Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya sa akin kaya umalis ako sa harapan niya. Kinuha ko ang phone ko tsaka dinayal ang numero ni Bruce. "Hello Bruce, sunduin mo ako mamayang gabi dito sa bahay ni Armando." nilakasan ko talaga ang boses ko para siguradong maririnig ng bruhong kaharap ko ang sasabihin ko. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, nagtatanong ang kanyang mga mata. "Diyan ako matutulog sa bahay niyo ngayong gabi. Gusto ko tabi tayo, tawagan mo na rin si Brandon para mas masaya. Kasya naman tayong tatlo diyan sa kama mo diba?" Alam kong nagtataka si Bruce sa mga sinasabi ko pero hindi ko siya pinapansin dahil nakatuon ang atensyon ko kay Armando. Pinatay ko ang tawag at binalik ang phone ko sa bag. "Damn you Mia!!! don't ever

