THALIA POV Pagmulat ko ng mga mata, dama ko agad ang bigat ng hangin sa paligid. Parang ang mismong oras ay mabagal na gumagalaw, at bawat t***k ng puso ko ay may kasamang kaba. Ito na ba talaga? tanong ko sa sarili habang nakatitig sa kisame. Araw na ng kasal namin ni Caspian. Simple lang ang lahat private wedding daw, ayon kay Dad. Walang engrandeng dekorasyon, walang maraming bisita, walang magagarbong programa. Ang makakasaksi lamang ay si Dad, ang mga magulang ni Caspian, at ang matalik nitong kaibigan na si Troy. Sa isip ko, mas mabuti na rin iyon. Mas konti ang makakakita kung paano ako parang ikinadena sa sitwasyong ayaw ko naman talaga. Habang inaayos ako ng isang hired na make-up artist, tahimik lang ako. Tinititigan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin isang babaeng naka-

