THALIA POV Pagkauwi ko, agad kong napansin ang isang magarang kotse na nakaparada sa tapat ng bahay. Napatigil ako saglit at napakunot ang noo. Sino kaya ‘to? May bisita si Caspian? Medyo kinabahan ako, pero binalewala ko na lang. Dinala ko ang ilan sa mga kaya kong grocery bags at ang iba ay iniabot ko sa butler ni Caspian na nakatayo sa labas. Tahimik siyang yumuko at agad kinuha ang mga dala ko. Pagpasok ko ng bahay, agad kong narinig ang mga boses mula sa sala. Hindi pamilyar sa akin ang isa, kaya dahan-dahan akong naglakad papunta roon. Pinili kong sumilip muna kaysa diretsong lumapit. At doon ko nakita si Caspian. Nakaupo siya sa sofa, may kausap na isang lalaking mukhang mayaman din maayos ang postura, branded ang suot, halatang sanay sa mundo ng negosyo. Sa tono ng boses nila,

