Saktong pagkayakap ko sa kanya ay naramdaman ko ang pag tama ng bala sa aking balikat. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinigurado kong hindi siya matatamaan. Nagulat nalang ako nang marinig ko ang palitan ng putok sa labas. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay dumating na ang tulong ni Justine. Ngunit paglingon ko ay hindi si Justine ang nakita ko kundi tatlong mga lalaking puro itim ang suot. Nakapwesto sila sa di kalayuan habang pinuputakan ang bumabaril sa amin. Sino sila...? Hindi rin sila mga tauhan ni Justine. Kung titignan mo sila para silang mga professional gunner. Mas lalo akong naguluhan sa mga pangyayari. Hindi ko sila kilala. Pero kung sino man sila, nagpapasalamat ako nang lubos dahil sa pagligtas sa amin. I owe them our lives. Dahil kung hindi malamang sa mal

