THALIA POV Habang nakaupo ako sa kabilang upuan, pinagmamasdan ko ang kilos ni Caspian. Halata ang pagkabagot niya habang nakikipag-usap sa kanyang tito, na sa totoo lang ay halatang may galit o tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan nila parang anumang oras ay puputok ang isang argumento. Bigla na lang tumunog ang doorbell. Nagpasya akong ako na ang bumukas ng pinto para makaiwas sa tensyon na iyon. Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang lalaking nasa early 30s, matangkad, may maamong mukha, at nakangiti. “Hi, I’m Doctor Ken Berano. Private doctor ni Caspian,” magiliw niyang pakilala. Medyo natigilan ako, pero agad din akong ngumiti at tumabi para bigyan siya ng daan. “Ako nga po pala si Thalia… asawa ni Caspian,” n

