Pabaling baling ako ng tingin ngunit hindi ko na sya makita pa. Naglakad ako patungo sa parking area ng cafe at doon nakita ko siyang naglalakad. Agad akong tumakbo para maabutan siya. "Mia... Mia... tawag ko sa kanya ngunit hindi siya lumingon. Patuloy lang siya sa paglalakad patungo sa isang kulay abo na sasakyan. "Mia." tawag ko ulit sa kanya. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba na nararamdaman ko. Ganunpaman ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil binubuksan na niya ang pinto ng sasakyan. Kailangan ko siyang maabutan. Malakas kong tinatawag ang pangalan niya habang tumatakbo ngunit hindi talaga siya lumilingon. Papasok na siya ng kotse ng maabutan ko. Agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya sa pag akyat. "Mia.." banggit ko ulit sa pangalan niya. Nanginginig ang kamay ko

