon. Pasado alas kwatro na ng hapon pero matindi pa rin sikat ng papalubog na araw. I am not dreaming. I am really here. I am having a cold feet. I don't know what to expect now that I am back. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako biglang pinabalik ng magulang ko. I thought they want me out of their life for good. Bakit naman kaya nila ako kailangan sa firm ngayon? As far as I can remember, our family's firm is one of the best in the country. It should be. Mula sa dugo't pawis ng pamilya ko ang pagbuo sa firm. They even neglected me because of it. Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko? I missed those bitches. Kung mayroon man akong kinasasabikan ngayong nakabalik na ako, 'yon ay ang makita silang muli. I wonder how they are all doing now? Natigil ako sa pagmumuni-muni ng huminto ang sasakyan. Sumilip ako sa labas ng bintana. The facade of our huge elegant looking mansion greeted me. It doesn't even change a bit for the past twelve years. Kapareho pa rin ito ng hitsura naiwan sa alaala ko. I anticipated to see my parents standing on the hallway, waiting for me, as I stride towards the spacious living room. Pero nabigo lamang ako. Tanging mga unipormadong kasambahay lamang ang nakita ko. I felt a sting of pain in my chest. What do you expect, Adrianna? Your mother's open arms and your father's joyful face, welcoming you for a tight embrace? Tsk! Hindi ka nga nila nagawang bisitahin kahit isang beses sa London. Tapos ngayon iniisip mo pang sasalubungin ka nila? Nakaramdam ako ng awa para sa sarili. I took of my sunnies and simply wiped the corners of my eyes. Dapat sanay na ako. Pero masakit pa rin pala talagang makaramdam ng pambabalewala mula sa sarili kong mga magulang. Baka nasa trabaho pa ang mga ito. Its weekdays so that is possible. I took a deep breath before I continued on my steps. Dumiretso ako sa aking silid sa ikalawang palapag. It still has the same interior before I left. I twitched my lips. Kahit man lang ito kwarto ko ay sana pinaghandaan nila. Mas pinaparamdam lang nila kung gaano ako kawalang halaga sa buhay nila. I am busy roaming my room when a maid knocked on my door. " Ma'am Adrianna, pinapatawag po kayo ng magulang 'nyo." Nangunot ang aking noo. Nandito sila? Nilapitan ko ang maid at humalukipkip sa harap nito. "Where are they?"I asked coldly with one raised brow. "N-nasa study room po sila," bahagya pa itong nautal sa pagsagot. Agad kong pinuntahan ang silid. I braced myself first before I went inside. And there they are! My very lovable and protective parents. I scoffed. That statement sounded sarcastic in my head. My dad is sitting behind his wide mahogany table while my mom is sitting on a nearby sofa, sipping on her tea. They were both looking at me. Kung meron mang nagbago ngayong nakabalik na ako ay sila 'yon. They both look much older now. Aged. But still look more elegant and good looking than before. I suddenly wanted to run and give them a hug. "You were expected to arrive two days ago. What took you so long?" pero napatda ako sa naging pagbati ni Mommy sa akin. " Come on, Mom! ganyan ba talaga ang pagbati mo sa muli nating pagkikita?" I scoffed, trying to shove my bitterness away. " I came from London, not just from another city. Besides, I have a profession and work to take care of first before heading to the airport-" Tumayo si Daddy kaya napahinto akong magsalita. "Well, I do hope you settled them for good. Dahil hindi ka na babalik pa sa London," anito habang isinasaayos ang ilang dokumento sa ibabaw ng mesa nito. Nagtatanong ang matang tumitig ako kay Daddy. "What do you mean, Dad?" Huminto ito sa ginagawa. "Your staying here for good. Our firm is having a hard rocking time right now. And we need you to help." I nodded. "Okay, on what field do you want me to help?" May hinanakit ako sa magulang ko. Pero kung kailangan nila ang tulong ko sa firm ay gagawin ko. They are still my family. And family should always extend a helping hand to each other, no matter what. Tinitigan ako ni Daddy. I almost shivered with his kind of stare. " We don't need you in the firm. We want you to do something for the firm." Naguguluhan ako sa nais ipakahulugan ni Daddy. He doesn't want me helping in the firm. He wants