CHAPTER 3

1393 Words
THALIA POV Hindi ko na namalayan kung ilang minuto na ba akong nakatitig sa kanya. Para kasing may kung anong hatak ang presensya niya matikas ang tindig kahit nakaupo sa wheel chair, matalim ang titig na para bang kayang basahin ang buong kaluluwa ko. Hindi siya yung tipong basta mo lang titingnan at lalampasan. Pero sa isip ko, hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sinasabi ni Ate Maris tungkol sa kanya. Sabi ni ate, matandang lumpo daw si Caspian. May sakit, mahina, at malapit nang bawian ng buhay. Pero ngayong kaharap ko siya, ibang-iba. Oo, totoo, nasa wheel chair siya, pero sa bawat galaw niya at bawat salita, ramdam ko ang awtoridad at lakas ng loob. Para bang siya pa ang kayang magpabagsak sa lahat ng tao sa paligid. “Stop staring at me. Baka matunaw ako,” malamig pero awtoridad niyang sabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napatikhim ako at napaiwas ng tingin, habang ramdam ko ang init sa pisngi ko. Napahiya ako. Masungit pala talaga ang lalaking ito, bulong ng isip ko. No wonder wala pang babaeng gustong magpakasal sa kanya, kahit gwapo at mayaman siya. Napaka-ilap ng ugali. Walang lambing. Hindi ko alam kung paano siya nakikitungo sa ibang tao pero sigurado akong hindi madaling mahalin ang isang katulad niya. “The wedding will take place two days from now.” Napakabilis niyang sinabi iyon, walang pasakalye, walang patumpik-tumpik. Napaubo ako nang malakas, muntik pang mabilaukan sa sariling laway. Dalawang araw?! Ang bilis naman. Atat ba siya? Tigang? O baka desperado lang talaga? “And I want a private wedding,” dagdag pa niya, habang nakatitig sa akin na parang wala na akong magagawa pa. “Kung sino lang ang nandito ngayon, sila lang ang imbitado.” Agad akong napalingon kay Dad. Alam ko na kung anong susunod sigurado akong hindi siya papayag. “Ah, Mr. Caspian,” maingat na sabi ni Dad, “hindi naman ata puwedeng private wedding lang. Dapat may mga saksi, may mga bisita. Hindi ba?” Nanigas ang panga ni Caspian. “My decision is final, Mr. Florenz. Kung hindi kayo sang-ayon, puwede na kayong umalis. Hahanap na lang ako ng iba.” Halos malaglag ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o mapapanganga. Wala siyang pakialam kung ma-offend si Dad. “Ano kasi…” nagpilit si Dad, pilit na naglalambing, “yung asawa ko at isa kong anak, inaabangan din ang kasal nitong bunso ko. Kaya kung puwede, isama sila.” Napairap ako nang malalim. Of course. As always. Mas mahalaga pa rin sa kanya sina Tita at Ate Maris kaysa sa akin. Caspian leaned forward, ang titig niya matalim, diretso kay Dad. “Sa pagkakaalam ko, yung isang anak mo ang dapat na pakakasalan ko. Pero umayaw siya. At ngayon, itong bunsong anak mo ang isinusulong mong ipalit.” Napakagat-labi ako. Tinamaan ako, pero hindi ko pinahalata. “Oo… pero ok naman itong si Thalia. Mas mabuti nga siya bilang asawa mo,” sagot ni Dad, pilit na nakangiti. Umiling si Caspian, malamig ang boses. “Tumanggi siya dahil nalaman niyang lumpo ako. I hate her for that. Dahil ba hindi ko kayang ibigay ang gusto niya? Dahil ba hindi ko siya mapapaligaya kaya umatras siya? And besides…” tumingin siya nang diretso kay Dad, “hindi mo naman totoong anak yun, hindi ba? So bakit kailangan pa na nandun sila?” Napatigil ako. Para bang bigla akong nawalan ng hininga sa sinabi niya. Pero sa loob-loob ko, may kakaibang pakiramdam na gumapang sa dibdib ko. Hindi iyon pag-ibig, hindi rin paghanga… kundi pakiramdam na may kakampi ako. Hindi ko akalaing siya pa ang magsasalita laban kay Ate Maris at kay Dad. Hindi ako sanay na may nagtatanggol sa akin… at siya pa ang gagawa nun. Napansin kong hindi na nakasagot si Dad. Kita sa mukha niya ang pagkainis, pero pinili niyang manahimik. At doon ko narealize mas malakas ang posisyon ni Caspian kaysa sa kanya. At sa isang banda, mas kampante ako. Mas okay nga siguro na hindi makita ni Ate Maris si Caspian. Baka bigla siyang magbago ng isip at agawin pa ito sa akin. Siguro… kakayanin ko na lang tiisin ang ugali ng lalaking ito. “Be ready, Thalia.” tumitig siya sa akin, matalim, seryoso. “I’ll see you at our wedding.” Pagkasabi niya noon, inutos niyang itulak na palabas ang wheel chair niya. Naiwan kami sa loob ng café ako, si Dad, at ang mga magulang ni Caspian na mula kanina pa tahimik lang at pinagmamasdan ang lahat. Habang nakatitig ako sa papalayong anyo ni Caspian, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May kaba, may inis, may takot… pero higit sa lahat, may kakaibang damdamin na para bang sa wakas, hindi na ako nag-iisa. Nanatili akong nakaupo kahit tapos na ang lahat. Tahimik ang paligid ng café pero ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salitang binitawan ni Caspian. Diretso, walang paliguy-ligoy, at punong-puno ng kapangyarihan. Si Dad ay tahimik lang, halata sa mukha ang pagkainis. Tila ba hindi sanay na may taong hindi sumusunod sa kagustuhan niya. Pero ako, kakaiba ang nararamdaman ko. Parang may bigat na nawala sa dibdib ko kahit alam kong hindi magiging madali ang buhay na papasukin ko. “Thalia, hija,” tawag ng isang malumanay na boses. Napalingon ako. Ang ina pala ni Caspian—isang babaeng may maamong mukha, simple ang bihis pero halatang may mataas na dignidad. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin, dahan-dahan lang ang bawat hakbang. Umupo siya sa tabi ko, at hinawakan ang kamay ko. Mainit, banayad, at may lambing na matagal ko nang hindi naramdaman mula sa sarili kong pamilya. “Huwag kang kabahan,” mahinahon niyang sabi. “Alam kong matapang at matigas magsalita ang anak ko. Pero hindi ibig sabihin noon ay wala siyang puso.” Napalunok ako at napayuko. Hindi ko alam kung paano sasagot. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magpakatotoo o magtago ng nararamdaman. “Pasensya na po,” bulong ko. “Hindi ko po alam kung ano ang dapat kong isipin sa kanya. Kanina lang po, pakiramdam ko… hindi niya ako gustong makita. Pero bigla rin niyang pinagtanggol ako sa harap ni Dad. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan.” Ngumiti si Ginang Caspian, at bahagyang pinisil ang kamay ko. “Alam mo ba, anak… bihira na siyang magpakita ng interes sa kahit sino. Matagal na siyang sarado, takot siyang masaktan ulit. At sa kabila ng ugali niyang masungit, may lambing pa rin siyang kaya niyang ibigay—kapag pinili niyang pagkatiwalaan ka.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, pero may kakaibang init ang mga salita niya. “Hindi madali ang magiging buhay mo sa tabi ng anak ko,” pagpapatuloy niya, seryosong nakatingin sa akin. “Hindi ito gaya ng mga kwento ng iba, na puro saya at ginhawa lang kapag nakapangasawa ka ng mayaman. Mas marami kang pagdadaanan. Pero kung matututo kang kilalanin siya, kung hahayaan mo siyang buksan ang sarili niya sa iyo… baka isang araw, ikaw mismo ang makapagsasabing tama ang naging desisyon mo.” Parang may kumurot sa puso ko. Tama ba talaga ang desisyon ko? Hindi ko naman pinili ito. Pilit lang. Pinilit lang ako ni Dad. Pero… bakit ngayon, parang hindi ko kayang sabihing mali? “Salamat po, tita,” mahina kong sagot, halos pabulong. Ngumiti siya at marahang hinaplos ang buhok ko, tulad ng isang tunay na ina. “Wala iyon, hija. Alam kong hindi ka nagkaroon ng sapat na pagmamahal mula sa pamilya mo. Pero dito… sa piling namin, baka mahanap mo rin iyon.” Hindi ko napigilan ang luhang unti-unting bumagsak sa pisngi ko. Ngayon lang, ngayon lang ako nakaramdam na may taong kumakampi sa akin nang walang hinihinging kapalit. Samantala, si Dad ay nakatingin sa amin mula sa kabilang mesa, halatang nagpipigil ng inis. Pero wala na akong pakialam. Sa unang pagkakataon, mas gusto kong makinig sa mga salitang nagbibigay sa akin ng pag-asa, kaysa sa paulit-ulit na kontrol at pang-aabuso na naririnig ko mula sa kanya. At habang pinagmamasdan ko ang ina ni Caspian, na ngayon ay nakangiti sa akin na parang tunay akong anak, naisip ko… siguro nga, hindi ito ang simula ng katapusan ko. Siguro, ito ang simula payapang pamumuhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD