THIRD PERSON'S POV Lumabas si Mia ng kwarto niya upang maglakad lakad dahil nababagot na siya. Bumaba siya ng hagdan para pumunta ng garden. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng makarinig siya ng ingay sa baba. Iniisip niyang mga kasambahay lang kaya dumeretso lang siya. Pagdating niya sa baba ay nagulat siya sa di inaasahang bisita ni Armando. "Oh God, ba't nandito sila? Hindi nila ako pwedeng makita." Babalik na sana siya sa taas ngunit huli na dahil nakita na sya ng mga ito. Samantalang sila Bruce at Brandon ay nagulat rin ng makita si Amari. "Amari..? sabay na bigkas ng dalawa. "Why are you here.?" takang tanong ni Brandon. "Hindi ka nagpakita ng mahigit isang buwan, nandito ka lang pala? si Brandon ulit. "Uhmm." napalinga linga muna siya sa paligid bago nagsalita. "Mahaban

