"Iha, andyan ka ba sa loob? Dinalhan na kita ng pananghalian dahil hindi ka pa kumakain." Narinig ko si manang na nasa labas ng pinto kaya binuksan ko ito at pinapasok. "Salamat po manang pero sana hindi na kayo nag abala pa." "Kumain ka na muna dahil wala pang laman ang tiyan mo." "Wala ho akong gana manang." "Nakung bata ka. Kumain ka kahit kunti, magkakasakit ka nyan. Mapapagalitan ako ni senyorito." "Ah manang hindi pa ho ba nakauwi si Armando." "Hindi pa iha baka mamaya pa yun dahil dumaan dito si Ariella. May pinuntahan sila." "Ah manang sino po yong Ariella? Kaano ano po siya ni Armando." lakas loob kong tanong kay manang kahit na kinakabahan ako sa magiging sagot niya. "Naku hindi ba nasabi sayo ni senyorito?" "Hi..hindi po e." mas lalo yata akong kinabahan sa naging sago

