THALIA POV Kinagabihan matapos ang kasal namin ni Caspian, sa wakas ay nakarating din ako sa bago niyang bahay. O mas tamang sabihin bago naming bahay. Ang lahat ng gamit ko, mula sa damit hanggang sa mga personal na gamit, ay hindi ko na mismo hinakot. Si Caspian na ang nag-utos sa butler niya na kunin ang mga iyon mula sa bahay nina Dad. Para bang gusto niya ring iparamdam na simula ngayong gabi, wala na akong uuwian kundi dito, sa tabi niya. Tahimik ang buong paligid nang pumasok ako. Maluwang at moderno ang disenyo ng bahay, pero hindi ko maiwasang maramdaman na kahit gaano kaganda ang lugar, para bang mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Dalawa lang pala ang kwarto rito. Ang isa, sabi ng butler, ay nakalock daw at pinagbawal na galawin ng mga magulang ni Caspian. Hindi ko na alam kung

