Nasa hardin ako ngayon, nag-iisa at nakaupo habang nakatanaw sa kawalan. Iniisip ko kung ano ang magandang gawin. Ngayong tuluyan na akong tinalikuran ni Armando ay wala na akong lugar sa bahay na ito. Hindi niya man sinasabi sa akin, alam kong iyon ang ibig sabihin ng malamig niyang pakikitungo sa akin. Makakaya ko kayang harapin ang buhay na wala siya? Gayong siya ang dahilan kung bakit ako lumalaban? Siya ang nagpapalakas ng loob ko at siya rin ang nagpapatibay nito. Pero siya rin pala ang wawasak sa akin. May dahilan pa ba para lumaban? Iniisip ko palang ay nawawalan na ako ng gana. Alam kong kailangan kong lumaban pero bakit kay hirap gawinSiguro dahil hanggang ngayon kasi ay umaasa pa rin ang puso ko na babalikan ako ni Armando kahit alam ko namang malabo na. Bakit ba kayhirap

