Chapter 6
From that day onwards, pinanindigan nga ni Dale ang inakala kong biro. Crush na ang tawag niya sa akin simula noong pag-amin niya. Sumasabay siya sa amin nina Angie kumain sa canteen at kung minsan nga e hanggang sa pag-uwi since isang street lang naman pala kami pero mas nauuna siyang lumiko kasi medyo dulo pa yung akin. Nakabuntot siya lagi kahit na minsan tinataboy ko na kasi nga di ako sanay. Hindi na nga siya sumasakay ng tricycle eh. Naglalakad nalang siya pauwi kasama namin para lang makasabay.
Dumaan ang ilang linggo at ganun parin naman siya. Mapang-asar at laging kwela sa klase. Sinabihan ko na siya nuon pa na tumigil na sa laro nila pero ang laging sagot lang niya eh, "Kailan ka ba maniniwalang seryoso nga ako sayo?" Kesa mapahaba na naman ang diskusyon eh hinayaan ko nalang. Bahala siya dyan.
"San ka punta?" Tanong bigla ni Dale nang makitang lalabas ako ng classroom. Wala pa naman ang next teacher kaya iihi muna ako sa labas sabay pasimple narin sa canteen.
"Sa Japan," pabalang kong sagot sabay irap. "Magsi-cr lang ako! Masasapak kita kapag nagpumilit kang sumama."
Pabiro naman siyang napaatras habang nakataas ang dalawang kamay na tila sumusurrender.
Yan ganyan nga. Dapat sumusunod para walang sapak, lolz.
Pagkatapos kong bumili ay umupo na ako sa pwesto ko. Simpleng araw lang. Tamang pakinig sa guro, nag-aantay ng awasan.
Naglalakad na kami sa pathway palabas ng gate nang biglang tumabi si Dale sakin. Katabi ko naman sa kabila si Angie at sa likod namin sina Shainah at Dan.
"Tara sa isawan, libre ko." Sabay akbay niya sakin at naghiyawan naman sina Dan pati mga kaklase naming nakasaksi. Kumindat pa ang lintek sa likod. Siniko ko nga at nanananching.
Nasa may labas na kami at inaantay ko lang si Angie habang may binibili sa tabing tindahan na school supplies. May assignment kasi sa art kaya bumili na siya ng materials. May stock naman si tita sa bahay kaya di nako bumili. Nag-aantay ako sa tabi kasama si Myke nang mamataan ko si Dale sa tabing kalsada. May kausap sya sa loob ng tricycle at parang nakikipag-asaran doon. Iiwas na sana ako ng tingin nang lumabas yung babae sa tricycle at sumunod naman si Dale sa kanya. Bumili sila ng juice sa tabi pagkatapos ay sumandal muna sa may poste. Dahil nakaharap na sila sa banda ko ay namukhaan ko ang kasama niya. Si Jayne pala kaklase rin namin. Huli na nang mapagtanto kong sakin na pala nakatingin si Dale. Baka mamaya iba pa isipin neto kaya luminga linga nalang ako. Kunwari ay may hinahanap. Sakto namang tapos na si Angie kaya naglakad na kaming tatlo.
Pasimple kong nilinga si Dale at nakitang dali-dali syang nagpaalam at nakipag patintero sa mga sasakyan para makatawid. Binilisan ko nalang ng lakad nagbabakasakaling di niya kami maabutan.
"Parang nagmamadali ka? Maaga pa naman ah," takang tanong ni Angie.
"Baka kasi may iniiwasan" pang-asar naman ni Myke.
Nako. Toka nako sa pambubugaw ng mga kaklase ko sa klase, pati ba naman sa pag-uwi eh may pabaon pa.
"Teka langggggg!" Tumatakbong sigaw ni Dale sa may likod namin hanggang sa naabutan rin kami. Hinawakan niya pa sina Myke at Angie para siguraduhing hihinto.
"Hinga muna, hingal na hingal eh!" Tatawang tawang asar ni Myke.
"Sasabay ka na naman?" Tanong ko.
"Sasabay lang eh! Arte naman ni crush. Tiyaka lilibre ko nga kayo dun sa binilhan niyo no'ng nakaraan." Pambubudol niya na ikinatuwa naman ng mga kasama ko.
"Yun naman pala eh! Tara na!" Tuwang tuwang hinatak ni Myke si Dale at nauna na silang naglakad. Nasa likod naman nila kami ni Angie.
"Tatlong dugo akin ate" ani ko sa tindera.
"Anong dugo eh betamax kaya yan."
"San ba sya gawa tyaka pake mo ba e yan na tawag namin dati pa eh. Diba ate?" Pakikilagtalo ko.
"Eto talagang crush ko daming alam. Dalawang dugo akin ate tyaka tatlong isaw," sabay kindat sakin eh kung tusukin ko kaya yang mata niya diyan! napalingon naman siya kina Angie.
"Yung inyo?" pahabol niya saka umorder na rin ang dalawa.
"Sa daan na ba natin kakainin?"
Inaantay pa namin maluto kaya nakatayo muna kami sa tabi. Ang nakasanayan talaga namin ay kinakain namin sya habang naglalakad.
"Tara, pasok muna tayo. Parang masarap magkanin," pag-aaya niya. Napatingin naman ako sa keypad kong cp, chinicheck ang oras. Napansin niya marahil ito kaya tiningnan niya yung relo niya.
