THALIA POV Kinabukasan, maaga akong nagising. Tahimik pa ang buong paligid, ang tanging maririnig lang ay ang banayad na hampas ng hangin sa mga kurtina. Pagmulat ng mga mata ko, agad kong napansin si Caspian na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko. Ang mukha niya ay tila payapa, walang bakas ng inis o pagkasungit na madalas kong nakikita sa tuwing gising siya. Sandali ko siyang pinagmasdan, at sa loob-loob ko ay napatanong bakit parang kapag tulog siya, mas nagiging totoo siya? Mas totoo kaysa sa mga salita niya kapag gising siya. Dahan-dahan akong bumangon, nag-inat ng kaunti, at dumiretso sa banyo para maghilamos at mag-ayos. Habang nagmumumog, napatingin ako sa salamin at napa-iling. “Ngayon na may asawa na siya, hindi pwedeng palagi na lang aasa sa mga magulang niya. Nakakahiya n

