AMARI'S POV Nagising ako na wala si Armando sa tabi ko. "Hmmm, sinungaling. Sabi niya hindi raw aalis. May pahalik halik pang nalalaman kagabi ni wala man nga lang i love you. Kainis.. Ako naman si gaga kilig na kilig. Eh pinaasa lang pala." Antay ako ng antay kagabi ng i love you niya eh kahit i lang wala eh. Hindi yata uso sa kanya ang salitang yon. Kahit inaantok pa ako ay bumangon na ako sa kama para maligo. Dere deretso lang ako sa loob ng banyo at pagkapasok ko ay naghubad na ako ng tshirt at pajama habang nakapikit pa. Wala akong ganang kumilos kaya dahan dahan lang ang galaw ko. Nang mahubad ko na ang pajama ay iminulat ko ang aking mga mata naglakad papasok sa shower room. Ngunit laking ko nang tumambad sa harapan ko si Armando. "Aaayyyy." napasigaw ako sa aking nakita. B