"Mapapagalitan ka ba? Maaga pa naman. Maaga naman tayong pinalabas kaya medyo mahaba pa oras."
Nakatingin lang ako kina Angie baka sakaling makuha nila ang gusto ko kaso ang maganda naman todo deadma. Totoong maaga pa nga kasi hindi yun yung usual na oras ng uwian namin pero kasi hindi ako komportable na kasama namin siya.
"Kung ayos lang naman sayo, sa inyo" sabay tingin din kina Myke at Angie.
Sinesenyasan ko na si Angie pero ang gaga ngumiti lang sabay kindat sakin.
"Ha? Ba't naman hindi.. ou noh!! Ayos lang tyaka nilibre mo nga kami e."
"Kaya nga pre, ayos lang noh tara at magkanin. Ako na magbabayad ng kanin ko,"dagdag ni Myke saka sila pumasok sa loob at umupo sa may bakanteng table.
Sabi ko na nga ba at tatraydurin ako nitong mga to eh. Alangan namang umuwi akong mag-isa edi nagpati-anod nalang din ako.
Katabi ko si Angie kaya magkaharapan kami nina Dale. Hindi na ako nagkanin at kakain din naman ako mamaya pagkauwi. Baka gusto mo pang magpadagdag crush .. sabihan mo lang si ate sagot ko na.
"Tongeks, ako magbabayad ng akin." Pagmamatigas ko. Gustong gusto ko ang libre pero dahil alam kong galing sa taong may gusto sakin.. parang ang unfair lang kung tatanggapin ko. Sa loob loob ko masaya ako at naaappreciate ko yun, pero parang mali lalo at ganun ko sya kung tratuhin.
"Sa susunod ka nalang. Ako muna magbabayad ngayon." dagdag ko.
Hanggang sa matapos silang kumain at nagkukwenta na eh nauna na kong tumayo at nagbayad. Nang malaman niyang binayaran ko yung akin, kinukumbinse niya parin ako kahit pa tapos na't hanggang sa paglalakad.
Dating gawi, naunang lumiko si Angie sa subdivision na tinitirhan nila kaya naiwan na kaming tatlo. Mas malapit ang kina Angie sunod sa kanila ni Myke at ilang lakad naman ang layo nun sa amin. Parang tanga lang akong nakasunod sa kanila habang nagbubulong bulongan sila sa harap.
Iisang village lang sila Myke at Dale nakatira na nadadaanan ko lang rin kasi nga iisang street lang kami. Nasa kabilang kalsada na yong village nila pero ipinagtataka kong hindi sila tumawid. Nagpatuloy sila sa paglalakad at dinaanan lang.
"Huy! Mga lasing ba kayo? Ayon na yung inyo ah," tumigil naman sila saka nilingon ako.
"Tara na, ihahatid ka namin," sabi ni Dale.
"Baliw wag na. Lapit lapit na nong amin eh. Tyaka gabi na oh. Uwi na don. Dadamay mo pa si Myke eh."
"Kaya nga crush gani na. Dilim dilim dun oh, hatid ka na namin." Tinuro niya yung madilim na parte pero sanay naman na ako dun.
"Para namang bago sakin."
Hinayaan ko na lang sila't ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Hanggang dyan lang ha. Sa may puno na yan tapos uuwi na kayo."
"Oo nga," sagot naman niya.
Nadaanan na namin yung madilim na parte pero di padin sila nauwi. Ipinagtutulakan ko na pero matitigas talaga ang mga ulo ayaw paawat.
"Dyan nalang oh sa may yellow na gate, promise," sabi ni Myke na kanina pa promise nang promise. Sa kakatawad nila, nakarating nalang ako samin.
"Hanggang dyan nalang talaga crush sa may punong iyon, last na."
"Talagang last na e samin na sunod niyan e. Yang may red na gate. Tsk." iiling iling ko sabay ngisi naman nila.
Tumawid kami sa kabilang kalsada. Papasok nako ng gate ng compound nang akmang papasok din si Dale.
"Huy, tongeks. Dyan ka lang. Baliw ka ba? Gagawin mo?" taranta kong tanong sabay tatawa tawang inawat naman ni Myke si Dale.
"Relax lang pre."
"Papakilala lang eh. Bawal pala?" Sabay abante taas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
" Heh! Sige na uwi na kayo. Gabi na oh"
"Tara na pre," ani Myke.
"Lapit lang pala ng bahay niyo crush," nakangiti niyang sabi habang kunwaring sumisilip sa loob.
"Sige na crush, uwi na kami." Nakangiti niyang paalam sabay hinatak na ni Myke.
Paalam nang paalam di naman naalis..
"Wala bang kiss sa pisnge dyan?" Pahabol niya.
"Suntok, gusto mo?" Pang-aasar ko pero hindi ko rin naman mapigilang mapangiti.
"Sige, goodnight crush."
"Tss. Goodnight!" sabay irap.
Nauna na akong tumalikod at pumasok. Para kasing ewan si Dale, paalam nang paalam pero parang wala namang balak umalis.
Sumandal muna ako sa gate at pinakiramdaman ang puso ko. Hindi ko namalayang hawak hawak ko na pala ang labi ko. Ba't ganto. Parang may mali. Ba't ang bilis ng t***k ng pusok ko at ba't hanggang ngayon nakangiti parin ako?
Naku, iba to...
Delikado.
*****