THALIA POV Habang naglalakad ako papasok sa grocery store, ramdam ko ang lamig ng aircon na agad bumungad sa akin. Medyo napangiti ako dahil sariwa ang hangin, malayo sa bigat ng atmospera kanina sa bahay kung saan puro pag-aalala ni Caspian ang iniisip ko. Kinuha ko ang maliit na push cart at nagsimulang maglista sa isip ko ng mga bibilhin—gatas, prutas, ilang gulay, at mga gamit sa kusina. Habang naglalakad ako sa hanay ng mga prutas, biglang may boses akong narinig mula sa likuran. Pamilyar. Isa sa mga ayaw ko sanang muling makita. “Thalia?” Napalingon ako, at halos mapasinghap ako nang makita ko si Marites isang dating kakilala noong kolehiyo. Isa siya sa mga taong mahilig manlait noon, at mukhang hindi pa rin nagbago ang kanyang ugali. Nakataas ang kilay niya, mula ulo hanggang p