me to do something that could help the firm. " And that is?" diretsa kong tanong. I came from a fifteen hour straight flight. Have not yet eaten or taken a nap. Kaya wala akong panahon para isipin pa kung saan patungo ang usapang ito. " I need you to marry a Senator who is the son of the President." Natigalgal ako sa narinig. Then slowly, anger started to arose within me. Kasunod ay malakas akong tumawa. I laughed wholeheartedly. Kahit na ang totoo ay gusto kong sumabog tulad ng isang bulkan. After all these years, nothing has really changed. Tulad pa rin ng dati ang turing sa akin ng magulang ko. Isang sunod-sunuran. Pero hindi na ako ang Adrianna na inaakala nila. They can't manipulate me now. I won't let them. I stop laughing and murderously glared at them. " No." maigsing tugon ko sabay talikod. "Adrianna, comeback here! Hindi ka pa namin tapos kausapin, Huwag kang bastos!" si Mommy. Pero walang pakialam na nagtuloy-tuloy ako palabas. "Keys," malamig na wika sa may edad ng driver paglabas ko ng mansiyon. Abala ito sa pagpupunas ng sasakyan at halatang nagulat paglapit ko. Atubiling iniabot naman nito sa akin ang hinihingi ko. Agad kong pinaharurot ang kotse. Pero agad ding inihinto ng masigurong malayo na ako sa aming mansyon. 'Tsaka ko lamang pinawalan ang pinipigil na inis. Malakas na nahampas ko ang manibela. Nanginginig ang aking mga kamay sa labis na pagpipigil ng emosyon sa dibdib ko. Ngayon, malinaw na sa isip ko kung bakit ako pinabalik nila Mommy. They want me to save they're asses! Pero hindi ako papayag! I'm done on being a submissive daughter. Hindi na ako papayag na pakialaman pa nila ang buhay ko. I don't want to be ungrateful and disrespectful. But I can't let them take over my life anymore. I needed a release of my tensions. Kung nasa London lang sana ako, madali ang maglabas ng tensyon sa katawan. But I'm not. I drove again until I spotted a high end club. Iinom na lang ako. Tiningnan ko muna ang repleksyon sa rearview mirror. My face still looks fresh after all the things I went through today. Perks of having a Brazillian blood mix with a Filipino, I guess. With this genes, beauty is effortless. I decided to come down and went inside. It's still early to hang up on a place like this. Pero may mangilan-ngilan nang tao sa loob ng club. Dahan-dahan akong naglakad habang palinga-linga. This place has a cozy ambience. They even have a live band on a not so escalated stage. Dumiretso ako sa bar at naupo sa high stool chair. I ordered for my favorite cocktail and drink it straight. Umorder ulit ako ng isa na nasundan ng isa pa. Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakakadami na pala ako. Pero sanay na sa alak ang sistema ng katawan ko kaya hindi pa ako nakakaramdam ng kalasingan. Muling naglapag ang bartender ng basong may lamang alak sa harap ko. Tutunggain ko na sana ang laman ng matigilan ako. Napukaw ang akin attensiyon ng pagtambol ng drums. My gaze darted towards the middle of the club. The band is going to play a song. Wanting to get entertain, I shifted on my seat and put one elbow on top of the bar counter while my hand is under my chin. A sexy, soulful baritone voice fill the air. Maganda ang boses ng lalaking bokalista. Pero hindi sa kanya napako ang tingin ko. Kung di sa drummer na tumutugtog sa gilid nito. He looks so appealingly handsome even from afar. Ang buhok nitong mukhang mahaba ay nakatali. Ang namumutok nitong braso na litaw sa suot nitong muscle tee at ang nakakaakit nitong mata na nakatitig din sa akin. Kahit sa malayong distansiya ay nag-uumapaw ang kagwapuhan nito. Damn! He was staring back at me, too. I shoud back down and stop staring at him but I couldn't. Nakakabato-balani ang mapungay nitong mata. This is the first time that I ever stared intently at a man. Bigla ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ramdam ko ang paggapang ng estrangherong emosyon sa kaibuturan ko. It sends shiver tomy spine that hotness quickly travelled within me down to my core. I licked my lower lip before biting it. Wait! Is that my sensuality being awakened? At ang matiim na pagtitig ng estrangherong lalaking iyon ang nagdudulot nito sa akin. What is happening to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD