Chapter 5
Days are quick and now its monday. I really know this day will no longer be smooth. I'm nervous and I dont like it. In the very first place, bakit pa Kasi pumayag eh, noh?
"Hoy! Ok ka lang?" Angie asked then chuckled. I know she's teasing me kasi naikwento ko sa kanya. Hindi pwedeng ako lang mag-isa kaya nagpasama ako. Resbak ba.
"Wag ka ngang matense, sa lagay mong yan parang ikaw pa nag-confess ah," tumawa ulit siyang tila tuwang tuwa sa nakikita. Tuwang tuwang mapahiya ako.
"Ugh, shut up, will you?!" Hinampas ko siya ng marahan. Ba't kasi ang tagal ng tricycle?! Puro tuloy pang-aasar abot ko sa kanya.
"English, hanep! Aba magdusa ka! Ikaw 'tong nagpasama sakin dito noh," sabi niya habang nakangiti parin. Wala nakong masabi kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
Kahit pa malinaw na malinaw ang text ni Dale kaninang umaga na wag magpapasama, di ko talaga kaya. Sa isip ko palang.. ugh sobrang awkward no'n. Kaya't inunahan ko na si Angie na kapit-bahay ko lang din naman. Nacurious ang gaga kaya ayun, kinwento ko nalang.
Sa awa ng Diyos.. may huminto naring tricycle pero mas tumindi lang ata ang kaba ko. Ba't ba kasi ako kinakabahan e hindi naman ito oral. Jusme! First time ko atang gustuhing bumagal ang takbo ng tricycle kahit pa late na.
"Wuy, nahinga ka pa ba?" Tatawa-tawa nyang tanong. Aning talaga.
"Tahimik ka na nga lang Angie. Dami mong sinasabi wala namang sense," pang-inis ko sa kanya pero ang gaga tumawa pa.
"Wow," aniya. Talaga siya 'tong tuwang tuwa sa sitwasyon kong to ha.
"Malapit na tayo. Chill ka lang dyan," dagdag pa niya. Nilingon ko naman ang paligid at ou nga, malapit na sa kanto.
Hindi naman first time na may magkagusto saken o magconfess. Pero ewan ko ba at kinakabahan ako ngayon. Siguro kasi hindi naman niya sinabi personal kaya natatakot kang maging awkward o may ilangan kaya ka kinakabahan.
Nang huminto na ang tricycle, huminga muna ako pampalakas loob bago lumabas. Sa tapat ng kalsada naroon ang 7/11 kaya't di na ko lumingon pa't deretso ang mukha sa semento.
Shit s**t s**t. Parang mantrang paulit ulit kong sinasabi sa isip ko.
Nang tingnan ko si Angie tinaasan lang niya ako ng kilay kaya hinawakan ko na siya't kakaladkarin ko na sana nung hinawakan niya ko pabalik at pinahinto.
"Ano? Tatakas ka?" Pagtataray niya.
"Angelica.Mae.Lee." pagbabanta ko sa kanya.
Inirapan lang niya ko saka tila nagpipigil ng tawa.
"Andyan ba?" Tanong ko nang di lumilingon sa gilid. Kung nandyan man siya sa loob paniguradong dyan siya uupo kung saan kitang kitang ang mga humihintong tricycle at bumababang pasahero.
"Ba't di mo tingnan?" mapanukso niyang tanong. Mali ata ang ideya kong isama tu. Wala akong takas.
Hinawakan niya ang baba ko saka pinalingon sa dako kung saan kitang kita ko siyang nakikipag-usap sa kasama niya. Sakto namang lumingon rin siya kaya't ang ngiti niya mula sa kung ano mang pinag-uusapan nila e mas lumaki pa.
Binitiwan na 'ko ni Angie natatawang palinga linga sa paligid.
"Pa'no ba yan? Parehas kayong di sumunod sa usapan." ngumuso nguso pa ang gaga.
Ako ang unang bumawi ng tingin at nung makita ko sa gilid ng mga mata na tumayo na sila nung kasama niya palabas ng 7/11, naglakad narin ako deretso na papuntang school. Sinundan naman ako ni Angie.
"Chessa saglit!" rinig kong sigaw ni Dale.
Huminto naman kami ni Angie saka siya nilingon.
"Hi Chessa." Napatingin ako sa kanya. Titig na titig siya saken habang nakangiti. Parang ako pa ang nahiya sa tingin niyang yun walanju. Hindi ako sanay sa ganito e kaya naiilang ako ng bongga.
" *ehem* hi daw oh" siko sakin ni Angie. Sinamaan ko siya ng tingin bago sumagot.
"Hello," tipid akong ngumiti pero dahil sa pilit, ang lagay e parang natatae ata yung mukha ko.
Natawa naman siya't ibinaling ang tingin sa kasama.
"By the way, eto nga pala si Thon, barkada ko. Thon, Chessa and her friend Angie," turo niya kay Angie.
"Hi Chessa, hi Angie. Ayos tung si Dale wag kayong mag-alala." Inakbayan niya pa si Dale saka nag fist bomb ang dalawa.
"Mga sira," iiling-iling na sabi ni Angie.
"Tara na nga at late na tayo!" Dagdag niya. Lumipat ang tingin niya saken sabay taas ng isang kilay.
"Tara na. Mauna na kayo Dale." Pang -uutos ko. Kumunot naman ang noo niya saka siya nagsalita.
"Hindi, kayo na. Sa likod niyo kami."
"Hindi nga. Kayo na." Pagmamatigas ko.
"Hin--" hindi na natapos pa ang sasabihin niya nung inakbayan na siya ni Thon.
"Hindi tayo makakarating ng school kung magmamatigasan lang kayo," umirap na lang si Dale saka nagpa-ubaya sa tangay ng kaibigan at nauna nang naglakad.
"Cute niyo," pang-aasar ni Angie saka kinawit ang braso ko sa kanya.
Hindi ko nalang pinansin at naglakad narin hanggang sa nakarating na kami sa school.
"Ayieeee. Dale ha ambilis" bungad samin nung isa naming kaklase, Henry ata ang pangalan.
"Naks." Tinapik pa ang balikat niya bago lumabas ng classroom.
Pagkapasok namin, tuluyan akong napahinto nung mapansin kong nakatingin sila sa'min. Halos lahat.
"Bakit?" Kunot noo kong tanong.
Naguguluhan sa reaksyon nila.
"Hayaan mo yang mga yan crush," nakangisi niyang sabi saka humarap sa mga kaklase namin. Pinulot niya yung papel na nasa sahig, nilukot saka binato dun sa barkada niya. Nailagan naman nila ito at tinawanan lang.
Dumako ang tingin ko kay Dale at nakitang nakangisi ito. Sa inis ko'y inirapan ko siya kahit alam kong di naman niya makikita kasi hindi naman siya sakin nakatingin. Umupo nako sa pwesto ko saka naglabas ng libro. Talagang alam ng lahat ha?! Nakakahiya!! Parang nong nakaraan lang inis na inis ako sa kanya tas ngayon parang aasarin pa nga kami.
Kanina pa ko nagbabasa pero di naman nausad sa isang pahina. Paulit ulit kong binabasa kaso ayaw talagang pumasok sa utak ko. Binalik balikan ko hanggang sa sumuko na ako. Nilapag ko na lang yung libro sa desk saka pumikit.
"Distracted ka ata?"bulong ng kung sino man sa tenga ko. Sa sobrang lapit niya at gulat, nasuntok ko siya.
"Aray!" Napatayo siya habang hawak hawak ang kanyang panga.
"Nanggugulat ka kasi kaya ayan!" Sigaw ko sa kanya. Gusto ko sanang magsorry pero nung malaman kong si Dale pala e nagtigas-tigasan ako.
"Waw ha? Sorry kasi nagulat kita at salamat sa suntok." Sabay turo niya sa pangang namamaga.
"Gusto mo ulitin ko pa?" Mahina kong sambit habang binalik ang tuon sa pagbabasa pero mukhang narinig niya kaya inagaw ang librong binabasa ko.
"Pasalamat ka crush kita kundi--"
"Kundi ano?" agap ko. Tumaas pa lalo ang kilay ko nung nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa inis ay tila nagulat at ngayo'y pinipigilan na ang ngiti.
"Ano ha?" pagtataray ko sabay irap ko sa kanya. Umiwas ako ng tingin. Naramdaman ko namang bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko.
"So naniniwala ka nang crush kita?" Muli akong napatingin sa kanya. Nakangiti ito na parang di makapaniwala.
"Wala akong ibang paniniwalaan kundi trip nyo ko. Tigilan niyo na nga iyan. Di nakakatuwa," inis kong sabi sa kanya.
"Ba't ba kasi di ka naniniwala?" Tanong niya sakin. Hindi ko rin alam pero siguro pinipigilan ko lang ang sarili kong maniwala. Umiwas ako ng tingin. Walang mga salitang gustong lumabas saking bibig kaya kinuha ko nalang ang librong hawak niya.
Alam kong nakatingin parin siya sakin pero hindi ko na nilingon.
Hinayaan ko nalang siya hanggang sa magsawa siya kakatig dyan. Naaasiwa ako pero hindi ko nalang pinansin at pinilit ang utak kong unawin ang mga salitang binabasa.
Naglabas siya ng buntong hininga nung hindi ako sumagot.
"Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka?" tanong niya. Naging iba na ang boses niya. Parang nalungkot ... O baka nagpapa-awa lang.
"Umalis ka na nga. Hindi naman dito ang upuan mo ah. Pasalamat ka may meeting kaya di tayo late. Dun ka na nga." pagtataboy ko sa kanya. Kahit pa kasi hayaan ko at di pansinin, hindi pa rin talaga ako komportable na nasa tabi ko siya.
"Gusto mo ligawan kita?" Tanong niyang tila naghihintay ng sagot ko.
Napatigil ako sa pagtataboy dahil sa gulat mula sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Ba't ba cool lang siyang magsalita ng mga ganyan. Hindi ba siya kinakabahan? Sobrang komportable niya't di man lang ba siya nakaramdam ng ilang?
Sa inis koy hinampas ko siya nung librong hawak ko sa may balikat.
"Baliw ka!" Inis kong sigaw sa kanya.
Nangunot naman ang noo niya
"Yes or No lang naman Ches. Ayaw mo bang ligawan kita?"
At talagang inulit pa ng tokwa. Arghh!! Tiningan ko naman yung mga kaklase kong nagbubungisngisan na. Mas nainis lang lalo ako sa kanya. Lintek siya!
"No way. Umalis ka na nga." Tinulak tulak ko siya sa upuan hanggang sa tumayo na rin ang tokwa.
Imbis na manlumo tumawa pa! Hanep anong nakakatawa dun? may sayad nga talaga.
Nung makabawi na siya sa pagtawa, tumingin siya deretso saking mga mata. Hindi naman ako umiwas ng tingin. Nagtapang-tapangan.
Ngumiti siya ng makahulugan.
"Ok," habang tumatango tango.
"No way on earth I'll never court you."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya napatawa ulit siya nung makita ang reaksyon ko.
"Liligawan kita." Pinal niyang sabi then he winked and then smiled at me before he leave me shocked.
"What the heck?" bulong ko sa sarili.
***