THIRD PERSON'S POV Naghahanda ngayon si Armando para ipasyal si Mia. Napapayag rin siya ni Mia sa gusto nito. Labag man sa kalooban ni Armando dahil nag aalala siya sa kaligtasan nito ay wala na siyang magawa. Ang tanging magagawa niya lamang ay siguraduhin ang kaligtasan nito. Nag hire siya ng sampung body guard para magbabantay sa kanila habang nasa labas. Napili nyang sa mall nalang ito ipasyal dahil mas ligtas doon kesa sa mga open field. Habang si Mia naman ay hindi mapigilan ang excitement na nararamdaman. Kinakabahan man ay kailangan niyang gawin ito. Nagsuot lamang siya ng maong pants at simpleng t-shirt. Pinarisan niya ng sneakers para komportable siyang kumilos. Nag suot din siya ng scarf pantakip sa ulo niya para hindi siya agad makilala. Lumabas na siya ng kwarto dahil n

