"Ahh, Wala akong dalang i.d." "Sorry maam, kailangan po namin ng i.d. eh." Hindi talaga siya nagdadala ng i.d. simula nung ginamit niya ang pangalang Mia Hernandez para iwas buko. Royal card lang ang tanging dala niya. Pinakatago tago niya pa iyon sa secret pocket ng bag niya kaya hindi ito nakita ni Armando noong hinalungkat nito ang bag niya nang sinugod siya sa hospital. Nakalimutan niyang kailangan pala ng i.d sa mga ganitong transaksyon. Gustong gusto niya talagang mabili ang relo dahil saktong sakto ito sa pagbibigyan niya. "Hindi bale na lang babalik nalang ako sa susunod." sabi niya at aalis na sana nang may biglang dumating na babae. "Mr. De Castro ipapaalala ko lang ang meeting mamaya, don't be late." sabi niya sa bading na manager nitong boutique. "Yes Miss Riva daratin

